Samantalang nagpatuloy ang malagim na pangyayari sa gabi ng kaarawan ni Eleonor... Buhat buhat ni Eleonor ang ulunan ni Alejandro nang madatnan siya ng mga bisita sa labas sa likuran ng kanilang bahay. Umiiyak itong yakap yakap ang wala nang buhay na kasintahan. Naghihinagpis ito na hindi man lang nasabi ang malaking sorpresa na alam niyang ikatutuwa nito ng lubos kapag nalaman. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang paglapit ng kanyang mga magulang. Natigalgal ang mga ito sa nakita. Hinawakan siya ni Don Herminyo sa braso at pilit na inilalayo sa nakahandusay na si Alejandro. Nagpumiglas siya at nagtaas ng tingin. Nagngangalit ang kanyang bagang na hinarap ito. “Bakit mo pinatay si Alejandro! Napakasama mo Papa, napakasama mo!” buong lakas na pinagpapalo niya ang dibdib ng ama. Mat

