Nathan smirked. "Well, may nakuha kaming pangalan sa records ng condo."
Napatingin ako sa kanya, mabilis na bumilis ang aking puso . "Anong pangalan?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Jea Alexandra Trinidad Alonzo."
Nag-echo ang pangalan niya sa isipan ko. Ngayon, may konkretong impormasyon na ako tungkol sa kanya. Hindi na lang siya isang misteryo.
"Trinidad Alonzo?" ulit ko, sinusuri ang apelyido. "Mukhang hindi lang basta ordinaryong babae si Jea."
"Exactly," sagot ni Nathan. "At kung tama ang hinala ko, baka hindi lang siya basta nagbakasyon dito. Posibleng may dahilan kung bakit dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita."
Napaisip ako. May posibilidad bang bumalik na siya kung saan man siya galing? O may tinatakasan ba talaga siya?
"Alamin natin kung saan siya nagpunta," madiin kong utos. "Kung kailangan nating halungkatin ang lahat ng flight records, gawin mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap."
Tumango si Nathan, pero may ngisi pa rin sa labi niya. "Mas madali na ngayon ito bro my surname na. At Mukhang seryoso ka na talaga, bro."
Tumingin ako sa malayo, bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi lang ito tungkol sa isang gabing hindi ko malimutan. Hindi ko lang siya basta gustong hanapin—kailangan ko siyang makita.
Pagkaalis ni Nathan, hindi ko mapigilan ang pag-ulit ng pangalan niya sa isip ko.
Jea Alexandra Trinidad Alonzo.
Parang musika ang tunog nito, pero kasabay ng bawat pagbigkas ko sa pangalan niya, bumibigat ang pakiramdam ko.
Sino ka ba talaga, Jea?
Bakit isang gabi lang tayong nagkasama pero parang iniwan mo akong may hindi matahimik na damdamin?
Bakit hanggang ngayon, ikaw pa rin ang laman ng isip ko?
Napahawak ako sa sentido at napabuntong-hininga. Sa buong buhay ko, walang babaeng nakapag-iwan ng ganitong epekto sa akin. Wala akong maalalang sandali kung saan ako mismo ang naghanap, naghabol, at hindi mapakali sa isang babae.
Pero si Jea... siya lang ang naiiba.
At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa epekto niya sa akin.
Maging sa trabaho, ramdam ang epekto ni Jea sa akin.
Halos wala akong gana sa mga taping at shoot. Kahit anong pilit kong ituon ang isip ko sa mga eksena, hindi ko magawang lumabas ang dating sigla ko. Kahit ang mga direktor at staff, napansin na rin ang kakaibang aura ko.
“Ian, okay ka lang ba? Ang tahimik mo ngayon ah,” tanong ng direktor habang inaayos ang set.
"Yeah, I'm fine," sagot ko, pero kahit ako, hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Kahit sa harap ng kamera, parang may kulang. Wala ako sa focus, at ilang beses akong napagalitan dahil sa maling linya o kawalan ng emosyon sa acting.
Lahat ng ginagawa ko, parang wala nang saysay.
Dahil ang utak ko, puso ko—nasa isang babaeng hindi ko pa rin mahagilap.
Jea Alexandra Trinidad Alonzo.
Paulit-ulit sa isip ko ang pangalan niya.
At alam kong hangga’t hindi ko siya natatagpuan, mananatili akong ganito—walang direksyon, hindi mapakali.
------------------
Sa isang sikat na indoor basketball court sa lungsod, patuloy ang ingay ng mga tagahanga habang sumasabog ang enerhiya sa bawat galaw ng mga manlalaro. Sa gitna ng matinding laro, isang lalaki ang mabilis na gumalaw sa court—si Ian Anthonio Liu, ang nag-iisang pambato ng kanilang koponan. Malupit ang bawat drive niya patungo sa basket, at ang mga pasa ay tumatama sa tamang timing. Para kay Ian, ito ang kanyang mundo. Dito siya malaya, walang alalahanin, walang iniintindi kundi ang laro.
Ngunit sa kabila ng kanyang focus sa basketball, hindi siya nakaligtas sa isang balita na unti-unting kumakalat sa social media.
Matapos makagawa ng isang dunk na pinuri ng buong arena, bigla siyang nilapitan ng isang kaibigan at iniabot ang cellphone.
"Bro, nakita mo na ba ‘to?" tanong ng kanyang teammate, may halong kaba sa boses.
Ibinuka ni Ian ang kanyang mga mata nang makita ang headline sa screen—Jea Alexandra Alonzo, buntis? Sino ang ama? Kasama ang isang litrato ng dalaga na nakatayo sa harap ng ospital, ang kanyang itsura ay maputla at puno ng kalungkutan, at sa tabi nito ay ang nahulog na ultrasound.
Nagdalawang-isip si Ian, ngunit nang makita ang mukha ng babae sa larawan, parang may mabigat na bagay na bumagsak sa kanyang dibdib. Tumigil siya saglit, pinagmamasdan ang screen na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
Siya… siya ang babaeng matagal ko nang hinahanap!
Parang dumapo sa kanya ang isang malamig na hangin. Hindi niya kilala ang babae, ngunit may mga mata siyang matagal na niyang nakita sa mga panaginip. At ngayon, ang babaeng iyon ay nasa balita—at buntis?
Bumilis ang t***k ng puso ni Ian, at bigla siyang naalala ang isang gabing hindi niya makakalimutan. Ang gabing iyon... ang misteryosong babae... at ngayon, isang buntis na si Jea Alonzo.
Hindi maiwasang tanungin ni Ian sa kanyang sarili: Ako ba ang ama ng bata?
"At sino naman ‘yan?" tanong ni Ian na hindi maalis ang tingin sa larawan habang kinakabahan.
"Anak siya ng isang senador, pare. Kilala siya sa mataas na lipunan. Pero ang tanong ng lahat—sino ang tatay ng bata?" sagot ng kaibigan niya.
Hindi napigilan ni Ian ang mapangisi, ngunit hindi ito dahil sa saya. May kabuntot na inis at pagtataka sa kanyang ekspresyon. Sanay na siya sa mga iskandalo at mga bali-balita, pero may kakaibang pakiramdam sa balitang ito na hindi niya kayang itago.
"Tsk. Ano naman ang pakialam ko d'yan?" sagot niya habang binabalibag ang bola sa sahig.
Ngunit hindi pa natapos ang abala. Si Nathan, na matagal nang nakatayo sa tabi, ay nagsimulang mang-asar.
"Haha! So, Ian, ikaw na pala ang ama?" tanong ni Nathan na may pang-asar na tono, sabay hagikgik. "Ang galing mo naman, pare! Grabe, may asawa at buntis pa pala yung babaeng gusto mo! Karma nang notorious playboy yan!"
Naramdaman ni Ian ang init na kumalat sa kanyang mukha, at hindi niya maiwasang mag-react. Hindi ito dahil sa saya, kundi sa inis at pagka-kabado. Hindi siya sanay na pag-usapan ang mga bagay na ganito, lalo na tungkol kay Jea.
"Shut up, Nathan!" sabay lingon ni Ian, ang tinig niya puno ng galit at pagka-irita. Hindi siya makapaniwala sa pang-iinis ng kaibigan, lalo na’t ang pakiramdam niya ay hindi pa tapos ang laban na ito. Si Jea… hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng ganitong klaseng problema.
Ngunit hindi tumigil si Nathan. "Pare, seryoso! Ikaw ang notorious playboy, tapos ngayon, ikaw na ang tatay ng baby? Karma na karma ka!" sabay hagikgik uli.
Lalo pang uminit ang ulo ni Ian. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo!" sagot niya, at tumalikod na siya, ngunit hindi matanggal sa isipan ang mga salitang binitiwan ni Nathan.
Maya-maya, biglang umilaw ang cellphone ni Ian na nakatago sa kanyang bag. Nang kinuha niya ito, isang mensahe ang tumambad mula sa kanyang matagal nang kakilala—isang reporter na may kinalaman sa pamilya Alonzo. Isang headline na magpapabago sa lahat: Christian Troy Martinez, ang tunay na ama ng anak ni Jea Alonzo.
Naguluhan si Ian, at muling nagbabalik ang lahat ng tanong sa kanyang isipan. Si Christian? Hindi siya makapaniwala sa narinig. Naramdaman niyang parang may mabigat na bagay na muling bumagsak sa kanyang dibdib.
Si Christian, ang ex ni Jea, ang ama ng anak niya?
Dahil sa revelation na ito, naguluhan at nag-aalala si Ian. Hindi na siya makapaghintay na malaman ang katotohanan, ngunit alam niyang mas lalalim pa ang kanyang pakiramdam kay Jea—at may pag-aalinlangan na nagsimula ng mag-ugat sa kanyang puso.