Solar. Nakapalumbaba si Shina habang nagdi-discuss ang professor namin, halata ko ang pamumula ng mata niya. Umiyak 'to kagabi sigurado ako. "Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko ulit sakanya at napatingin siya sa akin. "Oo nga Solar. Huwag mo na akong alalahanin." Sabi niya at ngumiti kaya tumango nalang ako. Pagkatapos ng klase ay inaya ako ni Shina na kumain kaya nagpunta kami sa cafeteria at bumili ng pagkain. Gusto daw niyang sa garden kumain kaya doon kami dumiretso para kumain, mas peaceful nga din naman doon. Malapit na kami sa garden nang biglang may napansin si Shina. "Si Ate Night ba yon?" Tanong niya kaya nagtaka ako. Ate Night? Sino yon? Tumingin ako sa tinitignan niya at biglang nagtama ang mga mata namin. Her eyes are familiar. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko

