Solar. Dumating ang lunch break at talagang inihatid ako ni Shina sa garden kung saan naghihintay doon si Eric. Hindi naman sa ayaw ko sa tao, hindi lang ako komportable lalo na at kakakilala ko lang sakanya. "Eric! Nandito na si Solar!" Nakangiting sabi ni Shina kaya lumapit sa akin si Eric. "Tara na?" Nakangiting aya nito kaya wala akong nagawa kundi ngumiti pabalik sakanya at tumango. "Pero paano ka Shina?" Tanong ko kay Shina "I'll be fine, besides may gagawin pa ako kaya wag ka nang mag-alala." Nakangiting sabi nito kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang siya. "Well? Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Eric nang makapagpaalam kami kay Shina. "Kahit saan." Maikling sagot ko. "Hindi ka ba komportable?" Tanong nito kaya umiling agad ako. "Ano kasi Eric, hindi lang talaga ako

