So this is how it feels like, na magkaroon ng crush. Ang sarap pala sa feeling. Hindi pa ako nagkakaroon ng crush noon kasi wala silang tama sa'kin. No spark, no appeal connected and not interesting.
Kaya ganito na lang ako ka-kilig dahil sa nararamdaman ko. Ang sarap pala talaga. Kaya pala ang iba ay nababaliw na sa kanilang mga crush. Gagawin din ang lahat para mapansin nila.
And that's what I'm planning. Bago ako umalis, magpapapansin muna ako. Medyo malungkot ako dahil last day na namin 'to. Medyo pinaaga nila dahil may gagawin pa daw na ibang papers sila Terry. Pumayag naman ako dahil kaibigan ko naman sila at pare-parehas lang kaming may gagawin.
Eto yung araw na gaganapin na ang amateur kaya sobrang excited na ako dahil makakasama ko si Jordan. Nakakainis lang dahil last day na namin dito tapos hindi ko pa rin alam ang name niya!
Gabi na ulit ngayon at kasalukuyan kaming naghahapunan.
"Mga eleven pa kami pupunta," sagot ni Ella nang tanungin ko kung anong oras kami pupuntang perya para manuod ng amateur.
"Tagal naman!" angal ko. "Mauuna na lang ako!" Hindi ako makakapaghintay ng ganon katagal ano?
"Para kang tanga, Wyssa! Mag-isip ka nga!" sigaw ni Terry. "Pinagbigyan ka namin kagabi kasi may tiwala kami sayo. Don't push yourself too much, aalis na tayo!"
"Di ka nakatira dito," sinundan naman ni Pina.
Inirapan ko na lang sila. They're scared that I might fall in love with him. Takot sila na baka mahirapan akong umalis dahil sa kanya. Napailing na lang ako dahil sa mga iniisp nila. Para sa'kin ay sobrang bilis kung ganon. Pangalawang araw palang 'to ng formal encounter namin. Saka crush lang naman. Oo nga, crush lang.
"Ano bang mga pinagsasasabi niyo? Crush lang naman," pagtanggi ko sa kanila.
Inirapan ako ni Janna. "Wyssa kahit na. Kapag umalis tayo anong gagawin mo? Hahanap-hanapin mo?"
Nagkibit-balikat ako. Ewan ko. Di ko alam.
"Saka napakabilis mong magtiwala! Hinayaan mo pang ihatid ka!" sigaw ni Ella.
Kumunot naman ang noo ko habang kumagat sa hotdog. "Anong masama?"
"Pa'no kung iniligaw ka nun? Ni-r**e ka? Pinatay?" Nasamid ako sa sinabing iyon ni Pina. Buti na lang at may tubig kaya napainom agad ako.
"Ang dumi mo mag-isip!" sabi ko sa kanya. Napaka-OA naman nila.
"You never know!" sermon naman ni Ella sa'kin. "Guys are like that these days."
"Ibahin niyo siya," pagtatanggol ko. Mukha ngang mahiyain si Jordan e! Sobrang tipid sumagot tapos mangrarape? Edi sana kung may intensyon yon ay inakit na niya ako pero hindi naman!
"Wow," sabi ni Janna. "You like him that much?"
"Judgmental niyo," sagot ko na lang at tinapos ang pag-kain. Tumahimik sila saglit kaya kinuha ko 'yon para magpaliwanag.
"Pero seriously speaking, kung may intensyon naman siyang gawing masama sa'kin, edi sana inaakit niya ako. Edi sana hindi siya tahimik at di makabasag pinggan sa sobrang hinhin. Hindi ako tanga, girls. Trust me," pagpapaliwanag ko.
"Malay mo pakitang tao lang," mahinang bulong pa ni Janna pero narinig naman namin.
"Mukha ba siyang ganon?" tanong ko.
Umiling naman si Ella. "We're just protecting you, you know."
Ngumiti ako. "Alam ko naman," sagot ko. "Pero sa ngayon, mauuna na muna ako ha?"
"Ikaw bahala basta mag-ingat ka! Tawag agad 'pag may kailangan," sabi ni Terry na tinanguan ko na lang. Tumayo na ako at nagpunta sa kwarto para maglinis ng katawan. Nag-toothbrush din ako at nag mint candy kahit na hindi naman uminom. Nag skincare rin at naglagay ng kaunting make up.
Nagsuot lang ako ng ripped shorts at white off-shoulder na top. Nag-messy bun din ako para mag-mukhang cute at isinuot ang sneakers ko.
Lumabas na rin ako ng kwarto ko and I made sure na may pambayad ako sa ice cream na hindi ko nabayaran.
"Ayos na ayos a?" pansin sa'kin ni Janna. "MOA punta natin?"
Umirap ako. "Hindi no! Alis na ko!" Lumabas na ko ng bahay at di na hinintay ang mga sasabihin nilang kung ano-ano.
Naglakad lang ulit ako sa madilim na daan at hindi naman ako natakot dahil may mga nakakasabay na naman ako sa paglalakad.
Nang makarating ay dumiretso agad ako sa stall nila at sumakto namang si Jordan ang nagbabantay. Naka-blue plain t-shirt ito na medyo maluwang at naka-white na cap na naman.
"Hi!" masayang bati ko sa kanya. Tumingin ito sa'kin kaya ginandahan ko pa lalo ang ngiti ko.
Tumango lang ito bilang pagbati at itinuon ang pansin sa paggagawa ng ice cream dahil may mga customers. Umupo na lang ulit ako sa bakanteng upuan at inantay siyang matapos ang pagbebenta.
"Hi, Wyssa!" bati sa'kin ni Ed nang lumabas siya sa likod ng kurtina.
"Hello!" bati ko rin.
"Ang aga mo ata?" tanong nito sa'kin at tinulungan si Jordan sa pagbebenta.
"Uhm, baka kasi may nakakalimot ng date namin e," sagot ko at sinulyapan si Jordan pero wala naman itong kaemo-emosyon.
"Naks, pre! Di mo sinabing date pala 'to ha!" pang-aasar pa ni Ed.
"Tumigil ka nga," sagot ni Jordan. Napatawa na lang ako sa kanila dahil sa kacutean ni Jordan.
"Ice cream nga," sabi ko at tumayo, medyo malapit kay Jordan.
"Ikaw na gumawa, pre," sabi ni Ed. "Para espesyal," dugtong nito kaya napangiti ako. Suportado ako e no?
Hindi naman umangal si Jordan at ginawa na ang ice cream ko. Ilang saglit pa ay ibinigay na sa'kin ito nang matapos. Naglabas na ako ng pera at ibinigay ang bayad sa ice cream ngayon at kahapon.
"Saka yung hindi bayad kahapon," sabi ko at tinanguan niya lang. Galit ba siya? Bakit hindi niya ko kinakausap at puro tango lang ang sinasagot niya sa'kin?
"Salamat." Narining kong sabi ni Jordan at ibinigay sa last customer ang ice cream nito. Napanguso ako, inakalang para sa'kin ang 'salamat' niyang 'yon.
"Bakit parang malungkot ka, Wyssa?" Napansin ni Ed ang biglaang pag-nguso ko. Napansin ko rin ang maliit na pagsulyap sa'kin ni Jordan ngunit iniiwas din kaagad.
"Ah, wala," sagot ko kahit meron naman talaga. Nakakainis naman si Jordan! Bakit ang tahi-tahimik niya?! Ayaw niya ba akong nandito? E maayos naman ang usapan naming dalawa kagabi. Medyo nagbibiruan pa nga kami. Anong problema ngayon?!
"Sige ha, pre, Wyssa, pasok na muna ako," paalam ni Ed at saka tinapik sa balikat si Jordan bago pumasok sa loob. May maliit ata silang pahingahan sa likod ng kurtina.
Nang kaming dalawa na lang, hindi na naman niya ako pinansin at naging abala na naman siya sa paglilinis ng space nila. Ako naman ay inubos ang ice cream bago nagsimulang kulitin siya.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong ko sa kanya. "Buti pa si Ed ay kinakausap ako, ikaw hindi."
Hindi ito tumingin sa'kin at abala pa rin sa kanyang ginagawa. "Tinatapos ko ang trabaho ko para mamaya ay wala ng sagabal."
Nabigla ako sa sinabi niya. Sagabal?! Naks naman, Jordan!
"Ah, sige. Gawin mo muna yan," sagot ko habang kinikilig. Ayaw niya atang may umistorbo sa 'date' naming dalawa. Ang sweet naman.
May dalawa pang bumili ng ice cream bago namin marinig ang ingay mula sa amateur. Magsisimula na!
"Magsisimula na, Jordan! Tara na!" excited kong sabi sa kanya dahil first time kong manuod ng amateur.
Napansin ako ang pagsulyap niya sa'kin at pagkunot ng noo nito. Mukhang naguluhan sa pagtawag ko sa kanya ng Jordan. "Ah, Totoy."
Ngumisi naman ito. Nakakainis! Hindi ko nga kasi alam ang tunay niyang pangalan. Kapag Jordan ang tinawag ko sa kanya ay kukunot naman ang noo niya. Kapag naman Totoy ay ngingisian niya ako!
"Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" singhal ko sa kanya.
"Pangalan ko," sagot nito.
"E ano nga kasing pangalan mo?"
"Totoy," maikling sagot nito. Okay, I give up! Napaka-pabebe nitong lalaking 'to. Parang pangalan lang ay ayaw pang ibigay.
"Okay, sige, TOTOY," in-emphasize ko talaga ang pangalan niyang iyon. Mahina naman itong tumawa at tinanggal ang gloves sa kamay.
Pumasok siya sa likod ng kurtina at narinig ko ang pag-papaalam niya kay Ed. Nang makalabas ay kasama na niya ito. "Ingat kayo ha! Enjoy!" sabi sa'min ni Ed bago kami umalis.
Narinig naming nagpapakilala na ang emcee at handa na para magsimula. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tumingin sa tabi ko. Kitang-kita ko ang tindig niya at ang buong katawan nito. Nung hinatid niya kasi ako ay madilim kaya hindi ko naaninag ang tikas ng katawan niya.
"Bakit mo ko tinititigan?" tanong niya sa'kin. Naramdaman ko ang tingin niya sa'kin habang naglalakad kami. Dahil matangkad siya ay kitang-kita ko ang pagka-pointed ng kanyang ilong. Gwapo talaga, s**t.
"H-hindi a," nahihiya kong sagot dahil nahuli niya ako. "Taga-rito ka ba?" tanong ko, changing the topic.
"Hindi," maikling sagot nito at tanging katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa. Hindi naman nakakabahala dahil maingay naman sa paligid. "Taga-Manila ka diba?"
Mabilis akong tumango. Sa wakas ay nagtanong din siya! "Oo, pumasyal lang dito. Ikaw, bakit ka napadpad dito?"
"Trabaho," sagot niya at tumungo. Medyo nalungkot ako dahil magkaibang-magkaiba ang sitwasyon naming dalawa. He's here to work while I went here to chill. Sobrang iba.
Hindi na ako nagtanong pa dahil nakarating na kami sa destinasyon namin. Marami na ang taong nakikitawa sa act na ginawa ng isang bading. Pumwesto kami sa bandang gitna. Umupo kami sa damuhan at tumabi siya sa'kin.
Hindi na niya ako kinausap non dahil nanonood din siya. Hindi na rin ako nag-abalang chikahin siya dahil nag-enjoy na rin ako. Sobrang nakakatawa ang act ng isang bading. Kung ano ano ang binubunot sa loob ng gown niya, depende sa lyrics ng kanta.
Natatawa na ako pero parang siya ay walang kaemo-emosyon. "Huy," siniko ko siya at nagtama ang mga mata namin.
Kumunot ang noo nito, nagtataka kung bakit. "Hindi ka ba masaya?"
"Bakit mo natanong?" balik niyang tanong.
"Malungkot ka e."
Umiling ito. "Masaya." Okay. Ang tipid.
Hindi ko na lang siya pinansin at natapos na pala ang act nung bading. Nagsalita ang emcee habang may naghahandang banda sa likod nito.
"Magadang gabi sa ating lahat!" sigaw ng bokalista ng banda. "Para sa inyo ang kantang ito."
Tumugtog ang kantang 'Spoliarium' ng Eraserheads. Naghiyawan ang ilan at ako naman ay na-excite. Maganda kasi ang kanta na 'to. Sobrang nahihiwagaan ako sa lyrics dahil ang lalim para sa'kin.
"Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing-isang palapag
Tinanong kung okay lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na"
Nang chorus na ay sumabay ako sa kanta pati na rin ang iba. Siniko ko pa si Jordan para sumabay pero dineadma lang ako. Minsan ay nakatingin siya sa stage at minsan naman ay nakatungo. Hindi ko pa napapansing tinitingnan niya ako. Siya lang ang dumedeadma sa ganda ko.
"At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo"
Nagsimula ang second verse at pansin ko ang pananahimik ni Jordan. Ganyan ba talaga siya katahimik o may iniisip?
"Lumiwanag ang buwan
San Juan, 'di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang saking lalamunan
Ewan mo at ewan natin
Sino'ng may pakana
At bakit ba tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo"
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa siya ngumingiti man lang simula nung nagpunta kami rito.
Umiling lang ito sa'kin. Ganong kasimple.
Tumango na lang at biglang napalingon sa grupo ng kabataan na naghaharutan sa tabi ko. Nang mag-chorus ay todo harutan sila kaya naitulak ako ng iba. Napalapit ang pwesto ko kay Jordan at napakit ako sa braso nito.
"At ngayon 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo"
Mukha namang nagulat siya at napakapit sa baywang ko. Nagtama ang paningin naming dalawa at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Ngayong hawak namin ang isa't isa, kita ko ang tensyon naming dalawa. Nakakatakot pero masaya. Sapat na ang distansya namin para makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Sorry, ate!" sigaw nung nakadanggi sa'kin. Umayos ako ng upo at bumitaw sa tinginan naming dalawa dahil parang nalulunod ako.
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Jordan.
Tumango ako. "S-salamat." Ang perfect nun! Shemay! "Ang ganda ng kanta ano?" pagbabago ko ng topic dahil hindi pa humuhupa ang nararamdaman ko.
"Oo," sagot nito.
"Uhm, gustong mong umalis muna?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa'kin at umalis na kami sa amateur. Huminga ako ng malalim nang makalayo kami. Muli kong kinompose ang sarili ko. Ang gwapo niya kasi kanina kaya ako naging ganito! Init na init ako.
"Kain tayo? Libre ko!" yaya ko sa kanya.
"Busog ako," sagot nito pero di ako nagpatinag.
"Kuya, kwek kwek nga po," sabi ko kay Manong at kumuha na kasabay ang bayad. Ibinigay ko sa kanya ang kwek kwek pero tiningnan niya lang ito sa kamay ko. "Wala ka bang balak kuhanin?"
"Babayaran ko 'to ha?" sabi naman niya at kinuha ang kwek kwek.
"Hindi na no! Libre na yan!" sabi ko sa kanya at nagsimulang kumain. Asan na kaya yung mga kaibigan ko? Nakalimutan ko na sila. "So, sabi mo you're here for work, san ka na after?" tanong ko sa kanya, hoping na Manila na para makapagkita kami.
"Uuwi ako. Probinsya," sagot nito at kumagat sa kwek kwek niya.
"Talaga? Magkikita pa kaya ulit tayo?" tanong ko. Nakakalungkot. Bitin na bitin ako sa tagpo namin. Gusto ko pang mag-stay ng matagal. Kaso may pasok ako, magagalit din ang mga kaibigan ko dahil ito yung kinakatakot nila.
Tumingin siya sa'kin ng ilang segundo bago lumihis ang paningin at kumagat sa huling kwek kwek nito.
"Hindi ko alam." Hindi na ako sumagot sa kanya dahil masyado akong nalulungkot sa mangyayari mamaya. Ito na kasi ang huli naming pagkikita. Ngayong gabi.
"Aalis na kami bukas," sabi ko sa kanya habang naglalakad-lakad kami papunta sa medyo walang tao. "So, I guess, last kita na natin to."
"Siguro," sagot nito.
"Pano kaya ulit tayo magkikita?" tanong ko sa kanya dahil asang-asa talaga ako na sana ay magkita pa ulit kami.
"Hindi ko alam," sagot nito. Napakawalang pakialam niya ano? Kasi ako gusto ko talaga na magkita pa ulit kami.
"San ba ang uuwian mong probinsya?" tanong ko sa kanya at lumingon sa'kin, mukhang naguguluhan.
"Bakit? Pupuntahan mo ako?" tanong nito.
"Bakit? Masama?" sagot ko sa kanya na natatawa. Okay lang sa'kin kapag free ako. "Ayaw mo yun? May time ulit tayo?"
Napatawa naman siyang mahina. Kinikilig ba siya?
"Edi hindi ko sasabihin," pambabasag nito ng trip ko. "Para hindi mo ko mapuntahan." Ayos a. Matalino.
"Ang damot! Sabihin mo na, saka sasabihan naman kita kapag pupunta ako e," sabi ko sa kanya na medyo natatawa.
"Ayoko nga."
"Sige na! Di ako titigil kapag hindi mo sinabi."
"Edi wag kang tumigil." Napanguso ako. Ang tigas ng puso niya.
"Please?" Nag-puppy eyes ako sa kanya at natawa naman ito.
"Sige na. Laguna," sagot nito at nanlaki ang mga mata ko. Yown! "Pero wag kang pupunta."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Nagkibit balikat ito.
"Fine! Di ako pupunta don pero ikaw magdadala sa'kin!" sabi ko sa kanya, medyo proud.
Hindi na lang ito sumagot at tumahimik na naman. Medyo nakalayo na kami sa crowd kaya medyo awkward ang pagiging tahimik namin. Mukhang ayaw naman niyang magsalita kaya ako na lang. Tutal gusto ko naman ang ginagawa ko.
"So, how's your job like?" tanong ko sa kanya at sumandal sa isang poste.
"Mahirap," simple nitong sagot.
"Lahat naman ata ng uri ng trabaho ay mahirap."
"May mas hihirap pa ba sa kada araw ay wala kang kasiguraduhan kung may papasukan ka?" Napatigil ako sa tanong niyang iyon. The hell. Yon ang pinakamahaba niyang sinabi sa'kin!
I'm so proud of him!
"Kung san san kami napupunta. Kung saan matao ay doon kami," dagdag na nito na tinanguan ko. That's hard. Lalo na kung ito lang yung pinagkakakitaan niya.
"Mahirap nga yon," sabi ko na lang sa kanya. "May cellphone number ka ba?"
Lumingon ito sa'kin at umiling. "Weh? Yung totoo kasi, Totoy! Pangalan mo nga ay ipinagdamot mo sa'kin pati ba naman number?"
Nilabas ko ang phone ko at binigay ko sa kanya. "Number mo!"
Nagsimula naman siyang mag-tipa sa phone ko at nang matapos ay ibinigay sa'kin. Sinave ko ang number niya at hindi malaman kung anong ilalagay ko sa pangalan nito.
Nilagay ko na lang na 'JORDAN' with red heart dahil hindi ko naman alam ang ilalagay.
"Jordan?" tanong nito sa'kin, nakatingin pala sa phone ko. "Sino ba si Jordan?"
"Sabihin mo sa'kin yung pangalan mo para hindi Jordan ang ilagay ko rito," sabi ko sa kanya at itinago na ang phone.
"Bakit ba kasi Jordan?" tanong nito, mukhang interesado.
"Pangalan muna," pang-aasar ko pa. Narinig ko namang tumawa ito ng mahina pero di na ito sumagot hanggang sa makita kami ng mga kaibigan ko.
"Hoy bruha! Kung san san ka nagsususuot!" sabi sa'kin ni Ella habang lumalapit sa direksyon namin, handa akong sabunutan. Nagbago naman ang reaksyon nila nang makita si Jordan.
"Ah girls, si..." I trailed. Ano nga ba? Anong sasabihin ko. "Si J-Jordan," sabi ko na lang at sumulyap sa kanya. Halatang nagpipigil ito ng ngisi. Nakakainis!
"Jordan, si Ella, Terry, Janna saka si Pina, mga kaibigan ko," pagpapakilala ko sa kanila.
"Hi!" bati ng mga girls.
Nginitian lang sila ni Jordan at tumango.
"Anyway, we're here para kuhanin na si Wyssa," sabi ni Terry at tumingin kay Jordan. Pinandilatan ko siya dahil wala namang usapang ganon.
"Teka wait lang! Bumili muna kayo ng foods. Kakausapin ko lang siya," sabi ko.
"Maaga pa tayo bukas, bilisan mo ha?" sabi pa ni Janna sa'kin at pinaalis ko na.
"Sorry about that," sabi ko at humarap sa kanya. Kahit gusto ko pang magtagal, kahit gusto ko pang mag-stay, hindi na pwede. Kaya sana talaga magkita ulit kami.
"Sige na," sagot nito sa'kin.
"So... pano ba yan? Goodbye na ba?" tanong ko sa kanya, malungkot.
"Sige lang," sagot nito. Kahit konting pakipot lang sana. Dati, two days ay napakatagal na araw para sa'kin. Ngayon, bakit sobra sobra namang bilis?
"Naging masaya ka ba? Or nailang, nakulitan?" tanong ko pa.
"Masaya. Salamat," ngiti nito sa'kin. Sobrang nakaka-proud marinig sa kanya yun. Ngumiti rin ako.
"Wyssa!" Rinig kong tawag sa'kin ng mga kaibigan ko. Saglit lang naman.
"Tinatawag ka na," sabi nito sa'kin. Alam ko pero can I just stare at you for a second?
"Okay, bye.."
Tumango lang ito sa'kin at mukhang okay lang sa kanya. Well, we just met two days ago. Sino bang mag-aakalang magiging close kami kaagad?
"Pwede ba tayong magkita bukas?" tanong ko kaagad sa kanya. Mabilis. Kinakabahan.
Halatang nagulat siya at napansin ko ang paggalaw ng Adam's Apple niya. "Pero.."
"Please? Sa rest house?" pagmamakaawa ko. "Last."
Hindi siya sumagot at narinig ko na naman ang pagtawag sa'kin ng mga kaibigan ko. "Aantayin kita ha?"
"Babye!" sabi ko sa kanya at tumalikod. Hindi pa ko nakakalayo ay tinawag niya ang pangalan ko. For the first time.
"Miss mo na ko?" asar ko sa kanya. "Agad?"
Ngumiti ito sa'kin. "Andre..."
Kumunot agad ang noo ko. Wait! Andre?
"Andre ang pangalan ko," pagpapatuloy nito.
Lumawak ang ngiti ko. What a beautiful name. Yun na ata ang pinakamagandang pangalan na narinig ko. I'm so happy na nalaman ko na ang pangalan niya bago kami maghiwalay.
Tumango ako sa kanya habang may ngiti na nakasilay sa labi. "It was nice meeting you, Andre." Mas sumaya pa ang puso ko nang banggitin ko ang pangalan niya.
Kumaway na lang ako sa kanya at tumakbo palapit sa mga kaibigan ko. Nang lingunin ko siya mukhang pabalik na siya sa stall nila. Ang saya saya ko! Pero malungkot din. Knowing na baka bukas na ang huling araw na makita ko siya.
Still, masaya ako. He is my first crush. Siya ang unang nagparamdam sa'kin kung pano kiligin at siya ang unang nagpalabas ng tunay na ngiti ko.
I have his number though. Alam kong di pa ito ang last.