Tanghali na nang makauwi kami. Ipinahatid ko muna si Winona sa kompanya bago kami umuwi sa bahay. Pagkarating sa bahay ay hindi ko na nagawang kumain dahil hindi pa umuuwi sila Mommy at wala na naman akong ganang kumain. Dumiretso na lang ako sa kwarto at doon ay nakipag-usap kay Andre sa tawag. Matapos naming mag-usap ay natulog muna ako.
Nagising ako nang maramdaman ang isang tapik sa balikat ko. "Wyssa..."
Nagmulat ako ng paningin at tiningnan kung sino iyon. "Dad," sabi ko at umupo sa kama. Ngumiti siya sa'kin. "Why, Dad?"
"Get ready for family dinner," sagot nito. Tumingin ako sa bintana at gabi na nga.
"Okay po," sagot ko at natahimik kami. Nakatingin lang siya sa'kin na parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya.
"Dad?" tanong ko.
Kinapitan niya ang kamay ko. Napatingin ako roon at hinaplos niya ito. "Kung ano man ang ginagawa namin, Wyssa, always remember na para iyon sa ikagaganda ng buhay mo."
Kumunot ang noo ko roon dahil nawi-weirdan na talaga ako sa kanya. "Y-yes, Dad," I managed to answer.
Muli siyang ngumiti sa'kin at ginulo ang buhok ko. "That's my daughter."
Makalipas ang isang oras ay natapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Nagsuot ako ng kulay lavander na dress na binili namin kanina ni Winona. Nakasuot rin ako ng heels at hinayaang nakalugay ang medyo kinulot na buhok.
Bumaba na ko ng hagdanan at ako na lang pala ang hinihintay nila. Iisang sasakyan lang ang sinakyan namin para makarating sa isang fine restaurant na madalas naming kinakainan noon.
Nang makarating kami ay nauna nang bumaba sina Mommy at sumunod naman kami. Pumasok kami sa restaurant at agad na dinaluhan si Mommy ng isang waiter. Itinuro nito ang reserved table para sa'min.
Sinalubong si Mommy ng isang lalaki. Hindi ko ito masyadong makita dahil nakatalikod siya sa'kin. Matapos nitong batiin si Daddy ay bumaling ito sa'kin at nagulat ako nang makitang si Mr. Quintos pala ito.
I managed to smile kahit sobra ang pagtataka kung bakit siya nandito.
Dumiretso kaming naupo sa 8-seater table. Wala roong kasama si Mr. Quintos pero may reserved space sa tabi niya.
"Sorry for being late," sabi ni Mommy at naupo siya sa tabi ni Dad.
"It's okay," ngumiti si Mr. Quintos.
"By the way, kilala mo na naman ang mga anak ko hindi ba?" tanong pa ni Mommy.
Binigyan kami ng tingin ni Mr. Quintos. Kami ni Chloe ay ngumiti lang habang si Shane ay kumaway pa. "Oo naman."
Tumingin ako kay Chloe dahil sobra talaga akong nagtataka. Sabi ni Mommy ay family dinner daw ito. Pero anong ginagawa rito ni Mr. Quintos?
Nagkibit-balikat sa'kin si Chloe at parang ipinahihiwatig sa'kin na wala rin siyang ideya sa mga nangyayari.
"Uhm, Wyssa," tumingin ako kay Mommy. "You're not supposed to seat there."
"Po?" tanong ko, naguguluhan.
"You sit there," utos nito at itinuro ang upuan sa tabi ng bakanteng upuan. Bali ang bakanteng upuan ang nasa pagitan namin ni Mr. Quintos.
Naguguluhan akong tumayo at sinunod ang utos ni Mommy. Umupo ako sa itinuro niya at pinirmi ang sarili. This is getting weirder and weirder. Really.
"Nasan nga pala nag unico hijo mo?" tanong ni Mommy kay Mr. Quintos. "Aren't you came together?"
