"Kung hindi lang asul ang mata niya sigurado akong si, Paklando 'yan. Niloloko lang tayo," ani Bebeng. "Pareha tayo ng iniisip," sagot ko. "Kasi napakademonyo ng walang hiyang 'yon eh. Isipin mo naman ang ginawa niya sa 'tin noon. Teka may ideya ako," aniya. "Huh? Ano?" "Naalala mo may alaga siyang Komodo riyan sa likod? Sa pagkakaalala ko'y nandiyan pa rin eh. Inaalagaan ni, Blue. Ang mga Komodo niya kilala siya. Parang magkasunod lang ang atay nila at balun-balunan. Ilabas kaya natin at ilagay natin sa may malapit sa kaniya. Alam mo kakaiba kasi ang animal instinct. Kagaya ko," wika niya. "Animal ka rin ba?" tanong ko. Kaagad na nasira ang tabas ng mukha niya. "f**k you, Ada!" aniya at may pa-slang pa talaga sa pagbigkas. Natawa naman ako. "Saan mo natutunan 'yan? Limang ta

