Chapter 1
Napakasarap mabuhay ng simple lang ,tulad nalang ng pamumuhay namin dito sa probinsya kasama ang pamilya ko.Isang mag sasaka ang aking mga magulang.May tatlo akong maliliit na kapatid ako ang panganay.Hindi ako masyadong pinapapunta ng aking magulang sa bukid dahil sabi nila baka madungisan ang ganda ng aking mukha dahil ito daw ang tulay para kami ay yumaman.Hindi ko maintindihan kung bakit nila nasabi iyon ,sumang ayon nalang ako at inalagaan ko ang aking nga nakababatang kapatid sina Charity, Charisse at Calid.Halos letter C ang simulan ng pangalan naming mag kakapatid at ako naman si Clara.Mag lalabing anim na taong gulang na ako sa susunod na araw.
Sabi ko kay inay at itay ay wag na silang mag abala sa nalalapit kong kaarawan at ibili nalang ito ng kailangan namin sa bahay.
Nag pumilit sila inay kaya wala na akong nagawa.
Niyaya ko ang mga ilang kong kaklase para i celebrate ang simpleng 16th birthday ko.Diko nga alam bakit pa nila ako hinandaan.
Meron akong isang manliligaw ang pangalan ay Noah Madrigal na dalawang baryo lang ang layo namin.Isa rin siya sa matalik kong kaibigan sa skwelahan.Sinasabi nga ng iba na ang lakas ng loob niyang ligawan ang tulad kong mahirap at ganda lang naman ang meron ako.
Si Noah kasi ay mayaman sa lugar nila.Isang negosyante ang kaniyang mga magulang kaya hindi nakapagtataka na nalalayo kami sa isat isa.Lagi niya akong binibigyan ng pagkain dahil wala akong baon binigay ko sa mga elementary kong kapatid.
Nasa 4th year na ako at gragraduate narin sa susunod pang mga buwan.Sabi ko sa sarili ko na basta maka tapos ako ng high school ay hindi na ako mag kokoleheyo dahil ngayon palang hirap na hirap na ang aking mga magulang sa pag papaaral saaming mag kakapatid at napag isipan kong mag trabaho nalang sa Manila dahil sabi ng mga taga rito saamin ay mas malaki ang sahod doon kumpara dito sa probinsya.Kaya nakapagtataka na yung mga mas nauna saakin ay wala na dito saamin at nasa Manila na para maghanap buhay.
Kahit maging kasambahay nalang siguro ako ay okay na basta may matitirahan akong bahay at mabibigyan ako ng pagkain at yung salaping kikitain ko o sahod ko ay siyang ibibigay ko sa inay at itay ko para dagdag sa pampaaral ng tatlo ko pang kapatid.
Mas gugustuhin ko nalang na ako na yung mag sakripisyong wag mag aral kaysa ang mga kapatid ko dahil at least ako naka tapos na ng high school at marunong ng magbasa at magsulat.
Dumating na nga yung araw na inaakala kong magiging masaya dahil kaarawan ko na.Hindi pumunta ang mga niyaya kong ka klase para dumalo sa aking kaarawan at pati si Noah na inaakala kong pupunta.Sinabi ko nalang sa isip ko na baka busy sila at medyo malayo rin ang bahay nila patungo sa bahay namin kaya hindi ako nag tanim ng sama ng loob sa kanila.
Pero hindi ko alam na iyon na pala ang huling kaarawan ko na kasama ang mahal ko sa buhay.Sabi ko sana sinulit ko nalang ang bawat oras na natitira.
........
Inosente siya.Walang muwang .Ngayon ,sa susunod na mga araw ay magiging asawa siya ng isang lalaking mas kilala sa pagiging demonyo keysa sa pagiging tao.Demonyo sa lupa ang tawag sa kanya.
Si Don Ismael ay bata lang ng ilang taon sa kanyang ama na nasa kuwarenta anyos na. Ito ang nagmamay-ari ng malawak na sakop ng lupain sa kanilang bayan. Bukod sa mayaman, may malaki rin itong impluwensiya sa mga nasa pamahalaan. Kahit pa nga ang meyor sa kanilang bayan, yuko ang ulo ke Don Ismael. Kahit pa ang gobernador o Congressman. lahat ay yumuyukod sa impluwensiya ng Don. Ito ang nagdidikta ng kung ano ang dapat at hindi para sa kanilang bayan. Maging ang pulisya, hawak din ni Don Ismael. Ang kalakaran at negosyo, ito rin ang may malaking kontrol. Walang negosyante sa bayan nila, maliit man o malaki ang hindi nagpapasakop sa dikta nito.
Hindi masasabing binata pa si Don Ismael kahit na hindi pa ito nagpapakasal. Hindi iilang babae na ang nakasama nito't ginawang asawa. Karamihan ay mga pang-display lamang o kaya'y iyong sinasabing parausan nito. Lahat naman ay bigla na rin lang nawawala sa kanilang bayan, walang bakas o inpormasyonkung ano na man ang lamang kinahinatnan kung nasaan mataposna ito o ibasura't pagsawaan ng Don.
Ngayon, siya naman ang gagawin nitong asawa. Ang pinagtatakhan niya ay ang sinabi ng kanyang ama na pakakasal siya sa Don. Bakit kailangang pakasalan siya nito gayung maari naman siyang maging asawa nito kahit na walang kasal.
Lalo siyang nahabag sa sarili. Ibig sabihin lang nito'y habambuhay siyang matatali sa obligasyon ng pagiging asawa ni Don Ismael. Ito ang magiging bilangguan niya sa habambuhay. Ang maging asawa ng isang demonyo!
Nag-iiyak si Clara. Nakadama siya ng sobrang habag sa sarili. Ng takot at pangamba. Ano na ang magiging buhay niya sa piling ng isang demonyo?
Sa pagnguyngoy niya'y hindi niya namalayang nakatulog siya. Nang magising siya'y papasikat na ang araw.
"Clara, anak ... bangon na" ang ina niya ang nagyugyog sa kanyang balikat. Nagdilat siya ng mga mata. "Anak ... !"
Nagitla siya nang bigla siya nitong "Clara, anak koo!" at umiyak na rin ito.
Para bang patay siyang iniyakan.
"I-Inay ... b-bakit po?"
Sandali nitong kinalma ang sarili at binitiwan siya.
"A-Anak ... nariyan na s-sila!"
Noon niya nabatid ang dahilan ng pagyakap at pag-iyak sa kanya ng ina. Humihikbi itong tinanguan ang tanong na sumalarawan lamang sa kanyang mga mata.
"O-Oo anak, nariyan na sila ... ang mga tauhan ni Don Ismael!"
"I-Inay," napabalikwas siya ng bangon sabay yapos sa baywang ng ina niya. Mahigpit at walang maaring makapagpabitiwan sa kanya sa pagkakayapos doon.
"A-Ayoko, I-Inay ... ayoko!"
Pilit na inaalis ng nanay niya ang kamay niya habang umiiyak ito.
"A-Anak, s-sige na ... b-baka mainip ang
Don, s-sige na anak ... !"
"Inay, ayoko, maawa kayo sa"kin, ayoko, iutos na lang ninyo ang lahat, 'wag lang kayong pumayag kunin ako ni Don Ismael ... inaaayy!" Biglang pumasok ang dalawang lalaki na masama ang hilatsa ng mga mukha.
"Ito ba anganak ninyo?"
Lalo siyang nasindak nang makita ang dalawang lalaki na natiyak niyang tauhan ni Don Ismael. Humigpit lalo ang yapos niya sa baywang ng ina.
'H-Hindi, ayoko, Inay, saklolohan ninyo ako, ayokong sumama sa kanila!"
Iniwas na ng ina niya ang tingin sa kanya nang lapitan siya ng dalawang lalake at buong kabangisan na hablutin siya sa pagkakayapos sa ina niya. Nasasaktan siya subalit ayaw talaga niyang bumitiw.
"Lintek, pahihirapan pa yata kami nitong anak ninyo, eh ,teka nga ... " inis na dinukot ng isa ang baril na nakasuksok sa baywang nito at itinutok iyon sa sintido ng nanay niya.
*Kung hindi ka bibitiw sa nanay mo, sige. papuputukan ko siya!"
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya gustong masaktan ang kanyang ina.
Ano,ayaw mo?"
Unti-unting nagluwag ang kamay niya sa baywang ng ina. Pero saglit din lang 'yon at muli siyang yumapos dito nang mahigpit.
"Inay, ayoko pong sumama sa kanila,inay!"
"Lintek ayaw mo, ha? Utos ni Don Ismael dispatsahin ko na rin lang ang mga lintek mong magulang kaya heto ... l" isang putok ang umalingawngaw at kasabay niyon ang kanyang malakas na sigaw.
Sa mukha niya'y tumilansik ang dugo ng sarili niyang ina. Dilat ang mga matang bumagsak ito sa sahig.
Napasugod ang itay niya sa narinig na putok at sigaw.
"Pilaaaar!" sigaw nitong agad na dinaluhan ang patay ng asawa.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Natulala na siya.
"Walanghiya, pinatay ninyo ang asawa kooo!" sigaw ng itay niyang hinablot ang itay sa baywang nito subalit bago pa mandin nito naitaasa ang kamay ay sinalubong na ito ng putok ng tauhan ni Don Ismael. Sunud-sunod na putok at bumagsak na rin ito sa sahig na tadtad ng.bala.
"O, iyong mga bata doon sa labas, tirahin mo na rin, utos ng Don walang ititira sa kanila, narinig niyang sabi ng lalaking hinablot siya sa 'sang braso. Narinig niya ang sunud-sunod na putok ng baril at nang kaladkarin siya palabas ng silid, nakita niya sa sala na nakahandusay sa sahig ang tatlo pang mga nakakakabatang kapatid, lahat ay naliligo sa sariling dugo.
Gusto niyang sumigaw pero tila namanhid na ang kanyang utak. Tila wala siyang laman at buto nang kaladkarin ring pababa ng kubo. Mula naman sa sasakyan, kumuha ng container ang isa sa mga lalake at binuhusan ang dingding at paligid ng kanilang maliit na dampa. Naamoy niyang gasolina ang ibinuhos nito.
Isinakay siya sa sasakyan saka nakita niyang naghagis ng sindidong posporo ang lalake sa dampa nila. Bago pa sila nakalayo doon, nakita niyang nilalamon ng apoy ang kabuuan ng kanilang bahay.
Doon na siya nagsisisigaw.
"Inay ... Itay, mga kapatid kooooo!"
Wala na siyang nagawa kundi sumigaw ng sumigaw habang papalayo sa kanilang tahanan na nilalamon ng apoy.
Napaka sakit isipin na ang alam mong magiging masayang araw dahil kasama mo ang buong pamilya pero magiging isa pa lang bangongot.