Chapter 2

1509 Words
Parang siyang tuod na kimakaladkad ng dalawang tauhan ni Don Ismael habang papasok sila sa magarang mansyon.Ang ilang nadatnan nilang tauhan sa mansyon ay napapatingin sa kanyang ayos. Hindi maipagkakaila na kahit ganoon ang ayos ni Clara ay hinding hindi mawawala ang kanyang napakagandang mukha. Mistula siyang basang-sisiw.Gusot at magulo ang kanyang buhok.Ni wala siyang sapin sa paa at tila wala rin siya sa sarili.Pero kahit ganun ang ayos niya di parin mawawala ang ganda sa kanyang mukha.Isa sa pinaka magandang babae si Clara sa lugar nila kaya di maipagkakaila na talagang nagugustuhan ito ni Don Ismael.Ganyang ganda ang nais ng Don .Wala siyang pakialam kahit ano pang edad ng babae basta kung gusto niya ay makukuha niya dahil sobrang makapangyarihan ang Don. Ni isa sa lugar nila ay walang mag tatangkang kalabanin ang Don ,kundi kung magtatangka ka ay sa lupa ang bagsak mo.Ipapatapon kang parang basura ng Don. "Si Don Ismael?"tanong ng isa sa sumalubong sa kanilang matandang babae na nagtaas agad ng kilay ng makita siya.May itsura din ang matandang babae kahit niya medyo may edad na ito. "Nandito na kamo ang pinapakuha niyang magiging reyna dito sa bahay niya!" "Reyna?"ulit nito saka pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa,nasa mata nito ang pangungutya. "Oo,dali ka ,kahapon pa atat na atat dito si Don Ismael,sabihin mong nandito na kami!" "Sandali lang",wika nito saka sila tinalikuran upang umakyat sa matayog na hagdan patungo sa itaas ng mansyon. "Oh,ikaw dyan ka lang ha ?Huwag kang aalis diyan!"utos sa kanya ng mga lalake na nagsipag-upo sa malambot na sofa.Naririnig niya ang lahat ,nakikita niya subalit tila wala siyang lakas upang mag-react sa lahat ng yon. Pakiramdam niya,para siyang papel na lumulutang sa ere.Tinatangay lamang ng hangin. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nanatiling nakatayo doon na nakatungo ang ulo sa makintab at malinis na baldosa. Nanginig bahagya ang kanyang katawan ng marinig niya ang isang makapangyarihang tinig.Hindi siya makagalaw sa kinaroroonan niya kahit na nais na niyang tumakas dahil hindi parin naalis sa isip ng dalaga ang nangyari sa pamilya niya na kanyang naisalayan at iniwan na lumalangoy sa sarili nilang dugo. "Nakuha na pala ninyo ang reyna ko!"Ang panginginig ng laman niya'y tumindi.Lalo na at nararamdaman niyang palapit sa kanya ang nag mamay-ari ng tining. Nararamdaman niya ang kamay nito sa ilalim ng kanyang baba.Inangat nito ang kanyang nakatungong ulo. "Hindi ako nag sisi na kunin ang alok ng kanyang mga magulang dahil napaka ganda nga talaga ng mapapangasawa ko.Maganda naman at tinupad nila ang king sinabi na wag payagang may manligaw dahil kung hindi ay ipapatay ko ang sinong lalaking mag tangkang manligaw sa nakatakdang mapapangasawa ko"sabay halakhak ng napaka lakas.Hindi makapagsalita si Clara at naiintindihan na niya na biglang walang pumunta sa kaarawan niya pati si Noah na matalik na kaibigan at nais niyang maging nobyo.Dahil alam na alam ni Clara na pupunta sila dahil masayang masaya sila nung niyaya niya ito sa kanyang ika 16th na kaarawan.Pero imbes na kasiyahan ang maramdaman niya kundi sakit at galit. Gusto niyang sumigaw sa mukhang nahantad sa kanyang paningin subalit tila may bumikig sa kanyang lalamunan. "Kamusta ,ang magiging asawa ko?"ani ni Don Ismael.Ang demonyong nag utos upang patayin ang kanyang buong pamilya.Mga taong importante sa kanya .Mas ni nais na lang sana niyang wag patayin ang mga mahal niya sa bukas kapalit ng pagsama niya sa Don pero patuloy parin nilang pinatay at sa harap pa niya mismo. "Tignan mo nga naman ,kahit ni walang ayos ,maganda ka parin ,sariwang - sariwa ,parang bagong bukadkad na bulaklak!"hinimas nito ang kanyang pisngi .Ang daliri niya ay nagtaluntong sa kanyang manipis na labi .Sa unang tingin palang ng Don ay nasang nasa na ito sa dalaga at ngayon lang niya ito nakita ng harap harapan. "Maganda.....malambot!"buong pagnanasa nitong wika.Naramdaman niya ang daliri nito sa kanyang labi , hindi siya nagdalawang -isip at agad niyang binuka ang kanyang bibig ,kinagat niya ng buong riin ang daliri nito. "AHHHHHHHHHHH!!!!! sigaw nito habang nasa pagitan ng kanyang mga nagngangalit na ngipin ang daliri nito.Hindi niya iyon bibitawan hanggang sa maputol iyon. Isang malakas na sampal ang bumingi sa kanya at nagpadilim ng kanyang paningin.Tumilapon siya agad sa sahig. "Estupida !",hiyaw ng Don na hindi inalintana ang kirot sa kinagat niyang daliri.Sinabunutan nito ang buhok niya at parang maalis sa anit ang hiblang natipon sa galit nitong kamao. "Estupida ..........."at paulit ulit siya nitong pinagsasampal hanggang sa dumugo ang kanyang bibig .Nang makitang nagdurugo na siya saka lang tila ito nasiyahan.Binitiwan sita nito.Walang reaksyon sa mukha ni Clara at parang wala siyang nadadamang sakit sa lahat ng sampal at sabunot sa kanya ng Don. "Dalhin ninyo siya sa itaas!"utod sa dalawang tauhan na naghihintay lang ng utos "Tawagin ninyo si Luding at sabihing ihanda siya para saakin ,bilisan ninyo!"galit na sigaw ni Don Ismael sa tauhan niya ata agad silang sumunod. Pinagtig-isahan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso para kaladkarin paakyat sa matayog na hagdan.Ang Don ay narinig naman niyang sumigaw at tumawag ng isa pang katulong upang ipagamot ang kinagat niyang daliri. "Bwisit ang babaing ito......ayaw ng langit,gusto yata ay impyerno ang matikman......siya rin,talangang impyerno ang matitikman niya kay Don Ismael.....kawawa lang ito kapag di matututong makibagay sa Don!"narinig niyang sabi ng isa sa mga tauhan ng Don.Ipinasok siya nito sa isang silid.Pabalyang inihiga siya sa marangyang kama. Hindi naman nagtagal pumasok ang matanda at masungit na babaing sumalubong sa kanila kaninang lang.Tinignan ng matanda si Clara mula ulo hanggang paa at parang tinitignan niya ang buong pigura nito. "Iwan na ninyo siya saakin....!utos nito sa dalawang lalake na agad ding lumabas ng silid. "Ikaw ,halika na......ihahanda na kita para kay Don Ismael."hinila siya nito para magbangon.Dahil nanghihina 'y hindi siya agad makakilos. "Hoy,huwag kang umarte pa,kung gusto mong mabuhay nang normal dito sa mansyon at matuto kang makisama sa isang demonyo!" "At wala ka ng magagawa dahil ginusto ito ng mga magulang mo,alam naman nila ang bali balita at bakit pa nila sinubukan ang isang Don kaya makisama ka nalang sa ano mang mangyari sa iyo dito sa mansyon ng Don"ulit itong sabi kay Clara at hindi parin ito umiimik. Napatitig siya sa babae. Ngumiti itong may pang-uuyam. "Oo, demonyo ang gaya ni Don Ismael at kung gusto mong kahit paano ay maging normal ang buhay mo ,sumunod ka na lang sa lahat ng ibig niya". "P-parang awa na ninyo,p-palabasin ninyo ako di-dito ,a-ayokong tumira dito"mangiyak ngiyak na sambit ng dalaga at tudong paawa sa matanda . "Wala ka nang magagawa pa,ang sinumang pumasok dito sa loob mg kaharian ng demonyo ,hindi na nakakalabas pa....sige na tumayo kana......lalo ka lang mahihirapan kung mag mamatigas ka .Walang maaaring maawa sa iyo dito....dito walang puwang ang Diyos....si Don Ismael ang diyos dito.Siya ang diyos sa impyernong kaharian niyang ito!" Pagalit siya nitong itinayo at dinala sa banyo.Ang hapdi ng sugat niya sa labi ay pinatindi ng tubig na bumasa sa kanyang buong katawan. "Ihahatid na kita......kailangan ka na ng Don Ismael!" Ang hapdi na nararamdaman niya ay natiyak niyang katiting lamang kumpara sa kirot na naka abang matikman niya sa kamay ni Don Ismael. Ito ba ang sinasabi ng aking magulang na magiging mayaman sa pamamagitan ng aking tanging kagandahan.Kung ito lamang mag gugustuhin ko pang hindi ako kagandahan kaysa mabuhay sa piling ng isang demonyong tulad ni Don Ismael. Aanhin mo ang mga magagarang gamit ,masasarap na pagkain at mamahaling mga alahas kung makakaranas karin naman ng paghihirap. Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga ginawa niya sa pamilya ko isusumpa ko ang isang tulad niya. Na nasisikmura niyang pumatay ng mga tao at sasabihin niya sa karapan ko na ako ay isang reyna niya.Pano magiging reyna kung mismong mga magulang ko ipinapatay niya sa mga tauhan niyang tulad niya ring mga demonyo. Pinaki usapan niya ang matandang nag linis ng buong katawan niya para maka alis sa impyernong kinaroroonan niya pero wala siyang narinig kundi kaharapin ang sitwasyon ko ngayon.Ano nalang kaya nag magiging buhay ko dito sa lugar na ito mas gugustuhin ko nalang na mamatay kasama ang magulang ko kaysa maniharan ang maging asawa ng isang demonyong naninirahan sa lupa. Gusto ko nalang mag hirap at unti unting mamatay kaysa mapa sakamay ng isang gaya ng Don. Laking pagsisi ko dahil dapat sinulit ko na ang bawat sandali na kasama ko pa sila.Kaya pala hindi maipagkakaila na sobrang saya ng mga magulang ko na pinaghahandaan ang kaarawan ko dahil iyon napala ang huli.Wala silang awa na patayin ang mga magulang ko at mga kapatid kong musmos at napaka inosente.Marami pa silang pangarap sa buhay at bakit nilang pinigilan na tupadin ang mga pangarap ng mga kapatid ko dahil lang sa pagnanasa.Hinding hindi ko mapapatawad ang demonyong si Don Ismael pati narin ang mga tauhan niya dito sa tinatawag niyang mansyon pero impyerno ang mga nakatira dito wala silang silbi para mabuhay pa. Yan ang mga salitang gustong banggitin ni Clara ngunit wala siyang magawa kundi tanggapin ang sinapit niya ngayon dahil aanhin mo ang yaman at marangyang buhay sa piling ng mas demonyo pa sa demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD