Solar. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakauwi na kami ni Moon. Tapos na akong tumulong na maghiwa ng mga sangkap na gagamitin nila. Ayaw naman na ako patulungin kaya dumiretso nalang ako dito sa kwarto ko at binuksan ang phone ko para i-text ang kapatid ko. To: Thunder Kamusta si nanay? 8 AM bukas nandyan na ako, maaga ako aalis dito excited na akong ipasyal kayo. Sent. 7:08 PM Napangiti ako at umupo, kinuha ko ang phone na naunang ibinigay sa akin ni tita noong unang pasok ko dito. Iniayos ko ang mga gamit sa box ng phone at inilagay din doon ang phone. Matutuwa dito si Thunder. Umilaw ang phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita ko ang pangalan ng kapatid ko. From: Thunder Ako din naman po ate, excited na din si nanay. Alam mo naman 'yon ate parang isang taon kang nawala. Reciev

