“Okay we’re going to start na.” anunsyo ni Abby nang matapos ang lahat na kumain. Tumayo naman na ang lahat at nagtipon tipon sa gitna kung saan nakaupo si Liam at Lyra. “So ang una nating lalaruin ay Truth and a Lie.” Dagdag pa niya. Kaniya kaniyang bulungan ang mga empleyado dahil wala silang kaide-ideya kung ano ang larong iyun. Ang iba ay halos manlumo pa dahil parang laro lamang siya ng mga bata. “Quiet, hindi ito laro lamang ng mga bata, hindi ito ang truth or dare. The purpose of this game is to know each other. Matagal na tayong magkakasama pero alam kong hindi niyo pa rin kilala ang lahat, nasa iisang department tayo pero hindi natin kilala ang isa’t isa. So ang gagawin niyo ay magsusulat kayo ng tatlong katotohanan at isang kasinungalingan. Bibigyan ko kayong lahat ng tig aapat n

