Chapter 05

1290 Words
Solar. Nag-ayos na ako ng pantulog ko nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan, tumayo ako pagkatapos ay binuksan ang pintuan at nagulat sa nakita ko. "Moon?" Tanong ko sakanya. "I forgot to give you this." Sabi niya at nilahad ang libro na binalikan niya kanina. "Para saan ito?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo. "I saw you glancing on that book. You didn't get it so I took it and paid for it. Take it as a gift." Sabi nito at iniabot sa akin. "Pero kasi, andami mo nang nagastos kanina, lalo na nung kumain tayo ng Jollibee. You ordered everything na naka-display sa may counter. I bet malaki rin ang nagastos mo noong nasa Enchanted Kingdom tayo." Paliwanag ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "It doesn't matter to me, I have lots of money." Nginitian niya ako kaya napaiwas ako ng tingin. Yung mga ngiti niya ang kinakatakutan ko dahil baka hindi ko mapigilang mahulog sakanya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin ng pagmamahal. Walang mali sa pagmamahal pero hindi kami pwede dahil pareho kaming babae. "Are you okay?" Tanong ni Moon sa akin kay tumango nalang ako. "I'll get going then. Goodnight!" Sabi niya at pumunta na sa kwarto niya. Sinara ko ang pintuan ko at sumandal sa pinto. I should stop this. Hindi ito tama! Pero bakit ang bilis ko naman yata siyang magustuhan? Ganoon ba siya ka-attractive? Mukhang delikado ang puso ko sa kanya. ** Nagising ako nang marinig ko ang alarm clock na tumunog kaya napabangon agad ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Moon. Kumatok muna ako bago pumasok, nakatalukbong siya kaya nilapitan ko siya at inalis ang kumot niya. Nakita ko ang mga damit na hindi naman niya ginamit kahapon kaya nagtaka ako dahil nagkalat din kasi sila na parang nagamit na. I saw a pair of red heels kaya pinulot ko iyon, lumapit ako kay Moon at naamoy ang malakas na pabango niya. May lipstick pa siya sa labi. Ibig sabihin tinakasan niya ako? But how? Nakita ko na siyang nakapantulog noong pumunta sa kwarto ko. Nilapitan ko siya at marahang tinapik. "Moon? Gumising ka na." Tinapik-tapik ko siya pero umungol lang siya. "Moon." Tawag ko sakanya at niyuyog nang marahan. "May pasok pa tayo!" Sabi ko pero binalik niya ang pagkakatalukbong niya kaya tinanggal ko iyon at sapilitang hinila paupo. "Moon!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Nagmulat naman ng mata si Moon pero sinamaan niya ako ng tingin. "Ano ba!" Hinampas niya ang kamay ko kaya napabitaw ako sakanya, hindi naman malakas yung paghampas niya pero masakit. "Ano bang kailangan mo!? Can't you see that I'm still sleeping!?" Umatras ako ng kaunti. "M-May pasok pa kasi tayo kaya bumangon kana!" Sabi ko pero inirapan lang ako ni Moon. "Who are you to order me around!?" Tumalim ang tingin sa akin ni Moon pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Tigilan mo ako Moon kung ayaw mong si Ma'am Sapphire ang magtawag sayo." Inis na tumayo si Moon at pumasok sa bathroom niya. Pinulot ko ang mga gamit ni Moon na nagkalat bago bumalik sa kwarto ko at nag-ayos. Nagsuot ako ng white t-shirt na may manggas na kulay blue at nag-suot din ako ng skirt. Sinuot ko ang puting sapatos ko at humarap sa salamin para magsuklay, tinignan ko ang oras sa phone ko. 7:30 AM! Shocks! Late na ako! Kinuha ko na ang backpack ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto, tinakbo ko pababa ang hagdan. Naabutan ko si Moon na kumakain sa sala. "Bye Ms. Moon! Mauna na po ako!" Paalam ko pero inirapan niya lang ako. I guess bumalik na siya sa dating ugali niya. Napabuntong-hininga ako at tumakbo ng mabilis, nakabisado ko naman na ang daan kaya wala na akong problema. Ginamit ko ang full speed ko para makarating agad sa sakayan ng jeep. Nang mapuno ang jeep ay umandar na ito. Napatingin ako sa orasan ng phone ko. 8:19 AM! Late na nga ako! Napabuntong-hininga ako, hindi na ako aabot sa first subject kaya tatambay nalang siguro ako sa library para magbasa o mag-advance reading baka mamaya may surprise quiz na naman. Kinuha ko yung librong hiniram ko sa library at binuksan iyon. Pero wala sa binabasa ko ang isip ko. Anong nangyari kay Moon? Nagbago bigla? Ang bait lang niya kahapon tapos biglang nagbago? Pero mas okay na siguro iyon para maiwasan kong--aish! Ginulo ko ang buhok ko at ibinaba ang libro dahil hindi naman na-aabsorb ng utak ko ang istoryang binabasa ko. Ibinalik ko na lang sa bag ko ang libro. Kasalukuyan kong hinahanap ang papel ko sa bag nang makita ko ang librong binigay niya kahapon. When Love Comes Binasa ko ang prolouge. It's a story of a girl who accidentally fell in love with a girl too. Biglang kumabog ang puso ko, hindi ako fan ng mga ganitong libro pero why not try? Na-hook ang atensyon ko dito sa libro, ewan ko pero parang nararamdaman ko yung nararamdaman ng author sa istoryang ito. Sinubukan kong tignan kung sino ang nakalagay na author dahil usually ay may author name sa book pero walang author name ang libro. It only contains 20 chapters pero nangangalahati pa lang ako ay kinikilig na ako! Hindi ko akalaing magiging fan ako ng mga ganitong story. Yung bidang babae kasi dito ay si Star Lim, isa siyang mayamang babae na nagkagusto sa bestfriend niyang si Lacey Jung nagpakita siya ng motibo kay Lacey, naging protective siya kay Lacey at minsan ay nagiging sweet din siya dito. Hanggang sa nag-confess si Star sakanya, Lacey was shocked pero niyakap niya si Star at sinabing mahal din niya ito. Nasa kalagitnaan palang kasi ako kaya hanggang diyan muna ang maiku-kuwento ko, tsaka na yung full story kapag natapos ko na. Nag-ring ang bell kaya bigla akong napatayo sa pagmamadali ko ay aksidente kong naihampas ang kamay ko sa ilalim ng table kaya napatingin sa akin ang lahat ng nasa library kaya nag-sorry ako kahit gusto ko nang maiyak. Ang sakit! Tinignan ko ang kamay ko, nakita ko ang isang malaking pasa! Ano ba yan! Tatanga-tanga ka kasi Solar! Isinuot ko na ang backpack ko at dumiretso sa classroom. Umupo na ako sa upuan ko at inayos ang bag ko. "Solar?" Tumingin naman ako sa katabi ko. "Bakit?" Tanong ko kay Shina. "Bakit wala ka kaninang first subject?" Tanong niya kaya sinabi kong na-late ako at tumambay muna ako sa library. "May in-announce ba si Ma'am?" Tanong ko sakanya. "May magaganap na pageant sa school at kailangan natin ng representative!" Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Sinong representative natin?" Tanong ko sakanya "Wala pa, pero pinag-iisipan ni ma'am na ikaw nalang." Sabi niya kaya tumango ako. Teka lang-- "Ako!?" Napatayo ako kaya nagulat yung mga kaklase ko. "Bakit naman ako!?" Tanong ko kay Shina kaya pinaupo niya ako at nag-sorry sa mga kaklase namin. "Ano ka ba! Wag kang maingay!" Sabi niya kaya nag-sorry ako. "Ayoko!" Sagot ko sakanya. "Solar! Makinig ka! Ikaw lang ang beauty and brain dito sa section natin yung iba puro beauty lang." Sabi niya kaya natawa ako. "Ikaw din naman Shina, beauty and brain ka?" Natatawang sabi ko kaya natawa din siya. "Thank you sa complement pero ikaw talaga ang gusto ng buong section." Sabi niya kaya umirap ako sakanya. Bigla siyang tumayo kaya nagtaka ako. "Aira! Pumayag na si Solar na maging representative para sa Queen of Light University!" Nagulat ako kaya tumayo ako pero magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang takpan ang bunganga ko. "Talaga!? Teka! Sasabihin ko lang kay Ma'am Cristel." Sabi niya at agad na tumakbo palabas inalis ko ang kamay ni Shina sa bunganga ko at ngumuso. "Ano ba Shina! Hindi ko kaya kung buong school! Baka mapahiya lang ang section natin!" Sabi ko pero inirapan niya lang ako. "Hay nako Solar! Masisilaw sila sayo dahil ipapakita natin sa kanila kung sino ang karapat-dapat na maging Campus Queen." Ngumisi si Shina pero inirapan ko lang siya. "Ano ba kasi yan bat kailangan pa ng ganyan?" Tanong ko sakanya "Search for Queen of Light University nga! Bagong Royal Family ng Light University!" Sabi niya kaya inirapan ko ulit siya. Ano bang ka-cornyhan ang naisip ng school? Aanhin naman nila ang Royal Family? "Sino ba ang dating Queen of Light University?" Tanong ko kaya napanganga siya. "Hindi mo alam!?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Tatanungin ko ba kung alam ko?" Tanong ko pero hinampas lang niya ako. "Si Ms. Moon Shine Lopez!" Nagulat ako sa sinabi niya. "Si Ms. Moon Shine?" Paninigurado ko kaya tumango siya. "Well, Moon Shine Lopez is no joke. She's a famous model." Sabi niya at nagkibit-balikat. "But hindi iyon yung nagpanalo sakanya. Among the contestants, siya ang may pinakamagandang sagot. Naalala ko pa yung sagot niya noon." Sabi ni Shina kaya kumunot ang noo ko. "You know her as the Girl Crush of the campus right?" Tanong niya kaya tumango ako. "Kung tutuusin world wide nga yata. She's bisexual right? May mga naging fling na siyang babae at lalaki." Tumango ako sa sinabi niya, well Moon is really beautiful and she can be handsone too. "Kelan ba 'yan?" Tanong ko kay Shina "Next week na. Next week na kasi ang anniversary ng school." Napa-face palm ako sa sinabi niya. Aish! Ano nang gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD