CHAPTER 12

3105 Words
Kinabukasan ay wala akong ganang bumangon at nag-ayos para makapasok sa school. Masakit ang pisngi ako, namamaga. Mas lumala ata ang nangyari. Masakit din ang ulo ko na para bang binabakbak. Gustuhin ko mang magpahinga na lang ay ayoko namang mag-stay dito sa bahay dahil mabuburyo lang ako rito. Pinag-iisipan ko pa rin kung aalis ba ako sa bahay na 'to o hindi. Kapag aalis ako ay makakawala ako sa mga malulupit na kamay ni Mommy. Kaso hindi ko alam kung anong magandang maidudulot non sa'kin. Aalis nga ako pero hindi ko naman alam ang pwedeng kahitnan ng lahat. Nang makababa ako ay amoy ko kaagad ang mabangong pagkain na nakahain sa hapag. Pero hindi pa rin ako ginagahang kumain. Hindi rin naman siguro ako makakakain ng maayos dahil mas malala ang sakit sa'king pisngi. "Good morning, ate!" Niyakap ako ni Shane at ginulo ko naman ang buhok niya bago bumalik sa pag-kain. "Hindi ka kakain?" tanong ni Chloe nang mapansing wala akong balak maupo. Umiling agad ako. Hindi nila kasama si Grandma kaya silang dalawa lang ang maghahapunan. "Uhm, nakausap ko na nga pala si Dad. Baka makauwi siya ngayon," dagdag pa ni Chloe. Dapat ay matuwa ako, dapat masaya ako pero bakit hindi ko magawa? Ngumiti na lang ako sa kanya. "Okay." "Okay ka lang?" tanong pa niya. Sumulyap sa'min si Shane. "Medyo masakit lang ang ulo pero okay lang," sagot ko at ngumiti ulit. "Wag ka muna kayang pumasok," sabi pa niya. "I'm fine," sagot ko. "Alis na ko." Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang maglakad. Sobrang sakit ng ulo ko! Pero hindi ko magawang uminom ng gamot dahil hindi pa ako nakain. Hindi rin ako makakain dahil masakit ang gilid ng labi ko. Kapag ibubuka ko ay nababanat ang sugat kaya masakit. Habang nagda-drive ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang mga kamay ko ay minsang nanginginig sa hindi ko malamang dahilan. "God," bulong ko dahil pakiramdam ko ay bibigay ang katawan ko. Itinabi ko muna ang sasakyan dahil bigla akong nahilo. Napasapo ako sa noo at itinungo ang ulo sa manibela. "Shit." Luminga ako sa paligid at buti na lang ay may nakita akong bote ng tubig kaya uminom ako. Matapos, ay sumandal ako sa headboard. Nang maging maayos ang pakiramdam ay nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago iniandar ang sasakyan. Dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain? Gosh! Ang sama ng pakiramdam ko! Nakarating ako sa tapat ng class room na ganon pa rin ang nararamdaman. "Wyssa, kain tayo! Walang prof!" masayang bati sa'kin ni Unis. Ngumiti ako sa kanya at biglang sumakit ang ulo. Napakapit ako sa railings pero hindi iyon naging sapat. Nahilo ako at pakiramdam ko ay bibigay na talaga ako. At doon na nga ako nawalan ng malay.   Nagmulat ako ng mata sa hindi ko alam na lugar. Inilibot ko ang paningin ko at dahil don ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko. "Yes, Mrs. Santos," sabi ni Unis. Nasa paahan ko siya at nakikipag-usap sa Mommy ko. "Maayos na naman daw po siya sabi ng nurse... Sa hindi raw po pag-kain e... Sige po ako na po ang bahala... You're welcome, Tita!... Sorry po sa abala, bye!" "Unis..." tawag ko sa kanya. Napakapit ako sa noo ko dahil sa sakit na nararamdaman. "U-Unis." "Wyssa-!" Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi dahil nawalan na naman ako ng malay.   Nagising ako na nandon pa rin sa lugar na 'yon at hindi na si Unis ang kasama ko. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko siya. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina. Umupo ako para makausap siya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa'kin at agad na ngumiti. "Gising ka na pala," sagot niya. "Obviously," sabi ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Mukha naman siyang mabait pero wala talaga akong interes sa kanya. Ang pagkakaalam ko ay ang kausap ni Unis kanina ay ang Mommy ko, papano'ng siya ang nandito? "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko lang na nasa tapat ako ng room tapos nilapitan ako ni Unis. At sumakit ang ulo ko. "Obviously, you fainted," natatawang sagot niya. "What's funny?" pagtataray ko. Umiling lang siya at saka ngumiti. "Nasa'n si Unis?" "Pumasok na siya dahil may klase kayo," sagot niya. Tumango lang ako at tinanggal ang kumot na nakapatong sa katawan ko. Bumaba ako ng kama at inayos ang damit. "Alis na 'ko," sabi ko sa kanya. Napatayo siya sa kinauupuan niya at mukhang gulat siya. "Agad? You're not yet okay," sagot nito. "Why do you say so? Do I look not okay?" pagtataray ko sa kanya. "Get lost." Isinukbit ko ang bag ko at nagsimulang maglakad. "Wait!" Kinapitan niya ako sa braso kaya napatigil ako. Tiningnan ko siya ng masama at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Are you deaf?!" sigaw ko sa kanya. Sumakit ang sugat ko sa pisngi kaya napakapit ako doon. "Wyssa..." tawag niya sa'kin at mukhang nag-aalala siya. Bumuntong hininga ako. Sumobra ata ako sa kanya. "I-I'm sorry," sabi ko. "I'm just... tired." "That's okay," sagot niya. Tumango ako at nagsimula na ulit na maglakad. "Wyssa, you haven't eat your food yet!" Hinarangan niya ang dadaanan ko. Argh! This man! "May pagkain don. Kumain ka muna," sabi niya. "Ang sabi ng nurse ay dahil daw sa hindi mo pag-kain kaya kay nahimatay. You need nutrients, that's why you need to eat." "Fine," sagot ko at bumalik sa kama. Umupo ako roon at nagsimulang kainin ang lugaw na nasa side table. Pagod na pagod na ako kaya hangga't maari ay hindi ko na sasagutin ang lalaking hindi ko alam ang pangalan. Habang kumakain ay tahimik lang kami. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Kahit masakit sa pisngi ay kinakaya ko dahil gutom na talaga ako. "Stop staring at me," sabi ko sa kanya nang maramdaman ang pagtitig nito. Hindi niya ba alam na nakikita ko siya at yung simpleng pagngiti niya?! "Ang ganda mo," sagot niya. Napatigil ako sa pag-kain at kunot noong tumingin sa kanya. Kung si Andre ang nagsabi non ay kikiligin ako, pero kung siya ay nakakatakot. "You're creeping me," sabi ko at nagpatuloy sa pag-kain. "I don't even know you." "Because you don't want to," sagot niya. "Yeah," sagot ko, stating a fact. He's a sore of an sye for me. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko lang talaga siya gusto. Hindi ko na siya pinansin noon at inubos na lang ang pagkain ko. Nang matapos ay uminom lang ako ng tubig at handa na ulit umalis. "Tapos na ko," sabi ko sa kanya. Tumayo siya nang tumayo ako. "Ngayon, pwede na ba akong makaalis?" Ngumiti siya at tumango. "Sure." Naglakad na ako palabas ng clinic. Nakasalubong ko naman ang nurse roon kaya nagpasalamat ako. Binigyan niya rin ako ng iilang vitamins para mainom. Hindi ko naman kailangan ng mga 'to. Humarap ako sa kanya nang makalabas kami ng clinic. "Pakisabi na lang kay Unis na salamat," sabi ko sa kanya. "Wala akong phone." "Bakit?" tanong niya. "It's none of your business." Ngumisi lang siya sa'kin bago tumango. "I'll tell her." "Thanks. Alis na ko." Nagsimula na kong maglakad pero  hindi pa ako nakakalayo ay tinawag niya ako. "What?" Humarap ako sa kanya. "Can you drive?" tanong niya "A-ah yes," pagsisinungaling ko. Sa totoo lang ay takot akong mag-drive ngayon. Hindi ko pa tinatake yung vitamins ko. Pano kapag nahilo na naman ako or worst mahimatay? "What if you faint?" Napakapit ako sa strap ng bag ko. "Hindi naman siguro." "What if?" Matalim ko siyang tiningnan dahil sa kakulitan niya. "I'll drive." "Don't you have classes?" tanong ko. "I can skip," proud niyang sagot at nagpamulsa pa siya. Nairap ako roon at tiningnan siya. Mukha naman siyang seryoso sa mga sinasabi niya. "Ano, okay lang ba?" Tumango na lang ako sa kanya dahil alam kong hindi siya magpapatalo sa'kin. Nauna na akong maglakad papunta sa kotse ko.   "Pano ka makakabalik dito?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang seatbelt ko. Binuksan niya ang engine ng sasakyan at pinatakbo ito. "Mag-cocommute ako." Tumango na lang ako at naging tahimik kami. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa daan para malibang. Isinandal ko rin ang ulo ko sa headboard. "You have a nice car." Napalingon ako sa kanya. "May taste ka pala pagdating sa mga kotse. I didn't know that." Sumulyap siya sa'kin at ngumiti. "Dad chose this for me," sagot ko. "Si Mr. Santos?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "How did you know my dad?" Marahan siyang tumawa at iniliko nito ang manibela. "Santos is your surname, am I right? So, your dad must be Mr. Santos." Napasapo na lang ako sa noo at napatawa na lang din. That's so stupid of me. Natahimik ulit kami noon at maya-maya pa ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid. "Stay here," sabi niya bago lumabas. Sinundan ko siya ng tingin at pumasok siya sa isang vegan restaurant. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya. Since wala naman akong phone, nakatunganga lang ako at pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan hanggang sa makabalik siya. Pumasok siya sa kotse at agad na nag-seatbelt. Iniabot niya sa'kin ang isang paper bag. Hindi ko iyon kinuha at sa halip ay pinagkunutan ko siya ng noo. "What's that?" tanong ko. "You should eat more," sagot nito. "Kumain na ako, hindi ba?" tanong ko pa. "And besides, may pagkain naman kami sa bahay." "I just want to make sure. Accept it," pagpipilit niya. "It's salad, it's healthy." Tiningnan ko lang siya at walang balak na kuhanin ang binili niya. Sapat na sa'kin yung ipagdrive niya ko. Hindi ko naman sinabi sa kanya na responsibilidad niya ako. Kinuha niya ang kamay ko na ikinagulat ko naman. Siya na mismo ang naglagay ng paper bag doon. Nang magtagumpay siya ay binigyan niya ako ng ngiti. "Good," komento niya. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang binili niya. Wala na atang tatalo sa kakulitan nitong lalaking 'to. "Thanks," maikli kong sagot pero hindi ko siya nililingon. Nakatuon lang ang paningin ko sa labas. Hindi na kami nag-usap matapos non hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Pinagbuksan kami ng guard at ipinarada niya ang sasakyan sa garahe. "Thanks," sabi ko. Sabay kaming bumababa ng kotse at may namuong tanong sa isip ko. Hinarap ko siya. "How did you know my address?" tanong ko. "Stalker ba kita?" "W-what?" nauutal niyang tanong. Napailing ako at napangisi. Gosh! "N-no!" "I can't believe you! You're creeping me, really." "I'm not! You're family's famous. H-how can I not know?" "Yeah, right," sarcastic kong sagot ko sa kanya at umirap. "I'm sorry." Hindi ako satisfied sa mga naging sagot niya. Parang may mali. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang ang nangyari. "Fine, you should go. Don't miss too many classes." Tumango siya. "Gusto mo bang ipahatid na kita sa driver namin?" tanong ko pa. "Wag na, okay lang ako," sagot niya. "Are you sure?" tanong ko pa. "Oo naman. Just eat your food, that's enough for me," ngumiti siya at ako naman ay tumango lang. "Ingat ka." Sinamahan siya ng guard palabas ng gate. Kumaway siya sa'kin at binigyan ko lang siya ng isang ngiti bago pumasok sa loob ng bahay.   