bc

MY FIRST LOVE

book_age18+
598
FOLLOW
4.2K
READ
HE
age gap
pregnant
kickass heroine
drama
small town
musclebear
love at the first sight
wild
like
intro-logo
Blurb

“First love is a little foolish and a lot of curiosity." Ano nga ba ang kayang isakripisyo ng Isang pusong nagmamahal? Kaya ba nitong panindigan ang isang pangako na kaniyang tanging pinanghahawakan? o Susuko na para Hindi na muling masaktan?

chap-preview
Free preview
Watching Him a Far
Dumaan lang talaga ako! Nandito ako ngayon sa Megamall sa Quezon City para bumili ng mga gamit, kasi college student na ako sa Aurora University. Nakakakaba at nakaka-excite! Siguro ganito talaga kapag magsisimula ka pa lang. Habang pababa ako sa escalator papunta sa ground floor ng mall, napansin ko siya. Siya na naman. Muli. Kasama niya ang kanyang mga kabanda, tumutugtog ulit. Pangalawang beses ko na silang nakita dito sa parehong mall sa loob lang ng isang linggo. “Hindi naman siguro sila sikat, pero ang galing nila!” bulong ko sa sarili ko. Wala sa sarili akong naupo sa bakanteng upuan sa food court. Agad naagaw ng gwapong vocalist ang buong atensyon ko. Nakasuot siya ng itim na sando, blue jeans, at cowboy boots, habang kumakanta at tumutugtog ng gitara. Ang ganda ng boses niya, parang hinihipnotismo ang lahat ng nakikinig. > I'm driving down the highway Cold and dark, dead... (It's deceiving) It's deceiving... Napuno ng emosyon ang buong paligid sa bawat linya ng kanyang kanta. Pagkatapos ng performance nila, nagpalakpakan ang mga nanonood. Kahit ang mga dumadaan lang, napahinto para panuorin sila. “Grabe,” bulong ko. “John Vesely vibes talaga!” Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Napakagwapo niya—ang mukha, ang matipunong dibdib na bakat sa suot niyang sando... grabe! Napapangiti ako habang iniisip: “Paano kung kami pala ang para sa isa’t isa? Paano kung ako pala ang hinihintay niya? Sheeeet! Gisingin niyo ako!” Pero bigla akong natauhan. “Nakuu! Anong oras na?!” Napasigaw ako nang makita ang relo ko. Ala-una na—malalate na ako sa trabaho ko sa café! At sa sobrang pagtunganga ko, hindi ko pa rin nabibili ang mga kailangan ko sa school bukas. Mabilis akong tumakbo palabas ng mall, nagmamadali. Oo, working student ako. Kaya naman akong pag-aralin ng mga magulang ko, pero mas gusto kong ako mismo ang magdesisyon sa buhay ko. Napili kong kurso ay BSIT—Bachelor of Science in Information Technology. Ewan ko ba, pero hilig ko talaga ang mga computer noon pa man. --- Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ako sa trabaho ko sa Tea Time Café Bar. Barista ako dito, kaya kailangan munang magpalit ng uniporme. Mas maganda pa nga ang uniporme ko dito kaysa sa pang-araw-araw kong damit. “You know naman, jologs!” natawa ako sa sarili ko. Pagpunta ko sa bar area, puno na ang café ng mga customer. Sanay na ako. Tuwing 1 PM hanggang 4 PM, puro mga estudyante ang nandito para magpalipas ng oras. Pero pagsapit ng 5 PM, mga kaedad ko na at mga nasa mid-30s ang nagsisimula nang dumating para magrelax. Biglang may sumigaw sa harapan ko. “Miss? Okay ka lang ba? Hoy!” Kumakaway siya ng panyo sa harap ng mukha ko. Napatulala ako. Siya? Ang vocalist? Ang kamukha ni John Vesely?! “Ah! Yes, sir! Ano po ang order nila?” bulol kong tanong habang pilit binabawi ang sarili. Kita sa mukha niya ang pagka-inip. “Pwede na ba akong umorder? Ang tagal mo.” Nag-ayos muna ako ng sarili bago ngumiti nang pilit. “May I take your order, sir?” Itinuro ko pa ang menu sa taas. Tumaas ang kilay niya. “Isang Margarita,” maikli niyang sagot. “Okay, sir! Coming up!” sabi ko, pilit pinipigilang mataranta. Sinimulan kong i-mix ang order niya. Margarita, ala Lia Dannielle! Oo nga pala, ako si Lia Dannielle Acosta. Para sa akin, perfect ang pangalan ko. Walang kokontra! Pagkatapos ng ilang halo, iniabot ko sa kanya ang inumin. “Here’s your order, sir! Enjoy!” Halos mapunit ang labi ko sa laki ng ngiti ko. Wala. Deadma. Napabuntong-hininga ako. “Pasalamat ka gwapo ka at crush kita, kung hindi, ewan ko na lang!” bulong ko sa sarili ko habang nakanguso. Hindi ko mapigilang titigan siya ulit. Ang ganda ng hubog ng katawan niya, parang diyos. Ang haba ng shift ko ngayon, sa isip-isip ko habang bumalik sa trabaho. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook