NIKOLAI POINT OF VIEW
Alam kong dapat ko siyang kalimutan. Alam kong dapat ko siyang iwasan. Pero bakit sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, siya ang naiisip ko?
Si Jasmine Faith Delgado.
Ang babaeng hindi ko dapat gustuhin. Ang babaeng dapat kong layuan. Pero siya rin ang babaeng hindi ko matanggal sa isipan ko.
Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang sinimulan niya, pero sigurado akong hindi lang siya ang marunong maglaro.
Gabi na, pero nasa labas pa rin ako. Nasa loob ng sasakyan ko, nakaparada sa tapat ng isang exclusive bar kung saan siya pumasok halos isang oras na ang nakakalipas. Sa loob-loob ko, tinatanong ko ang sarili ko kung anong ginagawa ko rito.
Sinusundan ko siya.
Like a f*****g stalker.
Pero hindi ko matanggap na matapos ang nangyari sa amin sa balcony, basta na lang niya ako tatanggalin sa isip niya. Hindi ako isang laruan na pwede niyang paglaruan at itapon kapag nagsawa na siya.
Hindi ako ganung klaseng lalaki.
Nakita kong lumabas siya sa bar, nakasuot ng isang itim na dress na masyadong maikli at masyadong mapanganib. Lalong lumalim ang kunot sa noo ko nang mapansin kong hindi siya mag-isa.
Isang lalaki ang kasama niya.
Who the f**k is that?
Bago pa ako makapag-isip ng matino, bumukas na ang pinto ng kotse ko. Wala akong pakialam kung anong oras na, kung may dapat pa akong gawin. Sa gabing ito, wala nang ibang mahalaga kundi siya.
Binaybay ko ang sidewalk kung saan siya dumaan kasama ang lalaking 'yon. Tumatawa siya, para bang walang pakialam sa mundo. Para bang walang nangyari sa amin.
Napakabilis ng kilos ko. Isang iglap lang at nasa likod na ako ng lalaking kasama niya. Bago pa siya makapag-react, hinila ko si Jasmine palayo.
Nabigla siya, pero hindi siya pumalag. Tumitig lang siya sa akin, ang mga labi bahagyang nakabukas dahil sa pagkagulat.
"Nikolai?"
Hindi ako sumagot. Lumingon lang ako sa lalaking kasama niya, na ngayon ay mukhang hindi alam kung paano magrereact.
"Who's this?" tanong ng lalaki, kita ang pagtataka sa mukha niya.
Hindi ako sumagot.
Pero si Jasmine, ngumiti lang. “Just a friend.”
Napatingin ako sa kanya. Just a friend?
Pinisil ko ang pulso niyang hawak ko pa rin. "We need to talk," malamig kong sabi.
Nagtaas siya ng kilay. "And if I don't want to?"
Mas hinigpitan ko ang hawak ko. "You don’t have a choice."
Huminga siya ng malalim bago bumaling sa lalaking kasama niya. "Sorry, love. Bawi ako next time."
Walang nagawa ang lalaki kundi tumango. Alam kong nagtataka siya kung sino ako, pero wala akong pakialam.
Hinila ko si Jasmine papunta sa isang madilim na sulok ng kalye, malayo sa ingay ng bar at mga mata ng ibang tao.
"Ano 'to, Nikolai?" tanong niya, parang hindi alam kung matatawa ba siya o maiinis.
"Who was that guy?" tanong ko, hindi tinatago ang inis sa boses ko.
"Why do you care?" Sagot niya, nakangiti. "Are you jealous?"
Hinapit ko ang bewang niya, inilapit siya sa akin. "I don't get jealous," madiin kong sagot.
"Then why are you acting like you own me?"
Napatingin ako sa kanya. Oo nga, bakit nga ba?
Bakit ko ba sinusundan ang babaeng ito? Bakit ba hindi ako makatulog nang hindi siya naiisip? Bakit ba kahit alam kong mali, gusto ko siyang angkinin?
Wala akong sagot.
Pero may sagot siya.
Napahinga siya nang malalim, at bago ko pa napansin ang gagawin niya, inilapit niya ang labi niya sa tainga ko.
"If you want me," bulong niya, "come and get me."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, lumayo siya, bumitaw sa pagkakahawak ko at lumakad palayo, iniwan akong nakatayo sa dilim, hindi makapaniwala sa ginagawa niya sa akin.
She thinks she can play with me?
Ngumisi ako.
She has no idea who she’s dealing with.
Tiningnan ko ang papalayong pigura niya, ang katawan niyang kumekendeng sa bawat hakbang, alam niyang sinusundan ko siya ng tingin. Alam niyang hindi ako papayag na basta na lang siyang lumayo.
Huminga ako nang malalim, hinigpitan ang kamao ko.
Hindi niya ako malalaro.
Ako ang magpapalaro sa kanya.
Isang iglap lang at mabilis akong gumalaw. Sa loob ng ilang segundo, nasa likod niya na ako. Hinablot ko ang braso niya, pinihit siya paharap sa akin.
Napasinghap siya sa bilis ng galaw ko. Sa isang iglap, ang likod niya nakasandal na sa pader ng madilim na alley.
"Hindi ka pwedeng tumakbo, Jasmine," madiin kong sabi, ang mga mata ko nakapako sa kanya.
Ngumiti siya. "Who said I was running?"
Napatingin ako sa mga labi niyang bahagyang nakabuka. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, alam kong inaakit niya ako.
At putangina, epektibo.
Mabilis kong hinawakan ang mukha niya, ang mga daliri ko sumapo sa pisngi niya.
"You're dangerous," bulong ko, halos galit.
Ngumiti siya, hinawakan ang kwelyo ng suit ko, hinila ako palapit. "And you love it."
At doon na ako bumigay.
Wala nang pasakalye. Wala nang pag-aalinlangan.
Isang iglap lang at inilapat ko ang labi ko sa kanya, mariin, mapusok, walang kontrol.
Nagpaubaya siya, sinalubong ang halik ko na para bang matagal niya nang hinihintay. Ang kamay niya gumapang sa batok ko, hinila ako palapit pa lalo, sinasagad ang bawat segundo ng halik namin.
Maalab. Mapanganib. Walang paki-alam sa mundo.
Hinapit ko ang baywang niya, itinulak siya sa pader. Hindi siya lumaban. Hindi siya umurong. Mas lalo pa niyang pinatindi ang laro, ang labi niya gumaganti sa bawat galaw ng labi ko.
Nang bumaba ang halik ko sa panga niya, naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko. "Nikolai..."
Tangina, parang musika ang pangalan ko sa labi niya.
Wala na. Wala nang tama, wala nang mali.
Dito, sa ilalim ng dilim, wala kaming ibang mundo kundi kaming dalawa. Wala nang asawa. Wala nang bawal.
Ang tanging saksi lang sa lahat ng ito—
Ang kadiliman mismo.