“Guys, I have a good news.” Pang-aagaw ng atensyon sa amin ni Ms. Abby kahit halos kararating lang naming lahat. “We’re having a team building this week at dalawang araw yun.” “Yun oh!" “Yan sana!” “I’m so excited!” masasaya nilang komento at nagsimulang mag-ingay ang mga kasamahan namin dahil sa team building na gaganapin. May pateam building pa pala sila kahit na medyo busy na sa trabaho. “Quiet, suggestion ito ni Ma’am Lyra para bago raw tayo magtrabaho ng magtrabaho ay magkaroon man lang tayo ng oras sa isa’t isa saka alam ko namang grupo grupo kayo rito. Sana iisa lang tayo kapag nasa trabaho tayo. Are you okay with that?” “Of course Ms! Anong petsa raw ba ang team building natin?” “Bukas na rin hanggang sa isang araw.” Kaniya kaniyang hiwayan ang mga kasamahan ko at ganun n

