Oh, god.
Nakahinga ako ng maluwang nang mapagtantong si Chloe lang pala ito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kany. "You scared me to death!"
"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan," sagot niya. "Anong ginagawa mo rito, Ate?"
Ipinakita ko sa kanya ang phone ko. "Kinuha ko 'to. Luckily, hindi siya dala ni Mommy sa office niya."
"Pa'no kung malaman ni Mommy na kinuha mo?"
Nagkibit-balikat ko. "Hindi ko alam. At saka nandito naman si Daddy." Kontento na ako na ipagtatanggol ako ni Daddy kay Mommy.
"Okay," tango niya sa'kin. "Anyway, nasa baba na si Mommy at pinapupuntahan ka sa kwarto mo para makapag-dinner na."
"God," bulong ko. "Buti na lang hindi ako naabutan dito."
"Right, kapag naabutan ka non ay siguradong masasampal ka na naman," sagot niya. "Wala ka sa kwarto mo at nakita kong bukas ang pinto ng kwarto nila Mommy."
Nakahinga ako ng maluwang doon dahil buti na lang si Chloe ang nakaabot sa'kin. Thank God.
"What's that?" Sinundan ko ang tingin niya at napag-alamang sa kapit kong litrato siya nakatingin.
Itinago ko kaagad ito sa likod ko. "W-wala."
"What?" tanong pa niya. "Patingin nga."
"No!" Inilayo ko ito at agad na ipinasok sa wooden box. Isinara ko ito at ibinalik sa dating kinalalagyan nito.
"Ano nga yon?" pangungulit niya.
"Box," sagot ko. "Doon ko nakita yung phone ko."
"Yung kapit mo?"
"Some paper," kinapitan ko siya sa braso para makaalis na kami. Itinabi ko muna ang phone ko sa likod ng bulsa ng short ko.
"You're weird," komento niya. Ewan ko ba. Parang may part sa'kin na ayaw ipaalam sa kanya ang picture na iyon. Kahit hindi ko alam kung anong meron don ay pakiramdam ko ay meron iyong kwento.
Bumaba na kami sa hagdanan at bigla kong naalala yung sinabi ni Daddy na umiyak si Chloe nung nagsumbong siya.
"Thank you," I said out of the blue.
"For what?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "You're on my side and I thank you for that."
Ngumiti siya sa'kin, or more like ngisi? "Payment soon."
Ngumiti na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa baba. Naabutan namin sina Mommy at Daddy na nagyayakapan at mukhang miss na miss ang isa't isa. Kapwa silang nakangiti. Na-guilty tuloy ako doon sa sinabi ko kay Mommy na pinakasalan niya lang si Daddy dahil sa pera.
Naalala ko rin si Andre dahil miss na miss ko na rin ang isang yun. Yayakapin ko talaga siya nang mahigpit pag nagkita na kaming dalawa.
Nang mapansin kami ng dalawa ay agad silang bumitaw sa isa't isa. "Oh," sabi ni Mommy at si Daddy ay ngumiti lang. Bumeso kami ni Chloe sa kanilang dalawa. Ganon din ang ginawa ko kay Mommy kahit na medyo awkward sa pagitan namin.
"Kain na tayo!" sigaw ni Grandma mula sa kusina.
"Let's go," aya ni Daddy at umakbay kay Mommy. Sumunod na lang kami sa kanilang dalawa.
Pumwesto kami sa kanya-kanya naming pwesto at nagsimula nang kumain.
"Bukas na ang alis ako," sabi ni Grandma at lahat kami ay natuon ang atensyon sa kanya. "Dapat ay ihatid niyo ako."
"Opo, grandma," sagot ni Chloe. "Saka pakikamusta na lang po kami kay Uncle."
"Nga pala, I met Jaren once," kwento ni Daddy. "Nakita ko rin ang fiancee niya."
"Really?" tanong ni Mommy.
"Right, nakita ko na rin siya. She's beautiful."
Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila habang ginagabayan ko sa pag-kain si Shane. Medyo makalat kasi kumain 'tong batang 'to.
"By the way, wag na muna kayong pumasok bukas," sabi ni Mommy. "Especially you, Wyssa."
Napatingin ako sa kanya. I"m reading her but it's hard. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yes, Mommy."
Ayoko rin namang pumasok bukas. May excuse naman siguro ako dahil may record ako sa clinic.
Matapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sobrang excited na kong makausap si Andre!
Agad kong sinarado ang pinto ng kwarto at binuksan ang phone. Nakita ko ang mga texts sa'kin ni Andre pero low battery ito. Chinarge ko muna ito habang binabasa ng mga texts niya.
From: Andre <3
Nawala ka na.
From: Andre <3
May nagawa ba akong mali?
From: Andre <3
Pakisabi naman oh.
From: Andre <3
Kain kang madami.
From: Andre <3
Daming trabaho, kapagod.
From: Andre <3
Wyssa.
From: Andre <3
Miss ka na raw ni Ed.
Hindi ko alam pero napapangiti ako. Alam kong nag-aalala siya sa'kin at dapat makonsensya ako roon. Pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti. He's too sweet for me. Bakit ganon ang mga texts niya? May gusto kaya siya sa'kin? Nami-miss ko na naman tuloy siya.
Agad kong di-nial ang number niya at ilang ring pa lang ay may sumagot na rito.
"Andre," tawag ko sa kanya.
[Wyssa?] Ngumiti ako sa pagkakatawag niya sa pangalan ko. God, miss na miss ko na siya. [Anong nangyari sa'yo?]
Naiiyak ako. Sobrang saya ko lang dahil nakakausap ko na siya ngayon. Sobrang lungkot ng mga oras na lumipas na hindi ko siya nakausap.
[Pasensya na kung may nagawa akong kasalanan] sabi niya. Umiling ako roon at pinipigilan ang luha ko.
"You don't have to say sorry," sabi ko sa kanya. "Ako. Ako dapat ang mag-sorry sa'yo, Andre. I'm sorry kung naghintay ka."
[Ano bang nangyari?]
Hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin sa kanya ang nangyari. Pakiramdam ko ay deserve niyang malaman ang nangyari.
"Nagalit sa'kin si Mommy dahil sa pag-alis ako," panimula ko. "Kinuha niya ang phone ko, even my credit cards."
[Okay ka lang ba? Sinaktan ka?]
Napatigil ako roon. Sasabihin ko ba sa kanya?
No, wag na. Pinag-alala ko na siya masyado at ayoko nang dagdagan iyon. "I'm okay. And no, s-she didn't."
[Kasalanan ko 'to e]
"No," sabi ko. "Wala kang kasalanan, Andre."
[Pa'no mo nakuha ang phone mo?] tanong niya.
"Palihim ko siyang kinuha," sagot ko.
[Pa'no kapag nahuli ka at kunin na naman sa'yo ang phone mo?]
"Nandito na si Daddy. May kakampi na ako." Hindi siya roon sumagot kaya nagsalita ako. "Sorry ulit ha? Nadadamay ka kahit wala ka namang kasalanan."
Naramdaman ko ang pag-ngisi niya sa kabilang linya. Napatigil ako roon at muling sinisi ang sarili sa nangyari. Hindi niya talaga 'to deserve e.
[Syempre. Nanay mo yon e. Mahirap ako.]
"Sorry," sabi ko. Masyadong mataas ang ego ni Mommy na kahit alam niyang nakakasakit na siya ay hindi siya marunong mag-sorry. Kahit sa ginawa niya sa'kin ay wala pa akong narinig na kahit isang sorry.
[Okay lang]
Inilayo ang phone ko sa'kin at huminga ako ng malalim. Ngayong kausap ko na siya, dapat maging masaya ako, right? Dapat masaya kami.
"Ikaw?" tanong ko. "Anong nangyari sa'yo these past few days?"
[Okay lang] simple niyang sagot. Typically him.
"Where are you?"
[Laguna, bakit?]
"Wala kang trabaho?" tanong ko sa kanya.
[Wala muna sa ngayon] sagot niya. [Dinala kahapon sa hospital si Joana]
Medyo napaawang ang bibig ko. Kung hindi ako nagkakamali ay yun yung kapatid niyang may cancer. "Okay lang ba siya? What happened?"
