Solar. Inihatid ako ni Shina sa mansion ng Lopez, nag-text naman ako kanina kay Miss Moon na ihahatid na ako ni Shina pauwi. Pagpasok ko ng bahay ay nabungaran ko sina Miss Moon, Victoria at Tita Sapphire na nasa sala at masyang nag-uusap. Si Victoria at Tita Sapphire lang pala kasi halata ang boredom sa mukha ni Miss Moon. "Solar!" Tawag sa akin ni Tita at sumenyas na lumapit ako sakanila kaya lumapit nga ako. "I heard you already met Victoria." Nakangiting sabi niya kaya tumango ako. "Victoria will be staying here for now since ayoko siyang mag-stay mag-isa sa mansion nila kuya." Sabi ni tita. "You're the one who opened the Music Room earlier right? I heard you singing." Nagulat ako sa sinabi ni Miss Moon. "Paano mo nalamang boses ko nga iyon?" Tanong ko sakanya. "Don't ask me. Th

