“Come on Luke! There’s nothing to be worried about. Nakisakay lang ako sa car niya, yun lang!” pag-uwi nang pag-uwi ay nadatnan ni Ellie si Luke sa kanilang bahay, naghihimutok sa galit. Nalaman ng lalake ang tungkol sa nakaraang lakad niya kasama si Ashton papuntang Bataan. Seloso ang lalake at alam niyang magagalit ito kaya iba ang rason na ipinagpaalam niya dito. “You are hiding something! Hindi lang yan ang ikinagagalit ko alam mo iyan!” pigil ang pagtaas ng boses nitong saad sa babae. “What do you mean?” gusto niyang gumawa pa ng ibang alibi pero mukhang bisto na ata siya ng kasintahan. “Hindi sinasadyang masabi sa akin ng mama mo na nag-stay kayo sa isang hotel room ng lalakeng iyon!” singhal na nito dito. Natahimik siya. Number one talagang taga suporta nito ang mga magulang,

