CHAPTER 15

3500 Words
Sumakay kami sa tricycle at pinauna na niya akong sumakay sa loob. Sinabi ni Andre ang address nila at ako naman ay tahimik lang. What he acted earlier was haunting me. Hindi ko alam pero nalulungkot ako.     Niyakap ko ang sarili dahil nakaramdam ako ng lamig ng hangin. Naka-sleeveless dress pa rin kasi ako at hindi ko na nagawang magpalit kanina dahil sa pagmamadali.     "Eto, isuot mo muna," sabi ni Andre at ipinulupot ang suot niyang jacket sa balikat ko.     "Salamat," mahina kong sagot.     "Magpahinga ka muna," sabi niya. "Alam kong pagod ka." Tinanggal niya ang suot niyang cap at isinuot niya rin iyon sa'kin.     Tumingin ako sa kanya at marahang ngumiti. Sumandal ako sa balikat niya at kinapitan ang kamay. Tiningnan ko ang reaksyon niya sa ginawa ko at nakatingin lang ito sa labas ng tricycle. Hindi ko na lang iyon pinansin at hinayaan na niya lang din ang pagkapit ko sa kanya.     Makalipas ang ilang minuto ay bumaba kami sa isang mapunong lugar. Andre helped me with my things. Konti lang naman iyon pero siya na ang nagdala. Lupa ang daanan papasok sa bahay nila kaya nahirapan akong maglakad. May mga times na lumulubog ang suot kong heels dahil medyo basa ang lupa. Umulan ata rito.     Inis akong napatigil nang lumubog na naman ang heels ko. Tumingin sa'kin si Andre at napakamot siya sa batok niya.     "Buhatin na kita," he offered. Tinanggal ko ang heels ko at biglang nataranta sa offer niya.     "N-no, okay lang," sagot ko at nauna nang maglakad sa kanya. Huminga ako ng malalim dahil sobra sobra ang nararamdaman ko. Hinintay ko siyang sumunod sa'kin at sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila.     Nang makarating sa bahay nila ay pinagmasdan ko ang paligid nito. Maliit ang bahay nila at may iilan silang kapitbahay. Mga ilaw na lang nag makikita mo sa labas dahil tulog na siguro ang mga tao ngayon.     "Pasok," binuksan ni Andre ang pinto at pinapasok ako. Sinunod ko naman siya at namangha sa malinis na loob ng bahay nila.     Salas agad ang bumungad sa'min at katabi na noon ay ang kusina at lamesa. May dalawang kwarto ang bahay nila at sa dulo at natatanaw ko ang pinto patungo siguro sa likod bahay nila.     "Upo ka muna," sabi ni Andre na sinunod ko.     "Ang linis naman ng bahay niyo," komento ko. Mahina lang ang boses ko dahil alam kong natutulog na ang nanay at mga kapatid niya. Hindi ko nga lang alam kung saan sa dalawang kwartong ito.     Inabot sa'kin ni Andre ang isang basong tubig. "Malinis yan," ngiti niya.     Ngumiti rin ako. "I didn't say anything," sagot ko at uminom sa ibinigay niya. Naubos ko iyon at ibinalik ang baso sa kanya.     "Magbihis ka na," sabi niya.     "Nanakawan ako," sagot ko sa kanya.     "Oo nga pala. Yung damit na lang ni Nanay," akmang aalis na siya para kumuha ng damit pero pinigilan ko siya.     "Damit mo na lang," sabi ko. "Nakakahiya sa Nanay mo."     "Ha?" tanong niya.     "Sige na," pamimilit ko at marahan siyang tinulak.     "Oo na," sagot nito at pumasok sa kwarto niya. So, doon pala sa pangalawang kwarto ang sa kanya. Inilibot ko na lang ang paningin ko habang hinihintay siya. Nang makabalik ay agad niyang ibinigay sa'kin ang t-shirt niya na mukhang dress na para sa'kin.     Ang tangkad naman kasi niya.     "Thank you," sagot ko habang nakatapat ang damit sa sarili.     "Pwedeng dun ka sa cr or sa kwarto na," sabi pa niya.     "Alangan namang sa harap mo?" umirap ako sa kanya at kapagkuwan ay ngumiti rin. Siya naman ay walang kaemo-emosyon ang mukha.     Ang hirap ding pangitiin ng isang 'to e.     "Uhm, nga pala," panimula ko. "Pwede ko bang makita ang Nanay mo?"     Tumingin siya sa'kin na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Tulog na," sagot niya.     "5 seconds," sabi ko. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Dinala niya ako sa unang kwarto kung saan natutulog ang Nanay niya pati ang mga kapatid nito.     Agad akong napangiti nang makita ko ang mahimbing nilang pagkakatulog. Si Andre ay nasa likuran ko habang kapit ang pinto at mukhang nawi-weirduhan sa ginagawa ko.     Dumako ang paningin ko kay Joana at agad nawala ang ngiti ko. May parang mask na nakatakip sa ilong at bibig niya. Mukhang siyang nasasaktan dahil mahirap ang paghinga nito.     "Is she okay?" Lumingon ako kay Andre at tumango lang siya. Naawa ako. She's too young for this.     Lumabas kami ng kwarto at sumunod sa'kin si Andre. "Gusto ko lang silang makita," sabi ko dahil ang mga tingin niya sa'kin ay parang nagtatanong.     "Pwede namang bukas," sagot nito.     "Magbibihis na nga ako," sabi ko sa kanya at dumiretso sa kwarto. Baka hindi ko mapigilang hindi magtanong tungkol kay Joana. Sensitive na topic pa naman iyon sa kanya.     Sinuot ko ang damit niya at naging comfortable ang lagay ko. Since parang dress na ang t-shirt niya sa'kin ay hindi na ako nag-abalang mag-shorts pa. May suot naman akong cycling kaya okay na yun. Isinuot ko rin ang tsinelas na nasa loob ng kwarto niya na para siguro sa'kin.     Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto at naabutan ko naman siyang naghuhugas ng mga pinggan.     "Gabi na," sabi ko at tumabi sa kanya sa lababo.     "Nagugutom ka ba?" tanong niya at umiling ako roon. Tumingin siya sa'kin at dumako iyon sa ibaba ko. "Ayaw mo sa short?"     Ngumiti ako at hinatak pababa ang damit. "It's fine," sagot ko. "Pero mas okay 'to."     Tumango lang siya sa'kin.     "Wag kang mag-alala, may cycling ako," sagot ko sa kanya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. But not too much. "Sobrang sipag mo," sabi ko at kinuha siya kanya ang hinuhugasan nitong pinggan.     Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ako na parang hindi makapaniwala. "Yes po, opo, marunong po akong maghugas ng pinggan."     "Wala akong sinabi," sagot niya.     "But your eyes are telling me," sabi ko. "Matulog ka na, ako na ang tatapos dito." Mabuti na lang ay naturuan ako noon ni Nanay Q at na-practice ko pa noon sa Batangas.     "Ikaw dapat ang matulog na," sabi niya at inagaw sa'kin ang kapit kong pinggan. "Malayo ang pinanggalingan mo."     Tumingin ako sa kanya at napanguso.     "Doon ka na matulog sa kwarto, dito na ko sa salas," dagdag pa niya.     Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit pa? E pwede naman tayong nasa iisang kwarto na lang. Your bed seems okay for the two of us," sabi ko sa kanya. Nakita ko kanina ang kama niya at sa palagay ko ay kasya naman kami roon.     "Hindi magandang tingnan," sagot niya. Muli akong napanguso roon. "Wag ng makulit."     Hindi na lang ako nagsalita sa sinabi niya. Ang KJ kasi nitong lalaking 'to.     Sabay kaming napalingon ni Andre nang may magsalita sa likod namin. "Natulog lang ako, may dala ka ng babae." Sa pagkaka-alam ko, siya ang Nanay ni Andre.     "Nay..." tawag ni Andre sa kanya at nagmano.     Lumipat ang tingin niya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya at agad na yumakap. I know, weird. But there's a part in me na sobrang sayang makita ko siya.     Matagal ko na siyang gustong makita dahil gusto kong i-kwento sa kanya yung mga kasipagan ni Andre. He derserved the recognition.     Naramdaman ko naman ang marahang pagtapik niya sa likod ko. Humiwalay ako sa kanya at ngumiti kapagkuwan.     "Sino siya?" tanong ng Nanay niya. Pinagmasdan ko ang hitsura ng Nanay niya. Magkasing-age lang siguro sila ni Mommy but she looks older dahil stress ata siya, still, pretty. Mukha ngang hindi mahina ang puso niya base sa naikwento sa'ki ni Andre e. She looks so healthy.     Nakuha ni Andre ang mga mata niya. Yun lang ang napansin ko dahil mas kamukha niya si Joana.     "Nay, si Wyssa po," pagpapakilala ni Andre sa Nanay niya.     "Hello po," sagot ko.     "Anong meron?" tanong ng Nanay niya at lumingon sa'kin. "Bago ka lang ba rito? Taga-Manila ka ba?"     Tumango ako sa kanya. "Opo, Tita."     "Oh siya, mag-kape muna kayo. Maupo ka rito, hija," iminuwetsra niya sa'kin ang silya.     "Wag na, Nay. Gabi na po," sagot ni Andre kaya hindi na ako umupo. "Malayo pa ang pinanggalingan niyan."     "Ganun ba?" sagot ng Nanay niya.     "Okay lang po ako," ngiti ko sa kanya. Para naman makapag-kwentuhan kami.     "Kulit," dinig kong sinabi ni Andre.     Napangiti si Tita. "Nako, bukas na nga lang. Mukhang may nagagalit na ryan."     Ngumiti rin ako at tiningnan si Andre. "Sige po, Tita."     "Ikaw na ang bahala sa bisita mo ah?" sabi ni Tita. "Ang bawal ay bawal, Andre. Rinig ko kayo dahil nasa kabilang kwarto lang kami."     "Nay!" sigaw ni Andre at ako naman ay nag-eenjoy sa pang-aalaska sa kanya ni Tita.     "Sige na, good night sa inyo," she waved a little before going back to their room.     "Matulog na," napatingin ako sa tabi ko.     "Opo," sabi ko sa kanya, mocking him. Pumasok ako sa loob ng kwarto at sumunod naman siya sa'kin. Nang makita kong muli ang kama niya ay kinilig ako sa isiping katabi ko siyang matulog ngayon. Pero ang KJ kasi ng isang 'to kaya mukhang hindi mangyayari.     Umupo ako sa kama at pinakiramdaman iyon. Hindi siya sobrang lambot at hindi rin sobrang tigas. Sakto lang iyon para makatulog ako.     "Kuha lang akong unan," sabi ni Andre at kinuha ang isang unan at ang kumot sa cabinet niya.     "Pwede naman kasi tayo ritong dalawa," sabi ko pa at tumayo mula sa pagkakaupo.     "Malaki na tayong dalawa," sagot niya.     "What's wrong? May malisya ba?"     Humarap siya sa'kin na parang hindi makapaniwala. "Oo." Muli siyang tumalikod at inayos ang pinagkuhanan sa cabinet. "Lalaki pa rin ako."     Hindi ko alam pero napangiti ako roon. Does it mean na gusto niya rin ako?     "Pwede namang lagyan ng unan sa gitna, like what they do, sa movies," dagdag ko. Tapos kinaumagahan, wala ng silbi ang unan na iyon.     I smiled at that.     "Wag na nga," pero mukhang mapilit siya at sinisira ang mga pantasya ko.     "Fine!" sabi ko na medyo padabog. Napalingon siya sa'kin at kinuha ko ang unan at kumot na kapit niya. "Since, this is your own room, ako na lang ang sa salas." I immediately marched outside his room.     Ako naman ang bisita kaya okay lang naman sa'kin. And besides, he wasn't expecting any thing of this dahil binigla ko siya. Hindi rin naman ako nagtanong for permission.     Inilagay ko ang unan sa wooden sofa at doon ay humiga. It kinda hurt my back pero okay na 'to kaysa naman walang matirhan.     Natulakbong ako ng kumot at ipinikit ang mga mata. Seconds passed ay nakaramdam agad ako nang may umupo sa paanan ko.     Tinanggal ko ang kumot at nakita kong nakatingin sa'kin si Andre. Kumamot ito sa batok niya na parang napipilitan sa gagawin.     Umupo ako at hinarap siya. "What?"     Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. "Tara na."     I was pretending I didn't know what he means, kaya nagtanong ako. "What's that?"     Nakita kong napakagat siya sa labi niya at hindi iyon nakalampas sa paningin ko. Napapangiti na ako pero pinipigilan ko iyon.     "Matutulog," he simply answered.     "Oo nga, matutulog na nga ako," sagot ko at iminuwestra sa kanya ang kumot at unan.     "Ang ibig kong sabihin, tayo. Sa kwarto."     That's it! He said it already!     "Tayo?" tanong ko pa.     Dahan-dahan siyang tumango na para bang hindi sure sa ginawa niya. Mukha siyang nahihiya but for the sake of my back, ginawa na niya.     Ngumiti ako ng malawak at agad tumayo. Kinuha ko ang unan at kumot. Tumayo na rin siya.     "Papayag ka rin pala," pang-aasar ko sa kanya at hindi man lang siya nag-react doon. Sabay kaming pumasok sa kwarto niya pero nauna akong sumalampak sa kama.     I watched him as he was taking his steps towards me. Hindi pa siya humihiga ay kinikilig na ako. And when I felt he did it, I was screaming in my head.     Ito ang unang beses na may tumabing lalaki sa pagtulog ko. My Dad never did and so Shane.     Nang makahiga ay doon ko naramdaman ang katahimikan sa'min. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming natahimik. Hindi ko rin alam kung tulog na ba siya. Nakatakip kasi ang braso nito sa mukha niya. Like he was hiding it on purpose.     "Andre?" I called. "Gising ka pa?"     "Oo," sagot niya. Humarap ako sa kanya at muli ay hindi na naman ito nagbigay ng kahit anong reaksyon.     Pinagmasdan ko lang ang mukha niya at ang pagtulog niya. Sobrang peaceful ng mukha niya. Ang tangos ng ilong and his lips. It looks very tempting.     "Wag mo kong titigan," sabi niya. Medyo nagulat ako roon dahil alam niya pala. But I managed to smile.     "You knew?" tanong ko.     "Ramdam ko," sagot niya at napatango-tango ako. Bumalik ako sa pwesto ko at tumingin sa taas namin.     "Ano nang mangyayari ngayon?" tanong ko. "It's my first time doing this in my whole entire life."     I felt him move but I didn't bother to look at him.     "Hindi ka sanay sa buhay mahirap," komento niya. Hindi ko pa naikukwento sa kanya ang totoong nangyari. But I think he got the idea and it was nice that he's not asking anything for the mean time.     "I have you," sagot ko at lumingon sa kanya. His arm was still on his face.     "Wag kang masyadong umasa at magtiwala sa'kin," sagot niya.     "Bakit?" tanong ko. He paused for a while. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay siya.     "May mga bagay ka na kailangan mo, na alam kong hindi ko kayang ibigay." Hindi ko alam kung may pinaghuhugutan siya. Pero naramdaman kong it was Andre, telling me this drama.     Bahagyang kumunot ang noo ko. "Tulad ng ano?"     He looked at me, then answered. "Pagmamahal."     Kinaumagahan, nagising akong wala na sa tabi ko si Andre. Kinusot ko ang mga mata ko at napansing malinis na ang hinigaan niya sa tabi ko.     My mood was great not until last night when he said that word.     Bumangon ako at niligpit ang sariling hinigaan na hindi ko naman ginagawa noon dahil may tagapag-linis ako ng kwarto. Siguro ngayon ay kailangan ko ng matuto mag-isa.     Matapos iyon ay lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakaupo sa lamesa ang mga kapatid ni Andre at si Tita naman ay naghahanda ng pagkain. "Good morning po," bati ko sa kanila. Halata ang gulat sa mga mata nila Joana. Si Tita naman ay ngumiti. Lumapit ako sa kanya at bumeso.     "Girlfriend ka ni Kuya?" tanong ng lalaking kapatid ni Andre. Hindi agad ako nakasagot.     "Kaibigan lang," si Tita na ang sumagot para sa'kin. I bitterly smiled at that. It was true but it hurt. "Pero mas maganda siguro kung girlfriend nga."     Tumingin ako kay Tita na ilagay ang fried rice na niluto niya sa lamesa.     "Napakailap kasi sa mga babaeng niyang panganay ko," sabi ni Tita. "Alam mo bang ikaw palang ang nadadala niyan rito sa bahay na 'to?"     I wanted to give them my genuine smile but my mood was not so great.     "Uhm, nasa'n po si Andre?" tanong ko, changing the topic.     "Nasa likod," sagot ni Tita.     "Puntahan ko lang po," paalam ko at ngumiti sa kanila. Si Tita naman ay tumango lang. Naglakad ako papuntang likod bahay nila pero agad ding napatigil nang makasalubong ko si Andre.     Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala na naman siyang suot na pang-itaas. Sobrang lapit din naman sa isa't isa kaya amoy ko ang mabangong sabon nito.     "G-good morning," nakatingala ako sa kanya dahil sobrang tangkad niya.     "Good morning," he replied and then passed beside me.     Napatigil ako roon. Muntik na niya akong hindi pansinin kung hindi ko pa siya binati.     And I haven't wash my face yet! Sa gaanong kalapit namin kanina ay hindi na ako magtataka kung naamoy niya ang hininga ko. Geez, Wyssa!     Inantay ko na lang siya sa salas at nakipag-usap kay Tita at sa mga kapatid niya matapos kong maghilamos ng mukha. I even brushed my teeth.     Naupo ako sa sofa at kinakalma ang sarili ko dahil naghuhuramentado na naman ang dibdib ko dahil nakita ko na naman ang abs ni Andre.     "Kumain na tayo," sabi ni Tita at agad na pumwesto sila Joana. Pero inalalayan pa siya ng kapatid niya. Mahina siya ngayon at mukhang nasasaktan. "Kain na, hija."     Naglapag si Tita ng itlog na pula sa lamesa at may kasama itong fried rice pati na rin kamatis. Hindi na bago sa'kin ang ganitong pag-kain dahil madalas kapag summer outings namin ay ganito ang mga kinakain namin.     "Sige po," sagot ko at nakisalo sa kanila. Nagbibihis pa naman si Andre kaya mamaya siguro ay sasalo na rin siya.     "Saan ba kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong ni Tita habang kumakain kami. Inaalalayan niya rin si Joana sa pag-kain niya. Na-miss ko tuloy si Shane.     "Nagbakasyon po ako kasama ng mga kaibigan ko sa probinsya, tapos nakilala ko po siya," kwento ko.     She smiled and then nodded. "Mabuti at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kayo."     "Makulit po kasi ako," sagot ko and then smiled. Napadako ang paningin ko kay Joana at ang tamlay ng hitsura niya. Konti lang din siyang kumain.     Gusto ko mang magtanong tungkol sa kalagayan niya ay hindi ko magawa dahil baka hindi maging maganda ang resulta.     "Sabi ng Kuya Andre mo, mahilig ka raw magkulay," sabi ko kay Joana. Hindi naman talaga iyon sinabi sa'kin ni Andre. Naalala ko lang noon na may gustong bilhin si Andre na coloring book sa book store.     Marahan siyang tumango sa'kin at napangiti ako roon.     "Favorite niya yung gawin kahit dati pa," sabi naman ng isa pa niyang kapatid.     "Alam mo na siguro ang kalagayan ni Joana," sabi ni Tita at tumango ako.     "Naikwento po sa'kin ni Andre," sagot ko.     "Mahirap ang mahirap," dagdag niya na ikinalungkot ko. Nawala ang tingin ko kay Joana at napadako iyon kay Andre nang lumabas siyang bihis na bihis at mukhang may pupuntahan.     "Alis na ko, Nay," paalam niya at ako naman ay biglang napatayo. Iiwan niya ko rito? At wala man lang siyang sinabi sa'kin na aalis siya.     "Bakit hindi ka muna kumain?" tanong ni Tita. "Saluhan mo si Wyssa rito."     "San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.     