bc

The CEO's Mistake

book_age18+
3.7K
FOLLOW
19.0K
READ
one-night stand
love after marriage
pregnant
arrogant
scandal
CEO
drama
bxg
lies
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Kilala si Harris Serafina bilang isang anak ng bilyonaryo. Mayroon siyang isang nakatatandang kapatid na si Martinez Serafina. Namatay ang kanilang magulang dahil sa aksidente noong sila ay sampung taong gulang, ang dalawang kumpanya ng kanilang magulang ay kanilang pinaghatian. Mayroong ex-girlfriend si Harris na si Celine, tunay na minahal ni Harris si Celine. Nagkalabuan silang dalawa dahil naguguluhan na si Celine kay Harris sa pagka-busy nito. Inimbitahan ni Harris si Celine sa isang Hotel at umaasang magkabalikan ang dalawa ngunit hindi niya alam na ibang babae pala ang makakatalik niya noong gabi na 'yon.

Si Beatrice Bernal ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral ngunit natanggap na magtrabaho sa kumpanya ni Martinez Serafina ngunit sa mababang pusisyon lamang, mayroon siyang nobyo na isang sundalo, sila ay magdiriwang ng second anniversary. Ang limang taong best friend ni Beatrice na si Cyril, ay binigyan ng regalo ang dalawa, sila ay pinag-booked sa isang hotel. Naisip ni Beatrice na ibigay na niya ang 24 years niyang iniingatan, ang kaniyang virginity. Iyon ang regalo niya sa kaniyang nobyo na si Kyle.

Anong mangyayare kung mabuntis si Beatrice ng aroganteng si Harris?

Ano na lang ang mangyayari sa relasyon nila ng kaniyang nobyong si Kyle?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hawak ko ng mahigpit ang sling bag ko habang nakatanaw sa malaking hotel dito sa Maynila. Ito ang una naming pagkikita matapos ang ilang buwang nawala'y sa akin, ang aking boyfriend na si Kyle. Na-distino siya ng matagal sa Davao dahil isa siyang sundalo. Habang ako ay nagta-trabaho sa isang company. Mas pinili namin na mag-ipon muna bago ikasal, gusto naming maging maayos ang bubuuin naming pamilya. "Happy second anniversary, Hon!" pagpa-practice ko ng salita. Kinakabahan ako, bakit ba kasi nagawa pang i-set up at i-surprise ako ni Cyril sa ganito? Paano, ang best friend kong si Cyril na number 1 supporter ng love team namin ni Kyle. Dahil second anniversary namin ni Kyle at ngayon ang uwi niya dito sa Maynila, naisipan niyang regaluhan kami ng surprise ni Kyle, although hindi na siya surprise dahil alam ko na makikita ko si Kyle. "Na-miss ko ang boyfriend ko, sobra. Let's go, self. Kayang-kaya mo 'to," bulong ko. Naglakad ako papasok ng hotel. Binati ako ng guard at ilang staff na naroon. Sa sobrang laki at ganda ng hotel ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Excuse me, Miss. Nasaan po yung elevator?" nahihiya kong tanong. "Good evening, Ma'am. In the left corner po." Ngumiti ako, naroon lang pala. Nakakahiya, wala akong alam sa ganito. "Maraming salamat po," sambit ko. "You're welcome, have a nice stay here, Ma'am." Tumango ako sa kaniya. Naglakad ako sa elevator, may mga tao akong nakasalubong, nakasuot sila ng magagarang damit. Ang sexy ng suot ng isang dalaga at halos lumuwa na ang kaniyang dibdib. Napatingin ako sa sarili ko sa elevator dahil nagre-reflect ito. Nakasuot ako ng blouse at high waisted pants. Napayuko naman ako dahil nakaramdam ako ng insecurities. Gusto ko ring maging maganda kagaya ng iba, iniisip ko kasi na baka maghanap pa ng iba si Kyle dahil hindi ako sexy kagaya ng iba. Although payat ako, payat lang, hindi sexy. Tuluyan akong pumasok sa elevator nang bumukas ito. May grupo naman ng babae ang sumabay sa akin sa elevator. Kinuha ko ang aking cell para muling basahin ang conversation namin ni Cyril, sinabi nito sa akin ang hotel room kung saan naka-booked kami ni Kyle. "Room 323," bulong ko. Bumukas ang elevator, hindi ko alam kung saang floor ako pupunta. Wala akong choice kung hindi magtanong sa mga babaeng kasabay ko. "Miss, excuse me. Pwede ko ba itanong kung saan ang room 323?" tanong ko sa babae. Tumingin ito sa akin at tila ba nag-iisip. "It's on the seventh floor, I think," sagot niya. "Thank you po," I bowed. Bumukas ang elevator, lumabas ang grupo ng mga babae at natira lamang ako. Pinindot ko ang floor number seven kagaya ng sinabi niya. Wala akong dala na regalo para kay Kyle dahil naisip ko na ako mismo ang regalo na ibibigay ko sa kaniya, nasa legal na edad naman na kami, wala nang masama kung ibigay ko ang sarili ko. Isa pa, sigurado na kami sa isa't isa. Nag-iipon na lang kami para ikasal. Bumukas ang pinto ng elevator hudyat para tuluyan na akong lumabas. Tumingin ako, kaliwa't kanan, hindi ko alam kung saan ako dapat magtungo. Sinubukan ko maglakad sa kaliwa. Tinignan ko ang numero na nakalagay sa pinto ng bawat silid. "320... 321... 322... 323." Tumayo ako sa tapat ng pinto na may nakalagay na 323, dito ang silid na binooked ni Cyril. Nasa loob nito ang taong mahal ko. Hinawakan ko ang doorknob. Nagulat ako nang hindi ito naka-lock. Pinihit ko ito ng todo at tumambad sa akin ang madilim na silid. Hindi na ako magtataka, ayaw ni Kyle sa maliwanag, lalo na kapag gabi. Hindi siya natutulog na bukas ang ilaw, nahihirapan daw siya. Sinarado ko ang pinto at muling ni-lock ito. Naaninag ko ang isang lalake na nakahiga sa kama. Wala itong suot na pang-itaas, dahil sa liwanag mula sa bukas na kurtina, nasisinagan ng liwanag ng buwan ang kaniyang abs. Napangiti ako dahil sobrang matipuno ng aking mapapangasawa, isa siyang sundalo kaya hindi mapagkakaila ang abs nito. "Kyle, Honey..." bulong ko ngunit hindi ito sumagot. Lumapit ako sa kaniya, naamoy ko naman ang amoy ng alak sa kaniya. Napakunot ang noo ko, bakit naman siya iinom ng alak, mukha ring tulog na ito. Marahil ay napagod siya mula sa byahe at trabaho niya. Hindi ko naman makita ang mukha nito dahil sobrang dilim. Tinanggal ko ang sling bag ko at nilagay sa side table. Nakagawa ito ng ingay kaya biglang gumalaw si Kyle sa kama. Ito na ang pagkakataon ko para ibigay ang regalo ko sa kaniya. Tumayo ako sa harapan niya at tinanggal ang aking damit. Nakita ko naman ang paglingon ng ulo ni Kyle sa akin. Sunod kong tinanggal ay ang aking suot na pantalon. Hinubad ko ito. Bago ko pa matanggal ang suot kong bra ay bigla na lamang hinila ni Kyle ang braso ko. "Hon--" Hindi ako nakapagsalita nang mapahiga ako sa kama at naramdaman ko ang kaniyang labi sa akin. Umibabaw ito. Ramdam ko ang mainit na haplos ng kaniyang kamay patungo sa aking balikat, ibinaba niya ang strap ng aking bra habang patuloy ito sa paghalik. Napapikit lamang ako habang dinadama ang labi ng lalakeng minamahal ko. Hinayaan ko itong angkinin ang buong pagkatao ko. Ito ang unang beses na mahahawakan niya ang pribadong parte ng katawan ko. Twenty-four years kong iningatan ang pagkatao ko, ang p********e ko. Ngayon ang unang beses, kay Kyle. All I know, he deserves this. Mahal na mahal niya ako. Ganoon rin ako sa kaniya. The next thing I knew, we made love all night. ***************** Nakarinig ako ng pag-vibrate ng cellphone. Nagising ako sa bisig ng aking pinakamamahal na lalake. Napangiti ako nang maalala ang ginawa namin kagabi, hindi ko akalain na ganoon ang magiging experience ko sa aking first time. Masakit pala talaga, pero sobrang worth it dahil kay Kyle ko binigay. "Hhhhmmm..." himig ko habang inaamoy ang mabangong leeg ng aking nobyo. "You're awake, Celine?" tanong nito. "Oo, Hon---" Napatigil ako nang ibang babae ang banggitin nito at tila ba nagbago ang boses ng aking nobyo. Napaangat ako ng tingin. "Kyle?" bulong ko ngunit hindi mukha ni Kyle ang nakita ko. Napaatras ang lalakeng katabi ko ngayon sa kama. Isang gwapong mukha na hindi pamilyar ang tumambad sa akin. Tinakpan nito ang kanyang katawan at nakipag agawan sa akin sa kumot. "Who the f*ck are you!?" sigaw niya. "A-Anong--huwag mo 'ko murahin! Ikaw, sino ka? Nasaan si Kyle?" sigaw ko. "Kyle? Then where's Celine! You are not Celine!" sigaw nito sa akin pabalik. Napaawang ang labi ko, tila ba gumuho ang aking mundo nang maisip na ibinigay ko ang aking sarili sa lalakeng hindi ko kilala. "F*ck! You're not the woman I invited," bulong niya at kumuha ng isang checkbook. "A-Anong gagawin mo diyan?" tanong ko. "I will give you one million, I don't want anyone to know about this," seryoso niyang sambit. "Bakit? Kung makapagsalita ka parang ikaw yung nawalan! Sino ka ba?" inis kong sambit. "You don't need to know me. If someone knew about what happened between us, I'll come back for you," aniya at ibinigay sa akin ang papel na may nakasulat na isang milyon. Napaawang ang labi ko. Puno ng pagsisisi ang puso ko. Tumayo ang lalake at nagsuot ng kaniyang saplot. Pinanood ko siyang lumabas ng silid, habang ako ay nanatiling nakatulala sa kawalan. ***************

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook