Solar. Maaga akong nagising dahil alam kong maagang umaalis si Tita Sapphire, 6:30 AM nang umalis kami sa mansyon. Nakalimutan kong magpaalam kay Miss Moon kaya nag-text na lang ako sa kanya na uuwi ako bukas ng hapon. Tinuruan nga ako ni tita na gamitin ang ATM na ibinigay niya pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay. Gaya ng sabi ni tita ay kinausap nga niya si nanay. Maliit lang ang bahay namin, mula dito sa kusina ay kita ko sina tita at nanay na naguusap. Tulog pa si Thunder dahil maaga pa naman, sigurado akong nakalimutan na naman niya ang sinabi ko sa kanya kahapon. Nagluto lang ako ng scrambled egg. "Gisingin mo na si Thunder, nak." Rinig kong sabi ni nanay. Pinag-day off muna ni tita ang nurse na kinuha niya para alagaan si nanay kaya kami lang ang nandito sa bahay. "Opo Nay!

