“Bata pa lang ako alam na ng ama ko na ako ang magmamana sa lahat ng mayroon ang mga Monterelli. He’s a narcissist son of a gun. Anak niya ako pero lumaki akong hindi nararamdaman iyon. I even saw him one time, he hit my mom on her face. You know what’s more painful? Pinilit ni mommy na ngumiti sa ‘kin to tell me she’s okay. Kahit na dumudugo ang gilid ng labi niya tiniis niya ang sakit para hindi ako masaktan. Para ipaintindi sa ‘kin na wala lang ‘yon. I am used to violence. Kapag may nagagawa akong hindi maganda kinukulong niya ako sa basement at hayaang magutom at mauhaw roon. I slept there for days katabi ang mga daga at ipis. Even worse, as a punishment kapag hindi ko sinusunod ang utos niya ay nilalatigo niya ako habang nakatali ang dalawang kamay ko paitaas,” mapait niyang kuwento.