[Okay na. Inilabas na namin siya kanina]
"What?" gulat kong tanong. "Bakit niyo ginawa yon? Mas pinapahirapan niyo lang ang kapatid mo."
[Mahirap lang naman kami] sagot niya. [Kahit gustuhin naming wag siyang ilabas, wala kaming magawa.]
Napairap ako roon. "That doesn't make any sense! May mga government hospitals naman na handang tumulong."
[Naisip ko na yan. Pero sadyang may mga babayaran talaga.]
"I'll help," sabi ko. "Let me help. Tutulong - "
[Hindi] Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. [Hindi, Wyssa.]
Bakit ba niya ayaw na tulungan ko siya? Mas mapapagaan nga yung problema niya kapag may katulong siya.
"Please?" pagpupumilit ko. "Gusto kong tumulong. Kahit wag mo ng bayaran sa'kin, okay lang."
Sadyang naaawa lang talaga ako sa kapatid niya dahil ang bata-bata pa niya ay may sakit na agad siya. Sobrang unfair ng buhay.
[Hindi]
Expected ko na iyon ang isasagot niya. Knowing Andre, ayaw niyang pinipilit siya. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit. Kapatid na niya iyon e. Pakiramdam ko ay pinagkakaitan niyang mabuhay ang kapatid niya. Pero ano bang alam ko? Wala ako sa kalagayan nila.
Hanggang sa lumalim ang gabi ay kausap ko pa rin si Andre. Natigil lang ang usapan namin nang may gagawin na siya. Naiintindihan ko naman kaya pinabayaan ko na lang.
Kinabukasan ay hindi nga ako pumasok pero maaga pa rin akong gumising dahil ihahatid namin si Grandma sa airport. Sabi kasi nila na maaga raw ang alis namin.
Bumangon ako sa kama at tiningnan ang sariling hitsura sa salamin. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na namumula ang pisngi ko. Hindi na rin ito namamaga. May sugat na lang sa gilid ng labi ko. Siguro ay ginamot din ito ng nurse nung dinala ako sa clinic.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Andre ng 'good morning'. Pero siya ay walang 'good morning' text sa'kin. Hmp! Sanay na ako roon sa lalaking iyon.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba para makapag-umagahan na. Susubukan kong kumain ng madami ngayon dahil nakakatakot pala ang mahimatay.
Nang makababa ako ay nagulat ako nang makita ko si Mommy sa salas at may kung anong inaasikaso sa laptop niya.
"Mommy," bati ko sa kanya at humalik sa pisngi. "Wala po kayong trabaho?"
"I took a day off," sagot niya.
"Okay po," sagot ko.
"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Napatigil ako roon sa kinatatayuan ko. Nakakapagtaka.
"U-uhm, yes, Mommy," sagot ko. Kumapit ako sa pisngi ko at dinama iyon. Hindi na naman masakit.
"Yung pakiramdam mo?" tanong pa niya ulit. "Nalaman kong nahimatay ka raw?" Kahit sobrang pagtataka na ang nararamdaman ko ay sumagot pa rin ako.
"I'm fine, Mommy," sagot ko.
"Hindi na kita nakausap kagabi dahil baka mag-alala pa ang grandma mo at hindi pa siya matuloy," sabi niya.
"Okay lang po." Ibang iba ang mood ni Mommy ngayon. Mukhang hindi siya galit.
"Alright, let's eat." Tumayo siya sa pag-kakaupo niya at ako naman ay sumunod sa kanya papuntang kusina. Naabutan namin doon si Daddy na naka-apron pa at hinahanda ang mga niluto niya.
Nakaupo naman sina Chloe at Shane at masayang naghihintay sa mga luto ni Daddy. Lumapit ako kay Daddy at humalik sa pisngi niya bago naupo.
"Happy breakfast!" sigaw ni Daddy na umalingawngaw sa loob ng bahay dahil sa lakas ng boses nito.
"So loud," angal ni Mommy kasabay ang pag-upo nito sa tabi ni Shane. Sabay sabay kaming kumain lahat at nakaramdam ako ng saya.
