Chapter 06

991 Words
Solar. Nang mag-breaktime ay dumiretso agad ako sa library, masyado akong na-inlove sa libro na bigay ni Moon. At dahil mahaba-haba pa ang time ay nag-decide akong tapusin ang librong ito. ** Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko nang mabasa ko ang Chapter 19, idagdag pa ang kantang naka-play ngayon dahil naglagay ako ng headset para mas feel ko yung story. Playing: Hug Me by Jung Joon Il Lacey was given a chance to pursue her career in the other country but she declined it for Star dahil ayaw niyang maiwan ito. They argued about it lalo na at ayaw ni Star na masira ang pangarap nito. Star didn't talk to Lacey for a couple of days and as the days went by hindi nagparamdam si Lacey kay Star hanggang sa tumawag ang mommy ni Lacey kay Star at sinabing nasa hospital ang anak niya. Mabilis na nagpunta sa hospital si Star and she saw Lacey lying on the hospital bed. Chapter 20/Ending. When Star saw Lacey's weak body, niyakap niya ito ng mahigpit, when she thought na magiging okay na si Lacey ay nagkamali siya. Lacey was diagnosed with a heart cancer at ilang taon nalang ang itatagal niya. Star was so devastated, but Lacey smiled and kissed her. Hindi alam ni Star ang gagawin niya kaya umiyak lang siya ng umiyak. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya, she's taking it all by herself at hindi sinabi sakanya. Para mas maintindihan niyo eto ang exact words ni Lacey sakanya. "I'm sorry for keeping this to you Star, ayokong maubos ang oras na inaalala mo ako dahil sa sakit ko. Mas gusto kitang makasama dahil may taning na nga ang buhay ko, instead of having a treatment, I want to spend the rest of my life with you Star. I love you, and I'm afraid to die but what can I do?" "Mahal na mahal kita Star, and one day if you happen to fall in love again don't ever stop yourself because I still want you to move forward, Star... Maraming humusga sa pagmamahalan nating dalawa pero gusto kong sabihin sayo na kapag kasama kita nawawala ang mga alalahanin ko sa mga humuhusga sa ating dalawa." "You're the best thing that happened to my life Star. P-Promise m-me... y-you'll m-move f-forward and love again." "Mahal na mahal kita Star. Goodbye." Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na agos ng luha ko, I didn't know that the ending of this book is tragic. Bigla kong naramdaman ang sakit na nararamdaman ni Star dito sa librong binasa ko. Lacey sacrificed her life for Star because she wants to spend the rest of her life being happy with Star. She ignored her cancer for Star. Inalis ko ang earphones na suot ko at isinara ang libro, naramdaman ko na may tumabi sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Moon. "Why are you crying?" Kunot-noong tanong niya. "Wala, yung libro kasi na binigay mo pinaiyak ako." Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko. Ramdam ko parin yung sakit na para bang ako yung namatayan, masyado ba akong na-inlove talaga sa librong 'to? "That was a real story." Sabi niya kaya gulat akong tumingin sakanya. "Y-you mean..." She stared at me and nodded. "Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya. "I was there." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Edi ibig sabihin kilala mo si Lacey Jung at Star Lim?" Tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kamusta na si Star ngayon?" Tanong ko sakanya, she shrugged. "Teka! Paano mo sila nakilala pala?" Tanong ko ulit sakanya pero hindi niya ako pinapansin. "Shut up! You're so loud!" Sabi niya kaya nag-pout ako. "Ikaw ba yung nanalo noon sa Queen of Light University?" Tanong ko sakanya kaya napatingin siya sa akin. "How did you know?" Tanong niya, malamang ay nagtataka nga siya kasi alam naman niyang wala akong interes sa ganyan. "Sinabi ng kaklase ko." Sagot ko sakanya. "Yes I am, why?" Tanong niya kaya nginitian ko siya. "Tulungan mo ako!" Sabi ko at nag-cling sa mga braso niya, bigla siyang napatingin sa kamay ko. "Where did you get this?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kamay ko at nakita ang may kalakihang pasa doon. "Ha? Hindi ko alam. Baka kanina?" Sabi ko, naihampas nga sa mesa kanina diba? "Did I hit it that hard?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hit?" Tanong ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko. "Baliw! Naihampas ko yan kanina sa mesa." Natatawang sabi ko kaya inirapan niya ako at tinabig ang kamay ko. "Stupid." Sabi niya kaya napanguso ako. "Pero tutulungan mo ako ah?" Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at tumayo na kaya tumayo na din ako at sinundan siya. "Saan ka pupunta Moon?" Tanong ko sakanya "Somewhere." Sagot niya kaya hinablot ko ang braso niya para patigilin siya. "Hindi pa tapos ang klase mo." Sabi ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "I don't care. I can leave if I want to." Sabi niya at akmang aalis na ay mas hinigpitan ko ang pagkakahwak sa braso niya. "Hindi ba makakapaghintay yung pupuntahan mo?" Tanong ko sa kanya. "Nope. Mas importante yung pupuntahan ko." Sabi niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Moon! Makinig ka sa akin! Hindi ka pwedeng umalis!" Sabi ko at hinila ang kamay niya. "Don't control my life Solar." Sabi niya pero umiling ako. "Hindi kita kinokontrol Moon! Pero kailangan mong tapusin muna ang klase bago ka umalis!" Sabi ko at pumunta sa harap niya para harangan siya. "Move away Solar, ayokong makagawa ng bagay na baka pagsisihan ko." Sabi niya pero umiling ako. "Bumalik ka na sa klase mo!" Sabi ko sakanya. "Solar, don't test my patience." Naiinis na sabi niya pero umiling ulit ako. "Hindi kita maintindihan!" Naiinis na sigaw ko sakanya. "One moment you're being sweet tapos bigla ka na lang magsusungit!" Sabi ko pero wala man lang siyang reaksyon. "You're just MY MAID Solar. Don't assume things, I'm not being sweet to you too." Those words hit me. She left me here in the garden alone and unable to move. Napalunok ako at napayuko. I don't know but I'm hurt by het words. I'm just her maid! Tama nga naman siya. Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit. Nanlalabo ang mga mata ko pero agad ko iyong pinunasan at hinabol siya, gagawin ko pa rin ang trabaho ko. Nakita ko siyang sumakay sa kotse niya kaya binilisan ko ang pagtakbo at humarang sa dadaanan niya. Nagulat ako nang bigla siyang nag-preno at lumabas ng sasakyan, nakita ko ang galit sa mukha niya at agad akong nilapitan. "ARE YOU OUT OF YOUR MIND!?" Napaatras ako sa sigaw niya. "GUSTO MO BANG MAMATAY HA SOLAR!? WHAT IF I DIDN'T NOTICE YOU BLOCKED THE WAY!? EDI NABANGGA KA!?" I clenched my fist. "Kasi tatakas ka na naman! Trabaho ko 'to! Kaya kailangan kitang pigilan!" Sabi ko pero hindi niya ako pinansin sa halip ay hinila ako papunta sa gilid bago siya sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot iyon palabas ng school. Bumuntong-hininga ako, pagtalikod ko ay nakita ko ang mga babaeng estudyante na tinataasan ako ng kilay yung iba naman ay pinagbubulungan ako tapos may mga tumatawa pa. Doon ko na-realize yung ginawa ko kaya tumakbo agad ako papunta sa classroom. Madali kong kinuha ko ang mga gamit ko at inayos sa loob ng bag ko. Bakit ba ako nagmamadali? Because I smell trouble, Moon is really popular in this school. Mapababae man o lalaki ay nagkakagusto sakanya, I don't want to be bullied dahil lang sa nangyari kanina. I was bullied before sa dati kong eskwelahan at ayoko nang maulit iyon dahil sa nangyari noon na pilit kong kinalimutan. Nanginginig ang mga kamay ko nang lumabas ako ng classroom, I covered my face using my hair para walang makapansin sa akin. Wala akong pakialam kung cutting classes man ang ginagawa ko, ayaw ko lang ma-bully ulit, paano ko nasabi? Nakita ko si Jasmine Alvarez sa garden kaya for sure ay nakita niya ang mga ginawa ko. Jasmine Alvarez is one of the girls na patay na patay kay Moon, binubully niya lahat ng babaeng lumalapit o nakakasalamuha ni Moon. Kung si Moon Shine Lopez ang Campus Queen, Jasmine Alvarez is known as the Campus Bully and she's also a popular female student among the boys. Mas sikat nga lang si Moon sakanya. Sana naman hindi niya ako namukhaan, gusto kong magtapos dito sa Light University!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD