Nagkagulo ang mga tao nang masaksihan ang banggaan ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng Quirino Ave. Nagsisimula nang magtumpukan ang mga ito at makiusyoso nang magkasunod na dumating ang mga pulis at ambulansya. Hindi na nagpatumpiktumpik pa ang mga ito at agad nang inalis ang mga biktima mula sa loob ng na deformed na harapan ng mga sasakyan at mabilis na dinala sa pinakamalapit na ospital. Nakakailang tawag na ito sa telepono ni Ashton nang finally ay sinagot na iyon ng lalake. Ngunit imbis na lalakeng boses ang marinig ni Ellie sa kabilang linya ay isang babae ang sumagot. Nagpakilala ito na isang nurse sa ospital na pinagdalhan kay Ashton. Kasalukuyan ng mga itong hinahanapan ng pagkakakilanlan ang binata nang tumawag ang babae. Agad na ipinaalam ng nurse kay Ellie ang nangyari dito.

