"Bullshit!" mura ni Alexander habang nakatingin sa kaibigan niyang nire-revive pa ng mga doctor. "I'm sorry Sir, we did our best," saad ng doctor at nag-declare na ng time of death ni Orlando. Pagod na napasandal sa dingding ang binata at hindi alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Nilapitan niya ito at malutong na napamura ulit. "f**k it!" Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nakahimlay ang walang buhay na katawan ni Orlando sa harap niya at alam niyang kahit anong gising ang gawin niya rito ay wala na ito. Hindi na ito babalik. Tiningnan niya ang kamay nito nang biglang gumalaw. Gulat na napatawag siya ng doctor at mabilis na dinaluhan naman sila. Lumabas siya ng ER at napangiti nang ilang saglit pa ay sunod-sunod ang pagpasok ng nurses at may dalang mga aparatus. Napaupo

