Nakatingin lang ako sa madilim na gabi. Mukhang uulan na naman. Tumawag si Tiya kanina. Na-operahan na si mama at ino-obserbahan pa rin. Tahimik na nananalangin ako sa Diyos na sana ay maging okay na talaga siya. Huminga ako nang malalim at napapikit nang marinig ang paisa-isang tulo ng ulan. Ilang sandali pa ay bumuhos na iyon. Pumasok na ako sa loob kuwarto ko at isinara ang glass door ng terasa. “Penny for your thoughts?” Napapiksi ako sa gulat nang marinig ang boses ni Orlando. Napalingon ako at nakatayo lang siya roon. Malamig ang aura at kunot ang noo. “Nagulat ba kita?” tanong niya. Napahawak naman ako sa dibdib ko at marahang tumango. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung paano niya iyon ginagawa. Para siyang kabuteng basta na lang susulpot kung kailan niya gusto. Hi