Sa harap ng garden ng bahay ay may napansin akong sasakyan na bago lamang sa paningin ko. May bisita kaya kami? Ang unusual kasi dahil dito nakaparada ang kotse sa may garden. Umalingawngaw ang tawa ng isang boses ng lalaki sa loob ng bahay nang makapasok ako. "Dad?" Lumingon siya sa'kin at napatigil sa pagtawa habang tinitirintas ang mahabang buhok. "Daddy!" Tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap. "Dad, I miss you." Hindi ko naiwasang hindi umiyak. Sobrang namiss ko siya. And knowing na hindi na ako masasaktan ni Mommy ay sadyang nakakagaan sa pakiramdam. "My daughter," hinagod niya ang buhok ko at mas lalo akong napaiyak doon. Lagi niya iyong ginagawa para i-comfort ako. Pinunasan ko ang luha ako at humiwalay sa yakap. "Aww, you're taller! But your face," sinimangutan niya ako at halatang nang-aasar siya. "I'm okay, Dad," sagot ko. "Mamaya pagalitan namin ang Mommy mo," tumawa ito at sinuklay ang kamay sa mahabang buhok. Mukha siyang gangster at hindi bagay sa business world pero magaling naman siyang mamahala at makipag-negotiate sa iba. Tumawa ako sa sinabi niya. "Alam po ba ni Mommy na ngayon ang dating niyo?" Umupo ako sa tabi niya at ako na ang nagpatuloy sa pagtitirintas niya ng buhok. Ibinaba ko muna ang paper bag na dala ko at binulatlat naman ito ni Daddy. "No, it's a surprise," sagot niya at inilabas ang pagkaing dala ko. "Salad? You bought this?" Sumulyap ako sa kanya. "Uhm, no. It's a gift." "Hm, gift? From whom?" Lumingon siya sa'kin kaya medyo nagulo ang pagtitirintas ko. "Dad," Iniayos ko ang ulo niya para sa pagtitirintas. "From a friend," pagsisinungaling ko. Weird naman siguro kung sabihin kong from an unknown person. "Kumain na po ba kayo?" Kumuha ako ng sanrio at itinali ko ang natapos kong tirintas. Mukha talaga siyang goon. "I had too much food on the plane. It was a long flight," sabi niya. Tumango ako at kinuha ang paper bag sa kanya. "Prepare ko lang po 'to." Dumiretso ako sa kusina para maiayos ang salad. Sumunod naman siya sa sa'kin sa kusina. "Buti po ay nakauwi kaagad kayo? Wala po kayong trabaho?" tanong ko habang binubuksan ang mustard at inilagay iyon sa salad. "Agad akong umuwi nang magsumbong sa'kin si Chloe. Sinundo niya ako sa aiport," sagot niya. Ibinigay ko ang salad sa kanya. "She skipped classes?!" gulat kong tanong. "I bet, she did. She's sleeping in her room." Gosh! Yung babaeng iyon! "E ikaw? Why are you so early?" Umupo ako sa tabi niya. "I'm not feeling well," pag-amin ko. Kapag si Daddy ang kausap ko, pakiramdam ko ay parang magkaibigan lang kami. We talk so casual. Kinapitan niya ng noo ko. "Wala ka namang lagnat. What's the problem?" Umiling ako sa kanya. "It's nothing. I feel much better now." Ngumiti ako at nagsimula kaming kumain ng salad. Thanks to a stranger. "I'm sorry," sabi ni Daddy nang matahimik kami. "Ako na ang magsosorry sa ginawa ng Mommy mo. I was so mad when I heard the news. Chloe was crying." Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Mas okay na ako ngayon. Masakit pa rin pero mawawala rin 'to. Tumitig ako kay Daddy. Sinusubukan kong i-sink-in ang sinabi niya. Chloe cried. Minsan lang mangyari 'yon. And Dad was mad, which was strange. Siya kasi yung tipo ng tao na hindi mabilis magalit. Although, mukha talaga siyang goon at kung magsalita ay parang galit. Si Mommy lang talaga ang problema. Or... was it me? "Okay lang, Dad," sagot ko. "It's just a phone and money." Lumungkot ang tono ng boses ko. Hindi ko man gustuhing damdamin ang nangyari pero pakiramdam ko ay nagawa ko na. Nalulungkot ako na kokonti na lang ang pera ko sa wallet. "Here," Iniabot niya sa'kin ang isa niyang credit card. "Spare card ko yan but you can use it." "Dad," sabi ko sa kanya at ibinalik ang card. "I'll get my cards from Mommy. I have my own way." "Tanggapin mo na," pagpupumilit niya. "You're spoiling me," tumawa ako. "No, Dad." Ngumiti siya sa'kin at ibinalik ang card sa wallet niya. "If you insist, then fine." "I'm a big girl," sagot ko. Ginulo niya ang buhok ko. "Yes, you are."   Bago ako natulog ay ininom ko muna ang vitamins na binigay sa'kin ng nurse. Nang magising ako ay halos maghahapunan na kaya bumangon na ako. Usually, pagkagising ko ay tinetext ko kaagad si Andre pero ngayon, hindi ko magawa. Namimiss ko na siya. Kahit ang tipid-tipid niya magsalita ay namimiss ko na siya. Baka nag-aalala na yun sa'kin. Baka akalain niyang hindi ko na siya naaalala. Lumabas ako ng balcony at doon ay nagpahangin. "Are you safe?" bulong ko sa hangin. I just missed him so much. Gustong-gusto ko na siyang makausap kaso hindi ko alam kung papaano. I don't have enough money to buy a new phone. Kahit offeran ako ni Dad ay ayokong tanggapin. I want to live on my own. Hindi ko rin naman saulo ang number niya. Napabuntong-hininga na lang ako. "Ang tanga ko," sabi ko sa sarili dahil hindi ko man lang sinaulo ang number niya. Wala naman siyang nabanggit na meron siyang social accounts. At pakiramdam ko ay hindi siya ganoong klase ng tao na mahilig sa social media. Pero kahit na ganoon ay kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang IG account. Sinearch ko ang name niya at nagbabakasakaling meron siyang IG and to my disappointment, wala. Pati sa f*******: ay wala rin. Sabi na nga bang hindi siya ganoong klaseng tao e. Sinarado ko ang laptop ko at napahiga sa kama. Dala kaya ni Mommy ang phone ko sa office niya? Or nandoon kaya sa kwarto nila? Bumangon ako sa kama, without having any second thoughts. Hindi naman siguro masama kung titingnan ko ang kwarto nila, right? Hindi naman nila malalaman, unless mahuli ako. Pumasok ako sa kwarto nila Mommy at buti na lang ay hindi iyon naka-lock. Sinimulan ko nang hanapin ang phone ko rito. Naghanap ako sa ibabaw ng mga table pero bigo akong mahanap ang phone. Sa side table at sa vanity ni Mommy ay wala. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil wala naman akong makita na kahit anong bakas ng phone ko. Naisip ko na baka dala niya nga ito sa opisina niya. "No, be positive," sabi ko sa sarili. Huminga ako ng malalim at nagsimula ulit na maghanap. Nagtungo ako sa walk-in closet nila at binuksan ang mga aparador na makita ko. Nagulat ako nang may makita akong color brown na wood box na nakatago sa likod ng mga dresses ni Mommy. Kinuha ko iyon at hindi naman siya mabigat. Sakto lang rin ang size nito at mukhang luma na siya. Binuksan ko iyon at doon ako nakita ang phone ko. Yes! Yinakap ko ang phone ko at tahimik na nagtutumalon. I'm so happy! Bahala kung mapansin ni Mommy na wala na ang phone ko rito. Nandito naman si Daddy. I was about to close the box but when I saw something, I stopped.  Kinuha ko iyon at tiningnan ang picture. Lalaki ang nasa picture. Nakangiti ito sa camera. At parang may kamukha siya. Someone na kilala ko pero hindi ko lang malaman kung sino. Tinitigan ko pa ang litrato dahil gusto kong maalala kung sino ang kamukha niya. Pero bigo akong mapansin kung sino ito. Binaliktad ko ang picture at laking gulat ko nang may nakasulat na hand written sa likod noon. Binasa ko ang nakasulat. "You left me without any goodbyes. Be happy, Thadeo." Sino si Thadeo at anong kinalaman niya sa Mommy ko? Nawala ang tingin ko sa litrato nang makarinig ako ng yabag ng mga paa. Mabilis kong inayos ang box pero huli na ako nang maayos ito ng tuluyan. Nakita na niya ako. I froze. Oh, god.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD