CANDICE POV Nakakulong pa rin ako sa bahay ko at hindi pa rin napasok sa kompanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdamang ngayong alam na ni Liam ang totoong dahilan kung bakit ko siya iniwan, kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya. I didn’t expect na maririnig niya ang pinag-uusapan namin, hindi ko rin inisip na pupuntahan niya ako rito para alamin ang sitwasyon ko. Napasandal na lang ako sa sofa ko habang yakap yakap ang unan ko, umuwi rin saglit si Emma para sa pamilya niya. Mag-isa na lang ulit ako dito sa bahay habang iniisip ang mga nangyari kagabi. Ang tagal ko rin palang kinimkim, ang tagal kong sinarili ang lahat, lahat ng mga problemang hindi ko dapat sinarili at itinago dahil sarili ko lang sinaktan ko. Tama si Emma karapatan ni Liam ang malaman sa nangyari sa ak