Napatingin ako kay Mr. Quintos at hinihintay ang sagot niya. So, kasama nila pala ang anak nito and I guess, hindi ito family dinner. It's a business dinner. Great.
"He went to comfort room," sagot ni Mr. Quintos. "Oh, he's here," Itinuro niya ang direksyon sa likod ko. Hindi ako nag-effort na lumingon dahil ano namang pakialam ko. Sobrang daming ng tanong sa isip ko at mahirap nang madagdagan ulit.
"I'm sorry," sabi ng isang boses ng lalaki. Napansin kong lumapit ito kay Mommy at bumeso. Pati na rin sa Daddy ko. Matapos ay umupo siya sa tabi ko at doon ko na siya napansin.
Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang mukha niya. He's the guy! Siya ang anak ni Mr. Quintos?!
Gulat din ang nabasa ko sa pagkakatingin niya sa'kin. Mukhang hindi niya inaasahan na magkikita kami rito. Well, me too!
"You guys are seemed to be fascinated to each other. Have you ever meet before?" tanong ni Mommy. Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at itinuon ang paningin sa kubyertos sa harapan ko.
"Yes, Tita," sagot ng lalaki sa tabi ko. "I know her."
"Oh, great!" komento ni Mommy at naramdaman ko ang tingin niya sa'kin. Kilala niya ako, oo. Pero hindi ko siya kilala, by his name.
"No, I don't," sagot ko habang nakatungo. Saktong dumating ang mga pagkain kaya nawala ang tingin nila sa'kn. Nakahinga ako roon ng maluwag.
Matapos mailapag ang mga pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain lahat. Si Daddy ang umaalalay sa pag-kain ni Shane.
"So," napatingin kami kay Mommy. "I think this is a great opportunity for you to meet him." Tumingin sa'kin si Mommy at para sa'kin talaga ang sinabi niyang iyon.
Alanganin akong tumango at uminom ng wine sa gilid ko.
"Since, hindi mo kilala ang anak ni Mr. Quintos, kindly introduce yourself, hijo," dagdag pa ni Mommy at tumingin sa lalaki sa tabi ko.
"Sure, Tita," sagot nito at bumaling sa'kin. Tumingin ako sa kanya at siya ay ngumiti lang. Ito ang unang pagkakataon na makikilala ko siya sa pangalan niya.
"Samson Quintos. Pero Sam na lang," sabi niya at inilahad ang kamay.
Sam.
Kinuha ko ang kamay niya at inabot iyon. "Nice to meet you," sabi ko. Nice nga ba?
Ngumiti siyang muli sa'kin at binawi ko ang kamay ko at nag-focus na lang sa masarap na pagkain sa harapan ko. Nagugutom nga ako dahlil hindi ako nakakain kaninang tanghalian.
"Nga pala, naikwento sa'kin ni Sam na school mate sila," sabi ni Mr. Quintos at uminom sa wine niya.
"Really?" Mom looked at me kaya tumango ako. "How come you didn't know him?"
"Magkaiba po kami ng course," sagot ko sa kanya. Hindi ko naman siya laging nakikita sa school. Minsan lang, kapag malas ang araw ko.
"What's your course?" tanong ni Mommy sa lalaking katabi ko. Kami kami lang ang nag-uusap dito at mukhang walang pakialam sila Daddy sa'min dahil hindi naman sila nagsasalita.
"Business po," nakangiti niyang sagot.
"Wow," comment ni Mommy. Proud namang tinapik ni Mr. Quintos ang balikat ng anak. "That's great. Wyssa's in arts."
"I know that, Tita. I've seen one of her paintings. It's good," sabi ni Sam at simpleng tumingin sa'kin.
"T-thanks," awkward kong sagot dahil ibang level na naman ang pagiging stalker niya. Hindi ko alam kung pano niya nakita ang isa sa mga paintings ko. Hindi ko naman yun pinopost sa socials ko.
Nawala ng simpleng tingin sa'kin ni Sam nang magsalita si Mommy. "That's great! I really can't wait for us to be an official partners with them," she shot a glance towards me.
Naguluhan ako sa sinabi niyang official partners. Hindi pa ba official si Mr. Quintos sa kompanya? And with us?
"You have plans for her," sagot ni Mr. Quintos at sa'king palagay ay ako ang tinutukoy nito.
"Of course," sabi ni Mommy at tumingin pa kay Daddy. Hinanap ni Daddy ang mga mata ko at nang magtama ang mata namin ay parang napipilitan siyang ngumiti. Ako naman ay ngumiti na lang at tumango siya kay Mommy.
"I also have a plan for my son," sabi ni Mr. Quintos at muling tinapik ang balikat ni Sam. "They will sure be a great couple."
Doon kumunot ang noo ko.
"If my son will be given a chance," dagdag niya at tumingin sa'kin. "Right, Wyssa?"
"Dad," pigil ni Sam dahil nararamdam niya sigurong hindi ako comfortable sa mga sinasabi niya. There's no way na pagbibigyan ko siya. Nasabi ko na sa kanya noon na wala talaga siyang pag-asa. Kaya nga nag-decide siyang tumigil na pero heto na naman.
May Andre na ako. Okay na ko sa kanya, sapat na siya sa'kin. At kapag pinagbigyan ko si Sam, parang inalis ko na sa buhay ko si Andre.
"Right," si Mommy na ang sumagot para sa'kin. Uminom siya sa kanyang wine habang tinitingnan ako. Naramdaman kong napatingin sa'kin si Chloe kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
Her eyes are asking me kung anong nangyayari. Simple lang ako umiling sa kanya dahil wala talaga akong ideya. Pero pakiramdam ko ay binubugaw ako ni Mommy dito kay Sam.
Napainom na lang ako sa wine ko dahil may part sa'kin na hindi comfortable dahil may mali. Alam kong may mali. Bago pa lang kami magpunta rito ay may mali na.
"So," panimula ni Mr. Quintos matapos ang mahabang katahimikin. "Kailan ang kasal?" He smiled at us like it was an enjoyable question.
Agad napaubo si Daddy at kasabay non ay si Sam.
Bumilis agad ang t***k ng puso ko at hindi ako nakagalaw sa kinauupuan. Kasal? Sinong ikakasal? Hindi kaya... ako?
Umiling ako sa isiping iyon. Hindi. Hindi pwede at hindi ako papayag. I can't control them my life!
"A-anong kasal?" nauutal na tanong ni Chloe.
"Oh?" gulat na tanong ni Mr. Quintos. "Hindi pa ba sinabi sa inyo ng Mommy niyo?"
Hindi ko siya binigyan ng tingin. Nakatungo lang ako dahil ayokong makita nila ang reaksyon ko. Hindi ko alam ang gagawin. This is so intense.
"It's Sam's and Wyssa's Wedding!" sigaw niya. Napatingin ako sa kanya at may malaking ngiting nakaukit sa mukha niya. Itinaas niya ang kamay niya na para bang may pinagmamalaki.
"What's this, Dad?" tanong ni Sam at mukhang hindi niya rin alam ang set up nila.
"W-what's so happy about that?" I managed to ask. Nagsimula nang manlabo ang paningin ko. "I can't let you control my life!" sigaw ko at tumayo sa pagkaka-upo. Kasabay non ay ang paglaglag ng tinidor sa sahig at ang pagtingin ng ibang customers sa pwesto namin.
Tiningnan nila ako at mukhang nagulat sila sa naging reaksyon ko.
"Well, I can," proud na sagot ni Mommy at uminom pa ulit sa wine nito. Hindi ako makapaniwala sa kanya! How can she do this to me?! Naiinis na ko sa kanya. She's pushing me to my limits!
"Try me," I answered back. "I can't afford to lose my life, I'm sorry." Nagmadali akong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng restaurant.
Tumayo si Mommy at ang iba ay napatayo na rin. Kinapitan niya ako sa braso nang mapadaan ako sa gilid niya.
"You're rude," sabi niya. Marahas kong binawi ang braso ko sa kanya.
"Controling my life is the rudest," sagot ko. She immediately slapped me in front of them. Napakapit ako roon. Nakaramdam ako ng konting sakit dahil mas malala ang natamo ko sa kanya noon.
Umalingawngaw ang iyak ni Shane at inalo naman siya ni Chloe.
"Don't make me mad," sagot ni Mommy at dinuro ako. "You know what I can do."
Nagsimulang manlabo ulit ang paningin ko. Namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko.
"But do you know what I can do?" I paused. Alam kong masamang sumagot sa magulang. But she's trying me! Nawawala ako sa sarili ko kapag siya ang kumakausap sa'kin. May atraso pa siya at dinadagdagan na naman niya ang mga iyon.
"I don't," sagot ni Mommy. "But whether you like it or not magpapakasal ka sa kanya."
Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. "How can you do this to me? Pano mo natitiis makitang nasasaktan ang anak mo? Are you even a mother?"
"Kung wala akong pakialam sayo, sana ay hindi kita pinalaki ng maayos!" sigaw niya. "Don't you ever, ever question my motherhood!"
Tumulo ang luha ko at tanging tingin lang ang nagawa ko. Alam kong mali ang mga sinasabi ko. I was hurt. Bakit niya kailangan gawin 'to? Hindi ko maintindihan.
"Magpapakasal ka kay Sam," sabi niya sa'kin. "And it's not a favor to ask."
I can't. I love Andre. So much.
"There's no wedding." Napatingin kaming lahat kay Sam. Kumunot ang noo ko at naging maayos kahit papano ang pakiramdam. Pero knowing him na siya ay may gusto sa'kin, bakit?
"Sam, didn't we talk about this already?" di makapaniwalang tanong ni Mr. Quintos.
"Yes!" sagot ni Sam, anger was written all over his face. "Pero hindi ko alam na si Wyssa ang papakasalan ko."
He should be happy, but he wasn't. Nakahinga ako roon ng maayos.
"You love her," Mr. Quintos said.
"But she doesn't love me. I can't marry someone who doesn't." Tumingin sa'kin si Sam. Nakita ko ang mga mata niya puno ng sakit. Napatungo na lang ako at hindi nakaimik. May kaunting kumirot sa puso ko at hindi ko alam kung anong dahilan.
Natamaan ako at hindi ko naiwasang umilag.
"Set aside your feelings. It can change," pagpupumilit ni Mommy. "For the company."
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "You're too selfish, Mommy. Kahit anong mangyari, hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto." Sumulyap ako kay Sam at napaiwas siya ng tingin sa'kin.
"Wyssa..." sabi ni Dad. Napatingin ako sa kanya.
"And you, Dad?" tanong ko. "You knew this?"
"Wyssa, anak," nilapitan niya ako at akmang kakapitan ang kamay ko pero inilayo ko iyon.
"All along, Dad. Akala ko kakampi kita," humikbi ako. "Alam mong hindi ko 'to gugustuhin, diba? Pero pumayag ka."
"I didn't," sagot niya. Kaya pala may sinabi si Daddy sa'kin kanina. Kaya pala ganoon ang mga tinginan nilang dalawa.
"It's because of me," sabat ni Mommy. "I pushed him."
Napatango-tango ako. "Why?"
"I can't let you to be with that poor bastard," sagot niya. Nag-init ako roon. "Mas mabuting magpakasal ka sa lalaking kaya kang buhayin."
Muling tumulo ang luha ko. I was so hurt! Sa lahat ng usapan ay nadadamay si Andre. Wala siyang ginagawang masama! He's so kind para masabihan ng mga ganito!
"You know nothing, Mommy," sabi ko.
"Uhm," pigil ni Mr. Quintos. "I guess, it's better to talk about this next time. Pinagtitinginan na tayo."
Parang nagsalita lang siya sa hangin dahil hindi nagpapigil si Mommy.
"If you'll marry and be with that bastard - " hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.
"Well, that's better," sagot ko at umalis sa loob ng restaurant. Hindi ko na kayang patagalin ang tingin sa'min ng mga tao.
Masyado na 'kong nasaktan ngayong araw na 'to.
Lumabas ako sa restaurant nang umiiyak. Sobrang sama ng loob ko sa kanila. Kung kokontrolin lang din naman nila ang buhay ko ay lalayas na lang ako. Hindi ko kayang maatim na pakialaman nila ako.
Humahangos akong pumara ng taxi at sumakay sa loob pero natigil ako nang may kumapit sa braso ko. Tumingin ako roon at nakita kong si Sam ito.
"You hurt me again for the second time around," nakatungong sinabi niya sa'kin. Nanlabo ang paningin ko. Parehas lang naman kaming biktima rito.
Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko. "I-I was so close to befriending you. So close," sabi ko. Pinunasan ko ang mga luhang dumadausos sa pisngi ko. "Walang kasal na magaganap, Sam."
Sumakay na ako ng taxi at pinabilisan ko iyon sa driver. Umiyak lang ako sa loob ng taxi hanggang sa mabilis kaming nakarating sa bahay. Agad akong nagbayad at agad ding bumaba sa taxi patungo sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha ng bag na sapat na para sa mga damit ko.
Umiiyak akong kumuha ng mga damit at bahagyang nahihirapan dahil sa panlalabo ng mga mata ko. Inilagay ko sa ibang bag ang mga kailangan kong dalhin para mabuhay na hindi sila kasama. Phone, charger, wallet at lahat ay dinala ko sa ibang bag.
Sa mahigit dalawang dekada na nabubuhay ako rito sa mundo, ngayon lang ako magrerebelde sa mga magulang ko. Hindi ko talaga kayang sikmurain na pakialaman nila ang buhay ko. At ito lang ang nakikita kong paraan para malaman nila kung anong kayang kong gawin. Si Andre na lang ang pag-asa ko.
Napaupo na lang ako sa sahig nang manlumo sa mga nangyayari. Umiyak ako roon at tinakpan ko ang aking mukha. May part sa'kin na natatakot sa gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nagawa ko na. Natatakot ako.
Medyo nagsisisi ako dahil nabuhay at lumaki ako sa isang mayamang pamilya. Kung saan pwede ka nilang ipakasal sa hindi mo mahal para lang sa ikagaganda ng kompanya. Ayokong maging biktima ng ganoon. Gusto kong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa'kin. Gusto kong hayaan nila akong magdesisyon sa buhay ko.
Pinunasan ako ang mga luha ko at tumayo sa kinauupuan ko. Huminga ako ng malalim at isnukbit ang bag na dadalhin ko. Nasa tamang pag-iisip naman ako ngayon kaya gagawin ko 'to. Alam kong hindi ako nadadala lang sa emosyon.
Nagmadali akong lumabas ng bahay at sinigurado kong walang nakakita sa'kin na kahit na sino. Nakalabas na 'ko ng gate nang mapatigil dahil sa sasakyan sa harapan ko. Lumabas dito si Chloe at mukhang nagmamadali.
"Ate..." tawag niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako palayo pero pinigilan niya ako. "Saan ka pupunta?"
"Aalis ako. Ayoko na rito, Chloe. Ayokong makulong sa kanila," umiiyak kong sagot. "Kaya, please. 'Wag mo kong pigilan dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung matutuloy ang kasal."
Tumulo ang luha ni Chloe at natigilan siya sa sinagot ko. "You love him, don't you?"
Walang alinlangan akong tumango. Hindi ko kayang i-deny si Andre. Mahal ko siya.
"Then, I won't stop you," Napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala. Napaiyak na lang ulit ako dahil naging kakampi ko siya hanggang ngayon. "Pero saan ka pupunta?"
"K-kila Andre," sagot ko. "Sa province."
"What?" di makapaniwalang tanong niya. "That far? Are you sure you're gonna be okay?"
"I can't here in Manila," sagot ko. "Gusto kong malayo sa mga magulang natin."
Tumango siya sa'kin at lumapit. Niyakap niya ako at ganon din ang ginawa ko sa kanya. "Take care, Ate."
Tumango ako. "Thank you." Lumayo kami sa isa't isa.
"Wag mong sabihin sa kanila ang mga alam mo," sabi ko.
She smiled at me and I smiled back.
"I'll see you soon?"
"Soon," tumalikod na ako palayo sa kanya at mabilis na umalis sa labas ng bahay.
Nang makalayo ay agad akong pumara ng taxi at nagpababa sa bus terminal. Sa terminal ay hindi ko alam kung saan ako sasakay sa daming bus na nandito.
"Kuya," kinuhit ko ang lalaking nagsusulat sa isang bus ticket. Lumingon siya sa'kin.
"Bakit, ne?"
"Uhm, saan po rito ang bus papuntang Laguna?" tanong ko.
"Saan ba sa Laguna?" tanong niya. Hindi ako roon nakasagot dahil hindi ko alam kung saan nga ba siya sa Laguna.
"Ahh."
Kumamot sa batok niya si Kuya. "Nako, ne. Mahihirapan tayo niyan," sabi niya. "Pero sige, doon ka sumakay sa Sta. Cruz at ibababa ka na lang namin sa SM Calamba."
Kahit hindi ko alam kung saan ang mga sinasabi niya ay tumango ako at pumasok sa isang bus na may karatolang 'Sta. Cruz.'
Naupo ako sa gitnang bahagi ng bus at naghintay lang na mapuno ang bus at makaalis na. Agad nag-ring ang phone ko at nakita kong si Daddy ang tumatawag. Pinatay ko ang tawag niya at nakita ang mga messages niya roon. May isang tawag sa'kin si Mommy at ang iba ay si Winona at Daddy na. Texts lang ni Chloe ang tiningnan ko pero hindi ako nagreply. May isang unknown number din pero hindi ko iyon pinansin.
In-off ko na lang ang phone ko dahil baka ma-track nila kung saan ako pupunta. Ayokong sundan nila ako at hatakin pabalik sa Manila.
Naiiyak na naman ako sa mga ginagawa ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng mag-isa. Nakakalungkot.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay ginising ako ng isang lalaki dahil nakatulog pala ako.
"Nandito na sa Calamba," sabi ni Kuya na kausap ko kanina. Inilibot ko ang paningin ko at ang ilang pasahero ay nagbababaan na rin. Kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba sa bus.
"Salamat, Kuya," sabi ko bago ang bumaba. Naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. May mga ilang nakasalubong akong pasahero na sasakay ng bus kaya tumabi ako sa kalsada. Binuksan ko ang phone ko at napag-alamang alas-dose na pala ng madaling araw.
"Ang haba pala ng binyahe ko," sabi ko sa sarili at tumingin sa paligid. Kanya-kanya ng alis ang mga pasahero patungo sa iba't ibang direksyon. At makalipas ang ilang minuto ay ako na lang ang mag-isa sa ilalim ng puno. Bihira na lang din ang mga dumadaan na sasakyan.
Ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Sa ilalim ako ng puno sumandal at nagsimulang tumunog na naman ang phone ko dahil sa mga texts nila. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at itinuon ang pansin sa paligid.
Itetext ko na sana si Andre nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Tatlo silang bata na mukhang mga batang lansangan.
"Hi, Ate!" Kumaway ang isang bata. Ako naman ay ngumiti lang sa kanilang tatlo. "Mag-isa ka lang?"
Tumango ako at napansin ko ang mga suot nilang rubberband sa mga wrist nila. Napansin ko ring marurumi ang mga kuko nila.
"Oo e," sagot ko.
"Ah, Ate, mukhang mabigat yang dala mo ah?" tanong naman nung isa. "San ba ang punta mo? Gusto mo tulungan ka na namin?"
Ngumiti ako roon dahil ang bait naman nila. "Wag na. Kaya ko," sagot ko.
"Sige na, Ate," sabi nung batang pinakamatangkad sa kanila. Lumapit siya sa bag kong puno ng mga damit. "Mukhang mabigat oh," marahan pa niya itong binuhat.
"No, I'm okay," sagot ko.
"Ay wow! Englishera! Mayaman ka siguro, no?" Hindi ako roon sumagot at kinuha ang bag ko sa kamay nung bata pero ayaw niya itong bitawan.
"Sige na," tango nito sa mga kasama niyang bata at lumapit sila sa'kin. Pinaltik ako sa braso ng isang bata kaya nawala ang pagkakakapit ko sa bag ko. "Takbo!"
Nanlaki ang mga mata ko at agad napasigaw. "Hoy!" Hinabol ko sila sa direksyon kung saan sila pupunta. "Ibalik niyo sa'kin yan!"
Mabagal ang naging pagtakbo ko dahil naka-heels pa ako. Nang nakakalayo na sila ay tinanggal ko ang isang heels ko at ibinato iyon sa kanila. "Mga magnanakaw! Bwiset!" sigaw ko pero bigo akong matamaan sila ng heels ko.
"Mga bwiset," iyak ko at napaupo sa sahig. Tiningnan ko sila at unti-unting nawawala sila sa paningin ko. "Bwiset! Bwiset!"
Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na tumayo. Iika-ika akong lumakad para makuha ang heels ko.
Napakamalas ko ngayong araw na 'to. Naiinis ako! Hindi ako akalain na ang mga batang iyon pa ang magkakaron ng lakas ng loob para magnakaw. Mabuti na lang at wala roon ang wallet ko pati na rin ang phone ko.
Nang makuha ko ang heels ko ay umiiyak akong di-nial ang number ni Andre.
Ilang ring lang ay agad na may sumagot sa tawag. "Andre," umiiyak kong tawag sa kanya.
[Bakit ka umiiyak?] tanong niya.
"N-natatakot ako," sabi ko sa kanya. "N-nandito ako sa Calamba, Andre. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
[Ano?!] gulat niyang tanong.
"N-nanakawan ko," iyak ko sa kanya. "I'm scared. Please, Andre, puntahan mo ko rito, please."
[Dyan ka lang, Wyssa. Papunta na ko]
Tumango ako sa kanya kahit hindi niya iyon kita. Kahit papano ay napanatag ang loob ko dahil pupuntahan niya ako. Sobrang laking pasasalamat ko talaga sa kanya.
Walang sabi sabing pinatay niya ang tawag. Pinunasan ko ang luha ko at bumalik doon sa puno para makasandal. Hindi ko na nabilang ang oras at maya-maya pa ay nakita ko na si Andre na papunta sa direksyon ko.
Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Agad akong lumapit sa kanya at sinalubong siyang yumakap. Naramdaman kong yinakap niya rin ako at doon ako umiyak sa mga bisig niya.
"I was scared," iyak ko sa kanya.
"Shh, nandito na ko." Hinagod niya ang buhok ko.
Tumango ako at humiwalay sa kanya. Kinapitan ko ang pisngi niya at bahagyang lumapit.
"You're all I have, Andre," sabi ko. "Don't leave me, I love you."
I smiled at what I said but he looked away.