Doon ay nakita niya ang putol na kamay ng tao ... naaganas na't inuuod na! Natulala siya at tila di alam ang magiging reaction niya sa nakita niyang putol na kamay na inaagnas na.Makikita na matagal na dito at inuuod na. At sa tagal niyang nakatulala ay biglang napatakbo siya. Hindi niya malaman ang gagawin nang bigla ring may nabangga siya habang tumatakbo at hindi matignan ang dinadaan dahil sa sobrang taranta niya sa kanyang nakita. "Sino ka?" tanong ng lalaking nabangga niya. Bakit bigla-bigla'y nagkaron ng tao sa loob ng mansyon? Bakit kanina lang ay tila walang nakarinig sa kanyang malakas na tawag?Talagang may kakaiba dito sa mansyon na ito.Maliwanag na maliwanag na tila walang tao nung nag sisigaw siya at ngayon ay may isang lalaki siyang nabangga. Hindi siya nakasagot kaya aga