Minsan lang kami magsama-sama kapag kakain. Madalas kaming tatlo ang magkakapatid ang sabay sa pag-kain. Maswerte na lang kung sasaluhan kami ni grandma.
"May family dinner tayo mamaya," sabi ni Mommy. Tumingin ako kay Mommy at naka-focus lang siya sa pag-kain niya. Nawala ang tingin ko sa kanya at napunta iyon kay Daddy nang tumingin ito kay Mommy.
Ang tingin niyang iyon ay nagpapahiwatig na parang hindi siya sang-ayon. Kumunot ang noo ko dahil sa isiping iyon. Bakit naman aayaw si Daddy?
Nagtinginan silang dalawa at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Maya-maya pa ay napansin siguro ni Daddy na nakatingin ako kaya bumaling siya sa'kin at saka weird na ngumiti.
"Kain nang kain," sabi niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti. Nawi-weirduhan na ko sa mga tinginan nilang mag-asawa. Pakiramdam ko ay may hindi tama. Pero ano yun?
Naghanda na ako para sa paghatid kay grandma sa airport at nang matapos ay bumaba na ako sa hagdanan. Nandon na ang mga kapatid ko at nagpapaalam na sila kay grandma. Lumapit ako sa kanila. "Grandma," sabi ko sa kanya at yumakap. Hinagod niya ang likod ko.
"Mamimiss ko po kayo."
Humiwalay ako sa yakapan kapagkuwan at binigyan siya ng isang malungkot na ngiti. Wala nang mag-aalaga sa'min bukod kina Nanay Q.
"Take care, mga apo. Wag niyong pababayaan ang sarili ninyo," sabi niya sa'min. "Wyssa, ikaw ang nakakatanda, alagaan mo sila." Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas iyon.
"Opo," sagot ko.
"Kayo naman, makinig kayo sa ate niyo," dagdag niya sa dalawa.
"Yes, grandma!" sagot ni Shane. Ginulo naman ni Chloe ang buhok niya.
"Hay nako! Mamimiss ko kayong mga apo ako," muli niya kaming niyakap na tatlo at sa tagpong iyon ay saktong bumaba sila Mommy at Daddy galing sa taas.
"Ready na kayo?" tanong ni Daddy at inayos ang relo nito.
"Yes, Daddy!" Tumakbo si Shane kay Daddy at nagpabuhat.
"Let's go!" sabi ni Daddy at nauna na silang lumabas. Sumunod si grandma at si Chloe sa kanila.
"Wyssa," tawag sa'kin ni Mommy nang akmang susunod na ako sa kanila.
Lumingon ako sa kanya. "Po?"
"You stay here," sabi niya.
"Po?" nagtataka kong tanong. "Ito po ang dahilan kung bakit ako absent, hindi ba?"
"Yeah, right. Pero dadating si Winona kaya mag-stay ka na rito," sagot niya at inayos ang suot na heels.
Bagsak ang balikat ko nang tumingin ako sa kanya. "Mommy, ayoko po. Gusto kong ihatid si grandma."
"Sasamahan ka niyang mag-grocery," sabi pa nito.
"Bakit po ako? May maids naman, Mommy," sagot ko. Ayoko talaga. Nakapagbihis na ako tapos hindi pala ako isasama?
"I want you to do it," sabi niya. "Para matuto ka."
Bumuntong-hininga ako. "Pero, Mommy."
"Listen to me," sabi niya sa'kin. "Besides, darating na si Winona kaya hindi ko na yun makokontrol." Kinuha niya ang bag niya at binigay ang isang card nito.
"Yan ang gamitin mo," sabi niya. "Alam ni Winona ang mga bibilhin niyo."
Walang ganang inabot ko iyon. "Sige po."
Hindi ko na siya pinagsalita pa at umkayat na ako sa kwarto ko. Naiinis ako. Alam mo yung pakiramdam na bihis na bihis ka na pero hindi ka pala kasama? The heck.
Padabog kong isinara ang pinto ko at naupo sa kama. Napailing ako dahil asal bata ang ginagawa ko ngayon. Pero nakakainis kasi!
Habang hinihintay ko si Winona sa kwarto ko ay nagtext sa'kin si Chloe kung bakit hindi raw ako nakasama. Hindi ko siya nireplyan dahil naiinis talaga ako. Sa halip ay nakipag-usap na lang ako kay Andre. Buti nga wala siyang ginagawa kundi nabulok na ko rito.
Ilang minuto pa ng paghihintay ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at tamad na binuksan ang pinto.
"Hi Ma'am Wyssa!" Excited siyang kumaway sa'kin at tinanguan ko lang siya. "Wow! Ang ganda naman po ng kwarto mo!"
"Thanks," tipid kong sagot.
"Mahilig ka sa light blue, Ma'am?" tanong pa niya sa'kin.
"Hindi," sagot ko at hinila na siya sa braso para makaalis. "Bilisan na natin."
Hindi na siya nakaangal at sabay kaming bumaba ng hagdanan.
"Bakit parang hindi ka masaya, Ma'am Wyssa?" usisa niya. "E ako nga po halos hindi makatulog kagabi sa excitement."
Medyo napairap ako roon. Naeexcite siyang mag-grocery shopping?
"Wala lang," sagot ko sa kanya. Lumabas kami ng bahay at nagpahatid kami sa driver namin. Nagtaka nga ako kung bakit hindi si Tatay Polo pero naalala kong inihatid nga pala nila sila Mommy.
Kaimbyerna.
Buong byahe ay puro kwento ang sinasabi sa'kin ni Winona. Ako naman ay nakikinig lang at puro iling at tango ang sinasagot ko sa kanya. Ewan ko ba. Nawala ako sa mood. Gusto ko na lang matapos itong grocery shopping.
Nang makarating kami sa loob ng mall ay agad na kumunot ang noo ko nang hilahin ako ni Winona sa isang boutique. Napilitan akong sumama sa kanya habang nagtataka.
Nang makapasok ay agad siyang napasigaw nang makita ang pink na dress. Kinuha niya ito at itinapat sa katawan ko.
"Ayan, Ma'am! Bagay 'to sa'yo!" sabi niya. Ang saya saya ng mukha niya habang ako ay naiirita.
"Winona- "
"Isa pa!" Luminga siya sa paligid matapos ay umalis.
Humalukipkip ako sa pwesto ko. Bumalik siya nang may dalang color yellow na dress. Napairap na lang ako roon.
Itinapat niya ulit ito sa aking katawan. "Wow, Ma'am! Mas pumuti kang tingnan dahil dito!
"Wait lang po ha?" sabi niya pero pinigilan ko na siya.
"Winona, let's go," sabi ko. "Nagsasayang lang tayo ng oras dito."
"Ha? Bakit, Ma'am?" taka niyang tanong.
"Wala ako sa mood, okay? Mag-grocery shopping na tayo." Lumabas na ako sa boutique na iyon.
"Wait, Ma'am!" sigaw ni Winona. Hindi ko siya hinintay at naglakad ako papunta sa mart. "Ma'am Wyssa!"
Kinapitan niya ako sa braso kaya napatigil ako. "Ano bang sinasabi niyo, Ma'am?"
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Grocery shopping!"
"Po?!" gulat niyang tanong. "Ma'am, nandito tayo para bumili ng mga damit mo!"
"What are you talking about?" taka kong tanong. "Ang sabi sa'kin ni Mommy samahan mo raw akong mag-grocery. Anong sinasabi mo riyan?"
"E-eh, hindi po iyon ang sinabi sa'kin ng Mommy mo na gagawin natin," sagot niya at mas lalong kumunot ang noo ko. "Ang sabi niya po ay ibili kayo ng mga damit at ipayos ko raw po kayo."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "What?!"
"Y-yun po, Ma'am," ang kaninang masayahin niyang mukha ay biglang napalitan ng pangamba.
"God." Napasapo ako sa noo ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit kailangan akong ibili ng mga damit? May damit pa naman ako sa bahay. "Para san daw?"
"Hindi ko po alam, Ma'am e. Sorry po."
"No, it's okay," sagot ko. "Gawin na lang natin yung iniutos niya sa'yo, then," tumigil ako at napabuntong hininga. "Wag na tayong mag-grocery."
"Po?"
"Mukhang niloko ako ni Mommy."