Tumingin siya sa'kin pero saglit lang iyon. "Trabaho," he simply answered.     Akala ko ba ay wala siyang trabaho ngayon? "Without telling me?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin pero this time, hindi na siya sumagot. "Hintayin mo ako. Sasama ako sa'yo."     "Wag na," sagot niya. "Anong namang gagawin mo roon?" "Magtatrabaho," proud kong sagot. "Hindi mo ko pwedeng iwan dito." Hindi naman sa ayoko rito sa kanila. Ayokong walang gawin dahil nakakahiya naman kay Tita.     "Hindi pwede," sabi niya. "Dito ka na lang." Isinukbit niya sa balikat niya ang bag at mukhang ready na talagang umalis.     "Hindi," pagmamatigas ko. "Wait me here," sabi ko pa at pumasok sa loob ng kwarto pero agad ding napatigil.     I don't have any clothes. Nakalimutan kong nanakawan nga pala ako.     Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Nakita ko si Andre na nakasandal siya pintuan. "Sabi ko sayong wag ka ng sumama e."     Napanguso ako. Mukhang wala na nga akong choice.     "Fine," malungkot kong sagot. Pumasok naman si Tita sa kwarto na may dalang damit at pantalon, kung hindi ako nagkakamali.     "Gamitin mo muna," iniabot niya sa'kin ang mga iyon.     I smiled at her at kinuha ang binigay niya. "Thanks, Tita."     "Kasya naman siguro sa'yo yan," sabi pa niya at tumango ako.     Napakamot naman sa ulo si Andre. "Kunsintidor," sabi ni at nakatanggap siya ng palo sa braso galing kay Tita.     Napatawa ako.     "Wala lang akong maipapahiram na sapatos. Mukhang mas malaki ang paa mo," she said then looked at my feet.     "Okay lang po," sagot ko. "I have my heels naman po." Okay na siguro 'yon. White short sleeves naman ang binigay niya saka fitted black jeans. Hindi naman masamang tingnan.     "Heels?" tanong ni Tita.     I looked over Andre and he seemed very disappointed. "Wag na nga talaga."     "I can," pilit ko. "Okay lang."     Napatawa si Tita dahil sa kakulitan siguro namin.     "Kayo na ang bahala dyan," sabi niya at tinapik ang likod ng anak at lumabas na ng kwarto.     Naiwan kaming dalawa rito sa loob. "What?" tanong ko nang nakatingin lang siya sa'kin.     "Kulit mo," he answered.     "I know," umirap ako sa kanya. "Shoo! Magbibihis na ko!" I heard him tsked before leaving the room. Kasalanan ko bang pinahiram ako ni Tita ng susuotin?     Nang makalabas siya ay inamoy ko ang sarili ko at hindi naman ako mabaho. May pabango naman akong dala at okay na yun.     Matapos magbihis ay nag-apply lang ako ng konting tint sa lips and I'm ready to go. I looked at myself over the mirror. Mukha akong papasok sa office dahil sa suot ko. Pero okay lang naman.     Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong nakaupo si Andre sa sofa at nakikipagkwentuhan sa mga kapatid niya. I smiled when I saw him smiled.     He told me once that family comes first and I get it now.     "Let's go," sabi ko, interrupting their fun conversation.     Tumayo si Andre. "Alis na po kami, Nay." Nagpaalam din ako kay Tita at kumaway kila Joana.     "Mag-iingat kayo," sabi ni Tita bago kami makalabas ng bahay nila.     Halata ang mga tingin sa'min ng mga kapit-bahay nila Andre. Ito siguro ang unang beses na makakita sila ng ibang babae sa bahay nila.     Hindi ko na lang iyon pinansin at kinausap ko na lang si Andre para mawala ang atensyon ko sa kanila.     "Akala ko ay wala kang trabaho," sabi ko sa kanya.     "Iba naman ngayon," sagot niya sa'kin at kumaway sa tricycle para makasakay kami.     "Okay," I answered and then una nang sumakay sa loob ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD