JEA’S POV
"Busy ka ba today? Pwede ba tayong pumunta sa bar? Kailangan ko ng kausap, Jeysss, please, kailangan kita ngayon?"
Nakatanggap ako ng mensaheng ito mula sa best friend kong si Christian.
"Di naman ako busy. Sige, let's meet sa VIP ng Alta."
Agad akong nag-reply kay Christian. Gusto ko rin naman mag-unwind at uminom dahil sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang linggo. At saka, hindi ko kayang tanggihan si Christian—siya kasi ang favorite person ko.
Pagod na pagod ako dahil kakauwi ko lang mula sa outreach program ng mommy ko sa Visayas. Ang foundation namin ay nag-organize ng tatlong linggong training doon para sa mga tao, at dahil nandoon din si daddy, sumama na ako para makapag-bonding kaming tatlo.
Bago ang lahat, ako nga pala si Jea Alexandra Trinidad Alonzo, ang nag-iisang anak nina Senator Alexander Alonzo at Dra. Jeandrea Trinidad Alonzo. Parehong only child ang mga magulang ko kaya wala akong mga pinsan. Pero masuwerte pa rin ako kasi may mga loyal akong kaibigan. At sobrang suwerte ko rin sa mga magulang ko dahil laging may oras para sa akin. Siguro dahil matagal nila akong hinintay—childhood sweethearts sila at naging magkasintahan pa lang noong 15 years old sila, kinasal sa edad na 21 bago mag-med school si mommy. Isinilang ako 11 taon pagkatapos nilang magpakasal, kaya siguro sobrang protective nila sa akin. At ang mga magulang ko din ang ideal ko dahil sobrang strong nila.
Kahit overprotective sila, hinahayaan pa rin nila akong mag-decide sa mga gusto ko. Tulad ng ngayon, nakatira ako mag-isa sa condo. Pinapadala ni mommy yung mga tagalinis, pero mas gusto ko akong mag-isa. Mas okay naman sa bahay namin, pero minsan parang masyadong maraming tao, lalo na't nasa public service ang pamilya namin. Parang mas makakagalaw ako kapag malayo ako sa kanilang lahat.
Sa Bar
Dumating ako sa Alta bandang 9 PM at dumiretso sa VIP room na pag-aari ng barkada namin na si Richard. Lagi kaming may reserved na lugar doon. Pagpasok ko, agad kong nakita si Christian—lasing na lasing na siya. Mukhang may mabigat siyang pinagdadaanan.
"Ang aga mo namang nandito. At mukhang nakainom ka na, di mo na ako inintindi at nag lasing ka na agad!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap.
"Sorry, Jea. Kailangan ko lang talaga ng kausap. Busy sila, at alam kong kakauwi mo lang mula sa outreach ninyo ni Tita, kaya dumiretso na ako dito pagkatext ko sa'yo. Alam ko naman kasing pupunta ka. The best ka talaga, Jea."
Kitang-kita ko sa mata ni Christian ang bigat ng loob niya. Kadalasan, ang mga kaibigan namin ay abala na sa pamilya nila. Kami na lang ni Christian ang single, kaya wala kaming ibang priorities.
"Wag ka nang mag-drama, nandito na nga ako, ang dami pong dinadrama dyan hindi naman kita papabayaan," sagot ko, pero napansin kong talagang marami na siyang nainom—amoy na amoy ko na.
Si Christian ang pinaka-close ko sa lahat ng mga kaibigan ko. Alam niya ang lahat ng sikreto ko, pati mga rants ko sa buhay. Lagi kaming magkasama. Gwapo siya, maganda ang katawan, at ang mata niya—captivating talaga. Kahit sino, pwedeng magkagusto sa kanya. Palagi nga kaming napagkakamalang magkasintahan—na sana nga totoo. Dahil, oo, gusto ko siya, at alam ko naman na alam niya iyon. Pero alam kong iba ang mahal niya—si Carly. At nirerespeto ko iyon. Nakita ko kung paano siya minahal si Carly, kahit wala na sila, at nadurog siya noong nakita ko kung paano siya nasaktan. Kasama ko siya sa lahat ng iyon. Hanggang ngayon, kahit ayaw na niyang pumasok sa isang relasyon, nandito pa rin ako.
"So, anong nangyari? Parang nalugi ka na, Doc?" seryoso kong tanong habang umiinom ako ng hawak kong alak.
"Nagkasagutan kami ni Daddy. Ipinipilit na naman nila ang kasal kay Carly," sagot niya habang umiinom ulit.
"Dapat happy ka! Bakit ganyan ang mukha mo, eh matagal mo nang gusto iyon?" biro ko sa kanya. Pero imbes na matawa, nanatili siyang seryoso.
"Kaibigan ba talaga kita? Bakit ganyan ka?" matalim niyang tanong. Gusto ko lang naman siyang biruin para kahit paano ay sumaya siya. Pero mukhang hindi yun gumana.
"Siyempre! Ako pa ba? May bagay ba na hindi ko alam tungkol sa'yo? Pero tibay din ng ex mo—ay, wait, future wife mo pala! Kasi kahit siya yung unang nagloko, humahabol pa rin siya sa'yo," natatawa kong sabi. Naaawa na rin ako kay Carly—kahit 5 taon nang hiwalay sila, nakabuntot pa rin siya kay Christian.
"Jea, inaasar mo lang ata ako. Tama pa bang ikaw kinakausap ko? Hindi siya magiging asawa ko."
"Alam mo, hindi ko gets bakit siya humahabol kung siya naman ang unang nagloko. O may hindi ba akong alam?"
"Hindi ko rin siya maintindihan. Nag-usap na kami noon, pero pinipilit pa rin ng mga pamilya namin. Pero kahit anong mangyari, at kahit ipakasal pa kami, hindi na kami babalik sa dati."
Habang tumatagal ang inuman, parang nahihilo na ako. Gusto ko nang umuwi, pero ayaw kong iwanan si Christian. Habang nag-uusap kami, parang may kakaiba na akong nararamdaman—nadadala na rin ako ng alak.
"Jea, tayo na lang kaya? Sigurado ako, kapag ikaw ang kasama ko, titigil na si Carly," seryosong sabi ni Christian habang nakatitig sa akin.
Nagulat ako.
"Ano?! Lasing ka lang, Christian! Tara na, ipapauwi na kita sa driver mo," sagot ko, pero masakit na sa puso ko ang mga salitang iyon.
"Jea, no. Alam ko ang sinasabi ko. Take me seriously. Marry me, Jea, please help me," sabi niya habang mahigpit niyang hinawakan ang aking balikat at lalo akong nasasaktan.
"Hey, masyado ka nang maraming nainom, Christian. Pahinga ka muna," tumayo na ako para umalis, pero bigla niya akong hinila at pinigilan sa harapan niya. Ang dating maamo niyang mata, parang naging mabangis na leon.
"Jea, I'm serious. I have liked you ever since."
Gusto kong maniwala, pero baka dahil lang ito sa alak—baka dahil lang kailangan niya ako pero alam kong hindi niya ako mahal. Ramdam ko na wala siyang nararamdaman sa akin.
"So, bakit ngayon mo lang sinabi? Mahal mo ba ako, o gusto mo lang takasan si Carly?"
"Yes! Marry me, Jea! Please, save me from that monster! Please, Jea, kailangan kita. Kailangan ka nang pamilya ko, ikaw na lang ang pag-asa ko matakasan lahat ito."
Parang natunaw ako sa sinabi niya. Pero alam kong hindi pagmamahal ang dahilan—kailangan lang niya ako.
"No, Chris. I love you, pero hindi kita kayang pakasalan, dahil ako lang naman ang may feelings, at magpapakasal lang ako kung alam kong mahal ako," matigas kong sagot.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Jea, alam kong matagal mo na akong gusto. Wag ka nang magpakipot! Pumayag ka na—maghihiwalay din tayo. Gusto ko lang mawala na si Carly sa buhay ko at kailangan ka nang pamilya ko."
Pakiramdam ko, nanliit ako sa sarili ko. Nasampal ko siya.
"Chris, magkaibigan tayo. Nirerespeto kita hangga't kaya ko, pero sobra ka na. Mahal kita, pero hindi ito sapat para bastusin mo ako ng ganito. Kahit kailan, hindi ako magpapakasal sa'yo! Hinding hindi kita papakasalan."
Tumayo ako at lumakad palayo, pero bigla niya akong hinila at hinalikan—sobrang marahas.
Pinilit kong kumawala. Nang makakita ako ng matigas na bagay, agad ko siyang pinalo sa ulo.
Nang makakita ako ng bukas na pintuan, dali-dali akong pumasok, sinusubukang pigilan ang panginginig ng katawan ko.
Ang gusto ko lang talaga ay takasan siya at lumayo sa kanya.