This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kagwapuhan niya. Kamukha niya si Jordan Baker! Yung fictional character sa The Great Gatsby. Yun agad ang unang pumasok sa isip ko. Ang gwapo gwapo niya, s**t! Crush ko na talaga siya. Crush na crush ko siya!
Ang swerte ko naman dahil dito ko pa siya nakita sa ice cream stall. Remembering na ice cream ang favorite ko. Mukhang siya na ang magiging favorite ko rito a.
Well, di naman masama dahil mukhang magkasing-age lang kami.
"Anong sa inyo?" tanong niya sa'kin. Pinagmasdan ko siya nang tumingin siya 'sakin. His eyes! Ang gwapo talaga! Ang sexy din niyang magsalita. Kinikilig ako.
Kinurot naman ako ni Ella kaya nawala ang tingin ko kay Jordan Baker. "Order daw."
Tumikhim ako. "Wyssa. Wyssa Santos," pagpapakilala ko sa kanya at inabot ang kamay ko.
Nakita ko naman siyang ngumisi at naghagikhikan naman ang mga kaibigan ko. "Wala po sa menu namin yun," sagot nung isang Kuya. Lumakas na ang mga tawa ng kaibigan ko.
Binaba ko na ang kamay ko dahil parang wala namang intensyon si Jordan Baker na tanggapin ang kamay ko. "H-ha?" ang tanong ko na lang.
"Order, hindi pangalan," sagot ni Jordan Baker. Sumulyap ito sa'kin habang may ginagawa sa lamesa saka ngumisi. Na-star struck na naman ako sa pagtingin niya sa'kin.
Jusko! Nakakahiya! Bakit ngayon pa ako nakagawa ng katangahan?
"Ah, ice cream," ang sagot ko na lang at tumingin sa mga kaibigan ko. Hoping for back ups.
"Anong variant, Miss?" tanong sa'kin ni Kuya.
Tumingin ako sa menu nila. "Uhm, yung may chocolate dip na lang." Nahihiya pa rin ako. Pinagmasdan ko ulit si Jordan Baker at may kung ano na siyang ginagawa sa may machine. Kitang-kita ko ang biceps niya dahil nakatagilid siya sa'kin.
He's more handsome than Manila boys. Yun ang para sa'kin. Mas naattract ako sa kanya. His appeal, though. Ang lakas, natutulala ako. Nadadala ako.
Wait. Crush ko siya.
Binigay na sa'kin ni Kuya ang ice cream ko. Nadismaya ako dahil hindi si Jordan Baker ang nagbigay sa'kin. Hinila na agad ako ni Ella nang makapagbayad ako. Nainis ako dahil hindi ko na nagawang makapg-paalam.
"Ang landi mo ha!" sigaw sa'kin ni Ella nang makalayo kami.
"Ang gwapo kaya!" sabi ko at muling sumulyap sa pinanggalingan namin.
"Wag mong sabihing iibig ka sa isang probinsyano?" tanong sa'kin ni Terry na hindi ko makita kung saan ang mali.
"What's wrong? Hindi naman masama," sagot ko.
"Ang sa'min lang, kung magmamahal ka lang din naman ng probinsyano, bakit hindi na lang si Cardo? Mahaba pa ang buhay," biro ni Pina kaya nagtawanan sila.
"Tangina ka!" sabi ko at hinataw siya. Kala mo nakakatawa.
"Pero seriously, sa Manila tayo nakatira," sabi ni Janna.
Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam ang dapat maramdam. "Crush lang naman."
"Just make sure," sabi ni Terry. "Crush can grow."
Nabigla naman ako sa sinabi niya. First encounter pa lang namin mahal agad ang tinutukoy nila.
Umiling agad ako. "Hindi no. Crush lang," sabi ko naman sa kanila at mukhang na-convince ko naman dahil hindi na sila nagsalita pa.
Napagpasyahan na naming umuwi nung gabing 'yon. Bumalik pa ako sa ice cream stall para sumilay at hindi bumili. Kaso nabigo ako dahil wala doon si Jordan.
Jordan ba name niya?
First time kong humilata sa kama ng may ngiti sa labi. Chineck ko ang social media accounts ko pero wala naman masyadong importante.
"Ang saya-saya nung isa dyan," asar sa'kin ni Pina.
Umirap na lang ako sa kanila. Kanina pa nila ako kinakantyaw habang naglalakad papauwi. Quota na ko! Ayaw nila akong tantanan.
"Insipired e," sabi naman ni Terry. Speaking of inspired. Lumingon ako sa canvas ko at parang ginanahan akong magpinta ngayon. Pero syempre di ko muna gagawin dahil palalaguin ko muna itong inspirasyon ko.
"Baba daw tayo. Nagtext sa'kin si Ella," sabi ni Terry habang nakaupo sa kama. "Inom daw."
"Di pa tayo naghahapunan," sagot ko.
"Okay lang daw. Busog daw sila," sabi pa ni Terry kaya bumaba na kami.
Naabutan namin silang nagse-set up ng pagiinuman. Nakahanda na rin ang mga snacks at mga alcohol. Una kong nakita ang soju kaya yun ang una kong ininom.
"Parang namimiss ko siya," sabi ko out of the blue. Nangangalahati na ako sa soju ko pero hindi naman ako lasing. Hindi rin ako tipsy.
Ngumiti ako ng malawak dahil naalala ko na naman ang kagwapuhan niya. Tamang-tama talaga ako e. Hindi ko inaasahan na ganon siya kagwapo. Sobrang natural looking ng hitsura niya. Dumagdag pa ang pagka-tan sa balat niya!
Nami-miss ko siya bakit ganon? Bakit parang gusto kong sumilay ulit?
Tumayo ako kahit hindi ko pa ubos ang soju ko.
"San punta mo?" Napatigil sila sa pagtatawanan nang makitang aalis ako.
"Perya." Lumawak ang ngiti ko sa kanila.
"Nahihibang ka na ba?" tanong sa'kin ni Ella.
Kumunot ang noo ko. "Anong masama?"
"Kire," sabi naman ni Terry.
"Mag-ingat ka! Be responsible for yourself," sabi ni Janna na tinanguan ko na lang. Wala naman silang magagawa kung hindi ang pumayag. Nami-miss ko talaga siya. Gusto kong makita ang kagwapuhan niya kahit saglit lang.
Umakyat ako sa kwarto at naglinis ng katawan. I did my night routine skin care at ngumuya rin ng mint candy. Nakakahiya naman kung mabaho ang hininga ko kung kakausapin ko siya.
Nag-suot lang ako ng dolphin shorts at white t-shirt na may tatak na 'SEOUL' na niregalo ni Daddy nang magpunta siyang South Korea. Nag-messy bun din ako at nagsuot lang ng tsinelas. Simple lang pero maganda pa rin naman ako kahit walang make-up.
"Alis na ko, guys!" paalam ko sa kanila.
"INGATS!" sigaw nila. "Tawag ka 'pag may kailangan ka!"
Tumango na lang ako at nag-wave bago lumabas ng bahay. Naglakad lang ako papuntang peryaan dahil saulo ko na naman ang daan. Hindi na rin ako nag-abalang magbukas ng flashlight dahil maliwanag naman ang daan.
Habang papalapit ako nang papalapit sa peryaan, nararamdaman ko ang excitement kaya naman minsan ay napapatakbo pa ako. Gusto ko na siyang makita!
Nang makarating ay agad akong pumunta sa stall nila pero nadismaya agad ako dahil hindi si Jordan Baker ang bantay.
"Wyssa!" bati sa'kin nung Kuya.
Kumaway ako. "Hi!" bati ko rin at tumingin sa likod niya, nagbabakasakaling nandon si Jordan Baker.
"Sinong hinahanap mo?" Napalingon ako kay Kuya.
"A-ah wala," sagot ko na lang. Bakit ganon? Nahihiya ako shemay. Hindi naman ako ganito e! Nakakainis! Tumawa naman ng mahina si Kuya at nagsimulang magpunas ng lamesa.
"Bakit ka natawa?" tanong ko.
"Wala! Ako nga pala si Eduard pero pwede mo 'kong tawaging Ed," lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi.
"Wyssa," pagpapakilala ko ulit at inabot ang palad ko.
"Oo kilala kita," sabi niya at nilahad din ang kamay.
"Siya ba hinahanap mo?" tanong sa'kin ni Ed at umupo naman ako sa upuang nakalaan para sa mga customers nila. Mabuti nga't wala silang customer ngayon e.
"Nandyan ba siya?" pasimple kong tanong.
Ngumiti ito. "Oo, nagpapahinga lang. Tawagin ko saglit."
Umayos ako ng upo at maya-maya pa ay nakarinig na ako ng kaluskos. Lumabas si Eduard at sumunod si Jordan Baker. Nagtama ang paningin naming dalawa. Naka-black plain t-shirt siya na hapit na hapit sa katawan niya kaya bumabakat ang abs nito. Naka white cap din siya ngayon.
"Hi!" bati ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga! Sobrang disente ng hitsura niya.
"Ice cream?" tanong nito sa'kin. Tumango na lang ako para palabasin na nandito ako para sa ice cream at hindi para sa kanya.
Nagsimula na siyang gawin ang ice cream ko at si Ed naman ang nagpahinga. Kumaway pa ito sa'kin kaya kumaway din ako pabalik. Ngayong kaming dalawa na lang, bigla akong kinabahan. Nahihiya talaga ako.
Iniabot niya sa'kin ang ice cream at kinuha ko naman yun. Kumain na lang ako ng ice cream dahil nangingibabaw ang katahimikan sa'ming dalawa. Kung walang mga rides at taong nagsisigawan dito, hindi ko na siguro alam kung pa'no babasagin ang katahimikan.
Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. Nagtaka ako, kumunot ang noo. Shake hands?
Inabot ko naman ang kamay niya, nagtataka pa rin. Napansin kong sumilay ang ngisi nito sa mga mapupula niyang labi.
"Bayad," sabi nito. Nag-init ang mukha ko. Kinapa ko ang pera ko sa bulsa at mas lalong nag-init ang mukha ko nang wala akong maapa. Jusko! Nagpalit nga pala ako ng short at naiwan ko ang pera ko! Napaka bad timing!
"Ah eh. Wait ha?" nag-aalalang tanong ko. Tumayo pa ko at dinoble check kung wala ba talaga. Pero wala nga talaga. Chineck ko rin ang case ng phone ko, nagbabasakaling may pera pero wala pa rin.
Ang bobo ko naman! Pera pa talaga ang naiwan ko!
"Uhm, Jordan- este Kuya, naiwan ko ang pera ko e. Pwedeng bukas na lang?" Nag-init na naman ang mukha ko! Kuya talaga, Wyssa?! Stupid girl!
Sumilay na naman ang ngisi nito. "Wag na. Libre na yan," malumanay na sagot nito.
Feeling ko ay nag-blush ako. Libre?!
"Talaga ba?" tanong ko, hindi makapaniwala. Tumango lang siya sa'kin. Nakakahiya naman! Di ako papayag.
"Uhm, wag na. Babayaran ko na lang bukas o kaya mamaya!" Nagmamadali kong sagot. Natataranta ako!
Tumingin ito sa'kin. "Babalik ka mamaya?"
Nag-isip ako. "Pwede."
"Na'san ba ang mga kaibigan mo?" tanong nito sa'kin at mukhang naghahanap sa paligid.
"Wala e. Ako lang mag-isa ang nagpunta," sagot ko na tinanguan niya lang. The end of convo.
Simple siyang sumagot e no? "Mamaya na lang ha?" tanong ko ulit at umupo na lang.
Hindi siya sumagot at nag-abala sa paglilinis. Ako naman ay inubos ang ice cream ko. Pinagmamasdan ko ang mga galaw niya. Sa mga kamay niyang maraming ginagawa, lumalabas ang mga ugat nito. Ang mga braso niyang hitik na hitik sa laman ay sadyang nakakapanghina. Jusko naman! Crush ko talaga siya!
Kaso di ko nga pala alam ang pangalan niya.
Dumaan naman ang isang grupo ng mga kabataang babae at pumila para bumili ng ice cream. "Kuya apat nga!" sabi nito kay Jordan Baker. Kumilos naman si Jordan at pinagmasdan ko ulit siya sa mga kilos niya.
Napalingon naman ako sa mga kabataan nang maghagikhikan ito habang nakatingin sa mukha ni Jordan. Aba! Mukhang may gusto sila kay Jordan a! Napakalalandi.
"Tanungin mo kaya ang pangalan," sabi nung isa kaya naningkit ang mga mata ko. Inabot naman ni Jordan yung mga ice cream nila kaya naghagikhikan na naman ang mga babae. Umalis na rin sila nang matapos magbayad.
"Hindi ka pa ba aalis?" Napalingon ako kay Jordan nang tanungin niya ako.
Ayaw niya ba akong nandito? "Wala kasi akong kasama e," arte ko sa kanya.
Tumango na lang ulit ito. Ano ba yan?! Bakit di niya ko tanungin kung bakit mag-isa ako? Bakit di niya tanungin kung gusto ko ng company!
"Naiilang ka ba?" tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa'kin at umiling naman ngayon. "Bakit ang tipid mo sumagot?"
"Hindi a," tanggi nito sa'kin.
"Hindi raw e halata kaya," sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagbigay ng kahit na anong sagot kaya nagtanong na lang ako.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, hoping na sumagot na siya this time.
"Totoy," sagot nito. Nakita kong ngumisi na naman ang mga labi niya. He's messing with me! Alam ko yun. Mabilis akong makaramdam.
"Okay, totoy," sakay ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman iyon ang totoong pangalan nito. "Ako si neneng," pagpapakilala ko.
Tumingin ito sa'kin, hindi naniniwala. "Wyssa ang pangalan mo, hindi ba?"
Umirap naman ako. Nakakainis din to e no? "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoong pangalan mo?"
Nagkibit-balikat siya at ang seryoso ng mukha nito. Umupo ito sa tapat ko.
"Sound test."
Napabaling ang tingin ko sa bandang likod ng perya kung saan nakapwesto ang amateur stage.
"Anong meron don?" maang-maangan kong tanong kahit na alam ko na naman ang sagot. Pabebe.
"Amateur," simpleng sagot nito.
"Anong ginagawa don?" tanong ko ulit. Umayos ka, Totoy Jordan.
"Sure kang hindi mo alam ang ibig sabihin ng amateur?" balik na tanong niya sa'kin at napairap na naman ako.
"Alam ko," sagot ko at mahina itong tumawa. Tiningnan ko na lang ang kamay niyang inaayos ang gloves nito na suot. "Punta tayo?"
Napasulyap siya sa'kin ngunit iniiwas din kaagad ang tingin niya. Tumayo siya. "May trabaho ako."
Napanguso ako. "After, pwede?" Asang asa ako na sana pwede. Last night na namin bukas e.
"Hindi ko alam," simpleng sagot nito.
"Sige na, Jordan. Besides, nandyan naman si Ed e. Papakiusapan ko na lang," pagpupumilit ko pa. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito. Naguluhan ata sa sinabi ko.
"Jordan?"
Ang husay.
"Ah, totoy," ang nasabi ko na lang. Nakakainis! Gusto kong malaman ang pangalan niya! Bakit ayaw niya!
Tumawa itong mahina at sakto naman ang paglabas ni Ed. "Ano yan ha? Narinig ko ata ang pangalan ko," bungad sa'min nito.
"Diba, Ed? Pwede kaming manuod ng amateur bukas?" tanong ko kay Ed. Sana kampihan ako.
"H-ha?" tanong nito sa'kin na naguguluhan.
"Please?" Sana, sana, sana.
Nakapoker-face lang si Jordan na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Puro lang siya paglilinis dahil wala na namang masyadong customer.
"Sige ba," sagot nito. Yes!
"Walang bawian 'yan ha?" sabi ko. "Jordan ha?" At tumingin kay Jordan. Hindi man lang ako tiningnan nito at mukhang busy pa rin sa paglilinis.
"Jordan?" naguguluhang tanong sa'kin ni Ed.
"Edi totoy," sagot ko dahil di ko naman kayang ipaliwanag ang Jordan sa kanila.
"Totoy?" tanong ulit ni Ed at humalagpak ng tawa. Tinuro pa nito si Jordan habang nakakapit sa tyan. "Kailan ka pa naging totoy, pre?"
"Sabi niya kasi totoy daw pangalan niya," pagpapaliwanag ko. Tumawa na naman si Ed. Ang mature namin ano?
Binato siya ni Jordan ng basahan. "Tumigil ka nga," sabi nito.
Tumigil naman si Ed at mukhang gets naman ang pangyayari na ayaw ibigay sa'kin ang pangalan ni Jordan.
"Pabebe, Wyssa," sabi nito kaya napangiti ako.
Muli na naman siyang binato ni Jordan ng gloves na suot niya kanina. "Magtrabaho ka," sabi nito at umupo naman.
"Sige ha, Wyssa. Trabaho lang ako," paalam sa'kin ni Ed bago siya nagtungo sa likod ng kurtina.
"Uwi na." Napairap ako sa sinabing iyon ni Jordan. Ano ko bata? Ang aga pa kaya. "Ala una na."
Tiningnan ko ang phone ko sa gulat. Ala una na nga! Ang bilis naman ng oras! "E pano yung bayad?" tanong ko sa kanya.
"Bukas," tipid niyang sagot.
Tumango ako. "Okay."
"Hindi ka ba mapapagalitan?" tanong nito sa'kin kaya medyo na-uplift ang mood ko, knowing na nagtatanong na siya ngayon.
"Uhm, hindi. Walang magagalit," sagot ko.
"Hinayaan ka nilang palabasin ng ganitong oras? Babae ka pa naman," sabi niya. Wow.
Napatitig ako sa kanya sa sinabi niyang iyon. Mas lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko. Good thing may soft side siya.
"Concerned?" mapang-akit kong tanong.
"Tama bang gabi na tapos magpapagala-gala ka pa? Ng mag-isa?" Tumingin ito sa'kin at umiling.
Napanguso na lang ako at siniguro kong cute ako dahil nakatingin siya sa'kin. "Eto na nga uuwi na."
"Babye," pagpapaalam ko at kumaway pa ako. I hate this! Ayoko umuwi muna kaso masyado nang lumalalim ang gabi. Tumango lang siya sa'kin at napansin ko ang paglunok niya kaya gumalaw ang Adam's apple nito.
"Ingat."
Nagsimula na kong maglakad at hinanda rin ang flashlight sa phone ko dahil medyo madilim niya. Hindi naman ako tinetext ng mga bruha dahil mukhang mga lasing na yun.
"Saglit lang." Napalingon agad ako dahil sa boses niyang iyon.
"Bakit?" tanong ko.
"Hatid na kita." Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Wait, hatid daw? Ako?
"Ha?" Hindi magprocess yung sinabi niya.
"Kukuhanin ko lang yung bayad sa ice cream." Napakurap na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Feeling ko nga ay nag-blush ako dahil makakasama ko siya pauwi.
"Sabi mo bukas na?" Tiningnan ko siya at napaiwas agad siya ng tingin. "Nagbago agad isip mo? Ang bilis naman," pang-aasar ko pa.
"Sige na nga, bukas na," sagot nito kaya nawala ang ngiti ko. Aalis na sana siya pero pinigilan ko na.
"Ngayon na, okay lang. Hindi ka naman mabiro," sabi ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Nauna na siyang maglakad sa dilim habang nakasunod ako. Tahimik lang kaming naglalakad na ang tanging naririnig lang namin ay ang mga ingay ng kuliglig.
"Ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko na kinaya ang katahimikan. Tumabi ako sa kanya para makausap ko siya nang maayos.
"22," maikling sagot nito at tumahimik. I'm twenty one so hindi kami nagkakalayo!
"Hindi mo ba ako tatanungin kung ilang taon na ako?" tanong ko.
Hindi ko masyadong makita ang reaksyon niya dahil madilim sa nilalakaran namin. "Ikaw?"
"21!" masayang sagot ko. "Nag-aaral pa ako. 3rd year fine arts."
"Arts huh?" tanong nito. Mukhang hindi makapaniwala.
"Oo! Actually, nagpunta ako rito dahil naghahanap akong inspirasyon para sa painting ko. Sakto namang vacation namin kaya nagkaroon ako ng time," kwento ko sa kanya. "Gusto mong makita ang painting ko?"
"Okay," sabi nito na parang walang gana. Napaka tahimik na tao naman nitong si Jordan.
"Yun lang?" tanong ko, unamused. "Ikaw ba? Nag-aaral ka rin?"
Nakalampas na kami sa mga mapunong lugar at natatanaw ko na ang rest house at di kalayuan ang bahay nila Janna. Malapit na pala kami. Susulitin ko na.
Umiling ito sa'kin. "Hindi."
Nagtaka agad ako at kumunot ang noo. "Bakit?"
"Financial problem," maikli nitong sagot. Nakakalungkot naman.
"Pero if ever na magkaron ka ng chance para mag-aral ulit, tatanggapin mo?" usisa ko.
"Sino ba namang hindi? Kung kaya ko lang ay matagal ko ng ginawa," sagot nito.
Medyo nalungkot ako. I can't imagine myself na matigil sa pag-aaral at maagang magtrabaho para sa pamilya. Kung ako ang nasa posisyon niya ngayon ay malamang hindi ko na alam kung pano aahon sa buhay.
"Dito ka na ba?" tanong niya at tumingin sa'kin. Tumingin ako sa unahan namin at nasa tapat na pala kami ng rest house.
"Sige dito na lang," sagot ko. "Salamat sa paghatid!" Tumango lang ito sa'kin. "Ingat ka ha?"
Tumingin siya sa palibot ng rest house at tumingin sa'kin. Mabilis lang iyon at umiwas agad siya ng tingin. "May problema ba?" tanong ko.
"Wala. Sige alis na ko," paalam nito at naglakad na palayo.
Nakangiti akong umuwi sa bahay nila Janna. Ang saya saya ko! Hindi ko lubusang maisip na ihahatid niya ko!
Wait, yung bayad sa ice cream!!
Lumingon ako pero hindi ko na siya natanaw pa. Nakalimutan ko at nakalimutan niya rin!
Mukhang bukas na nga ako makakapagbayad pero okay lang yun. Ibig sabihin, makakausap ko pa siya bukas. Yung amateur nga pala ay nakalimutan ko ring ipaalala sa kanya. Nakakainis naman!
Atleast masaya naman ako. It was unexpected. Hindi na masama sa unang encounter namin. Mabuti pala na nagpunta ako don na mag-isa para makausap ko pa siya ng maigi. Nakasilay pa ako. Gwapo niya talaga kanina! Lalo na kapag ngumingisi at kapag tumatawa ng mahina.
I went here for inspiration, yun lang. Pero more than inspiration pa ang natanggap ko. I found my first ever crush!