Chapter 1

1200 Words
POV ni Christian  "Christian, in-free ko lahat ng schedule mo ngayong linggo. Makikipagkita tayo sa pamilya ni Carly," diretsong sabi ni Daddy nang bumaba ako sa living room. Seryoso ang boses niya, at sa tingin pa lang niya, alam kong hindi ito usapang pwedeng talikuran. Napahinto ako saglit bago tumugon, pero hindi ko itinago ang inis sa boses ko. "For what? Babalik na ako ng Benguet, Dad. May medical mission ako ngayong linggo at marami pa akong kailangan ayusin doon," mariin kong sagot. Totoo naman—umuwi lang ako para kumuha ng gamit. Higit sa lahat, wala akong balak makita si Carly, lalo na ang pamilya niya. Dahil alam ko naman na ipipilit lang nila ang gusto nila at hindi nila ako pakikingan dito. Madalas akong wala sa Maynila, pero mas pinili kong tumira sa Benguet. Doon ko kasi nararamdaman na mas kailangan ako. Isa akong doktor sa LGU, tumutulong sa mga taong walang kakayahang makapagpagamot sa ospital. Doon ko rin natagpuan ang inner peace ko—isang bagay na hindi ko mararamdaman kapag nandito ako sa pamilya ko. Kaya hindi ko hinawakan ang family business namin. Si Daddy at ang kapatid ko na ang may hawak noon. "Uunahin mo pa 'yan kaysa sa pamilya natin? Kailangan kita ngayon, Christian. May problema ang kumpanya, at hindi pwedeng wala ka sa meeting na 'to. Kailangan nating pag-usapan ang kasal n’yo ni Carly," madiing sabi ni Daddy, ramdam ang bigat sa tono niya. Napakuyom ako ng kamao. Tama nga ang hinala ko. Noong nakita ko silang mag-usap last week, alam kong may binabalak sila. Kaya nga nagmadali akong bumalik ng Benguet—para umiwas. Si Carly Rose Marquez—ang naging girlfriend ko sa loob ng labindalawang taon. Bata pa lang kami, napagkasunduan na ng pamilya namin na kaming dalawa ang ipapakasal. Noong una, wala akong reklamo. Swerte na nga ako dahil maganda, sexy, at matalino si Carly. Kahit sinong lalaki, mahuhulog sa kanya dahil kahit may pagka-high value woman siya, sobrang sweet at lambing niya. Hindi ko itatago, sobrang mahal ko siya. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya at wala akong ibang babaeng minahal nang ganun kundi siya lang. Pero habang tumatagal, nawala ang paghanga ko sa kanya—lalo na nang mas makilala ko ang totoong Carly. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya, kahit pa mang-manipula ng tao. Sa loob ng labindalawang taon, ilang beses kong pinikit ang mga mata ko sa mga panloloko niya—hanggang sa mismong mahuli ko siyang may kasamang ibang lalaki. Halos masiraan ako nang ulo sa panloloko niya sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ko tatayo muli, buti na lang may kaibigan ako na di talaga ako hinayaan at iniwanan. Limang taon na mula nang maghiwalay kami. At sa limang taon na ‘yon, natutunan kong mamuhay nang wala siya. Kinaya ko. "Dad, please. Kung tungkol sa pagpapakasal kay Carly, hindi ako papayag. I can’t marry that girl," madiin kong sabi, pilit pinakakalma ang sarili. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya. At pag pumayag ako, parang wala na akong pride kahit konti bilang isang lalaki na paulit-ulit niyang niloko at pinagpalit sa iba. Tatalikod na sana ako nang biglang hinawakan ni Daddy ang braso ko, mahigpit at may puwersa. "KUNG LALABAS KA NGAYON, KALIMUTAN MO NA AKO AT ANG BUONG PAMILYA MO, CHRISTIAN!" Parang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi lang dahil sa lakas ng boses niya, kundi dahil sa bigat ng mga salitang binitiwan niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "Iyan lang ang hinihiling ko ngayon, anak. Ngayon lang ako humiling sayo para sa pamilyang ito at para maisalba natin lahat nang meron tayo," mahina pero matigas niyang dagdag. "Matagal nang kasunduan ito. At pumayag ka na dati." Napakuyom ako ng kamao, pilit nilalabanan ang galit na namumuo sa dibdib ko. "This is unfair," mahina kong sabi, pero puno ng hinanakit. "Dad, alam mo ang ginawa sa akin ni Carly. Niloko niya ako nang maraming beses! At bilang lalaki, may prinsipyo rin ako. Hindi ko siya kayang balikan." "Unfair?" Napailing si Daddy. "Lahat ng gusto mo, hinayaan ka namin. Wala kang narinig sa akin noon, Christian. Pero ngayon, ako naman ang sundin mo. Kailangan kita. Nalulugi ang kumpanya—bilyon ang nawala sa atin. Ang pamilya lang ni Carly ang handang tumulong sa atin ngayon, kapalit nang lang nito ay kailangan mo pakasalan ang kanilang anak na naging girlfriend mo naman na nang 12 years." Napatingin ako sa sahig. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Iniipit na siya ng investors, at halatang ginagamit ito ng pamilya ni Carly para mapilitan akong pakasalan siya. "Feeling ko decided na kayo, at wala na akong choice." Napabuntong-hininga ako, pakiramdam ko'y unti-unting nawawalan ng pag-asa. "Pero, Dad, kahit itulak ninyo ang kasal na 'to, hinding-hindi ko na mamahalin si Carly." Tahimik si Daddy sandali bago siya muling nagsalita. "I’ll give you a choice—pakasalan mo ang isang mas mataas sa pamilya ni Carly. Si Jea, tutal kaibigan mo siya at malaki ang maitutulong nang pamilya nila sa atin." Napakunot ang noo ko. "Si Jea?" Tumango si Daddy. "Alam kong may gusto siya sa'yo." Napahawak ako sa sentido. Tama siya. Si Jea lang ang pwedeng makatulong sa akin sa sitwasyong 'to. Pero… "Daddy, that's too impossible. Jea is too fragile para sa ganitong bagay at bestfriend ko siya. Masisira ang pagiging magkaibigan namin dalawa," sagot ko. "Binigyan kita ng choice. Kaya tumayo ka na at galingan mo ang paghahanap ng solusyon. Kung hindi, mag-ready ka na sa kasal mo kay Carly." Ramdam kong wala na akong pag-asang baguhin ang sitwasyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya’t napagdesisyunan kong tawagan si Jea. At alam kong siya lang din naman ang pwedeng tumulong sa amin ng pamilya ko. Si Jea Alexandra Alonzo Trinidad. Dalawampu’t siyam na taong gulang. Ang nag-iisang tagapagmana ng Alonzo at Trinidad clan. Simple lang siya, pero sila ang pinaka-mayaman sa bansa at higit pa doon, sobrang talino ni Jea at talented. Si Carly, sanay na inuuna ang sarili niya. Si Jea, kahit spoiled brat, marunong siyang magpahalaga sa ibang tao. Hindi lang siya mayaman—may puso siya. Kahit gaano siya ka-busy, isang tawag lang, pupunta siya—kahit saan pa ako naroroon. Noong dati ngang bumabagyo, pinuntahan pa niya ako sa probinsya. Ngayon, sa sitwasyong 'to, alam kong si Jea lang ang makakatulong sa akin. Sa yaman ng pamilya niya, kayang iahon nun ang utang ng pamilya ko sa isang iglap lang at matatakasan ko pa ang baliw na si Carly. Alam kong mahal ko pa si Carly, pero hindi ko na siya kayang makasama kahit konti. Hindi ko na siya kayang pakisamahan pa. Pero kaya ko bang gawin ito sa kanya? Kaya ko bang gamitin ang bestfriend ko para sa sarili kong interest, dahil alam ko naman wala akong nararamdaman sa kanya kundi pagiging kapatid lang? Matagal ko nang alam ang pag-gusto sa'kin ni Jea, pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya kundi pagiging magkapatid lang. Pero naniniwala akong papayag siya. Kailangan ko lang siya kausapin nang maayos, at alam kong makukuha ko din si Jea. At alam kong hindi naman kasi siya mahirap mahalin, at kaya kong pag-aralan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD