Solar. Bago ako makababa ng sasakyan niya ay sinabi niyang hihintayin daw niya ako ulit sa tagpuan namin. Gusto daw niyang mamasyal kaya pumayag ako. Mabagal ang oras ngayon, kanina pa ako hindi mapakali at kahit si Shina ay binatukan na din ako kaya pinaliwanag ko kung bakit. Irap lang ang isinagot niya sa sinabi ko kaya natawa naman ako. Nang mag-ring ang bell ay agad kong inayos ang mga gamit ko at nagpaalam kay Shina bago tumakbo palabas ng campus. Naabutan ko si Moon na gaya ng unang beses na lumabas kami ay nakasandal sa kanyang sasakyan habang inaantay ako. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya. She looks cool on her posture at naramdaman ko na naman ang mabilis na t***k ng puso ko, nagliliparan na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nilapitan ko n

