Solar. May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong tinungo ang pinto at binuksan iyon. "Kakain na tayo." Nakangiting bungad sakin ni Victoria nang mabuksan ko ng tuluyan ang pinto. "Oo sige." Sagot ko naman at lumabas na din ng kwarto. Akala ko ay si Miss Moon yung kumatok. Nahiya tuloy ako sa inasal ko kanina, nadala lang naman ako sa emosyon ko eh. Kailangan kong humingi ng sorry mamaya sakanya. "Are you disappointed?" Napatingin ako kay Victoria sa sinabi niya. "H-Ha?" Tanong ko sakanya. "Tawagin mo na si Moon para kumain. Mauuna na ako sa baba." Nakangiting sabi nito kaya tumango ako. Nauna na nga si Victoria sa baba at ako naman ay tinungo na ang kwarto ni Miss Moon. Mabilis ang kabog ng puso ko nang kumatok ako sa pintuan niya. Ilang beses na din akong huminga ng malalim

