Pagkatapos nga ng trabaho ko ay dinaanan ko na si Onyx sa school nila. Nagkausap na rin kami ni Tiya. Maging siya ay hindi makapaniwala. Kahit hanggang ngayon ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya pero kailangan kong isantabi muna. Hihintayin ko kung kailan niya sasabihin sa ‘kin. Naiintindihan ko siya. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginawang magtago nang ilang taon. Alam kong may dahilan siya at hindi ko siya pipilitin na sabihin iyon sa ‘kin. “Mama!” Kaagad na nginitian ko siya at sinalubong ng yakap. “Ang bango naman ng babay ko. Amoy baby talaga,” saad ko. “Hello Misis, sa darating na Father’s Day ay maraming katuwaan dito sa school. So, I encourage the kids to bring their parents. Sana ay makapunta kayo,” wika ng guro niya. Ngumiti naman ako nang tipid. “Sig

