INLOVE

2035 Words
XYRUS JAVI's POV Ngayon lang ako umalis sa dagat na yun na may mga ngiti sa labi. Ang sarap at ang gaan lang sa pakiramdam. Lalo na at kasama ko siya. Kahit ayoko pa sanang umalis kami, kailangan eh. Kaya napagpasyahan na din naming umuwi. Nalungkot ako nung malaman kong ngayon pa lang siya nakapunta sa lugar na lagi kong pinupuntahan. Pero may bahagi sa loob ko na masaya dahil sa first time niyang pumunta sa dagat, at ako pa ang kasama niya. Anyways, thanks to my bestbud. Flashback "Sabihin mo nga sakin, bakit ang sungit mo?" Pangungulit ni Steven. "Wala." Tipid na sagot ko tapos ay binatukan niya ako. "Aray! Ano ba?!" Reklamo ko. "Ano ka chicks? Sabihin mo na nga kasi." Pagmamaktol niya. Kahit nahihiya akong sabihin kung ano problema ko, sinabi ko pa rin sa kaniya, baka sakaling may maitulong. "What? Hahaha!" Yan reaction niya ng sinabi ko sa kaniya problema ko. Anong problema ko? Problema ko kung bakit nauutal ako kapag kasama o malapit sakin si Summer. Hindi ko mapigilang mabulol o mamula. Lalong hindi ko mapigilang mahiya. Makikita ko pa lang siya kusa ng umuurong ang dila ko. Ang bakla ng dating. Takteng yan. "Gago ka pala eh, kala ko naman may maitutulong ka." Inis na sabi ko sakanya. "Ang dali lang naman kasi ng problema mo, pinoproblema mo pa talaga? Por pabor Valderama, ikaw lang makakatulong sa sarili mo." "So you mean, wala ka talagang maitutulong?" "Wala. Hahaha!" "Gago! Umalis ka na nga." "Haha. Oo aalis na ako. Basta, maging normal ka lang kapag kasama mo siya. 'Wag kang indenial o defensive para hindi ka nagmumukhang tanga. Hahaha! At ang mahalaga, i-enjoy mo lang ang bawat minuto, oras o araw na kasama mo siya." End of Flashback Ganun lang pala kasimple. Haha. "Xy?" Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pa pala ang babaeng mahal ko. Nasa loob pa din kami ng kotse at bumabyahe. "Nagugutom ka na? Gusto mo kumain muna tayo?" Nakangiting tanong ko. Nagiging komportable na akong kasama ko siya. Isang ngiti lang galing sa kaniya nabubuo at kompleto na agad ang araw ko, paano pa kaya kung ganito kami lagi. Ang sarap mabuhay. "Hindi naman ako gutom. Hmm. P-Pwede magtanong?" Parang nag-aalangan pa siya sa sinabi niyang iyon. "Nagtatanong kana nga eh. Haha." Sabi ko para kahit papano matawa siya. "Ay? 'Wag na nga lang." Biglang bawi niya. Ang bilis naman magbago ng isip nito. Natawa na lang ako. Ang cute niya kasi. Para siyang bata. "Sige na, ano 'yun?" Sabi ko na palipat lipat ang tingin sa kalsada at sa kaniya. "Huwag na. Ayoko na." Nakangusong sabi niya. Ano ba yan. "Tss! Ano nga kasi yun? Dali na." "Saan galing si Xymer?" Seryosong tanong niya. Sa'yo, 'diba ikaw ang mommy niya at ako naman ang daddy niya. Nabuo siya dahil sa pagmamahalan natin. Gusto ko sanang yan ang sabihin sa kanyia kaso baka magalit siya sakin kaya 'wag na lang. Hehe Yun lang kaya? "Uhm, galing pa sa Europe yun. Dun ko in-order." Nagtataka ako sa reaction niya na parang gulat na gulat kaya nagtanong ako. "Bakit?" "Eh para san yung secret pocket?" Tanong niya ulit. This time, mata ko naman ang lumaki dahil sa tanong niya. Nakita niya na kaya? Patay. Nakakahiya! Bakit kasi nagpadala ako sa sulsol ni Daylisan! Think. Think Xyrus. "Ah. Haha. Ano yun, wala yun. Haha. D-Design. Tama! Design lang yun. Hahaha!" Natatarantang sagot ko. Lintik yan! Hindi ko alam kung saan ko napulot ang pinagsasabi ko. Sakto naman na nandito na kami sa bahay nila kaya naiba ko agad ang usapan. "Oh, nandito na tayo." Sabi ko na nakangiti. "Pansin ko nga." Sabi niya sabay baba sa kotse ko. Hanep. Muntikan na. Bumaba na din ako sa kotse tapos ay nagpaalam ng maayos kay Tito bago ako tuluyang umalis sa kanila. Pauwi pa lang ako ng bahay, namimiss ko na agad siya. Hindi ko na talaga maipagkakaila. In love na talaga ako sa Awawa ko. SUMMER's POV Pagdating ko ng bahay, dun ko lang naramdaman ang sobrang pagod ng katawan ko. Umakyat ako sa kwarto ko para magbihis pero hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa sunod sunod na katok ng Papa ko sa labas ng kwarto ko. "Sunod na po ako Pa, magpapalit lang ako ng damit." Sigaw ko para marinig niya. Ilang sandali lang ay bumaba na din ako para sabay kaming kumain. "Natulog ka ba anak? Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto mo hindi ka naman sumasagot." Napagod talaga ako. "Nakatulog lang po siguro ako." "Natulog ka nang hindi pa nagpapalit ng damit?" "Nakalimutan ko na po eh." Sabay kamot ko sa ulo. "Oh siya sige, kumain ka na." Kumuha naman ako ng konting kanin at chopsuey at nilagay ito sa plato ko. Hindi pa nakuntento ang Papa ko dahil nilagyan niya pa ang plato ko ng porkchop. "Ito pa oh." Sabi niya sabay lagay. "Dagdagan mo nga yang pagkain mo anak." Kahit wala akong gana kumain ay pinipilit ko pa din dahil ayokong mag alala na naman siya sakin. Ang hirap ng ganito. "Nak, kamusta pala lakad niyo ng boypren mo?" Awtomatiko akong napaangat ng ulo para tingnan siya. Nakangiti siya sakin ngayon at naghihintay ng sagot ko. Sobrang saya ko ngayong araw. "Masaya po. Napakasaya ko sobra! Alam niyo po ba na sa dagat kami pumunta? Ang saya po pala dun. Para nga kaming batang naghahabulan ni Xyrus--- Pa, ayos lang po kayo?" Biglang tanong ko dahil napansin ko sa mga mata niya na parang may namumuong mga luha dito. Naiiyak ba siya? "Pasensya ka na anak..." Sabi niya na pinunasan naman ang tumulong konting luha sa pisngi niya. "...masaya lang ako na masaya ka." Pagpatuloy niya. "Papa naman eh. Ang drama mo." Sabi ko sabay ngiti tapos ay tumayo ako at lumapit sa kaniya para yakapin siya. "Basta tandaan niyo po na wala nang mas sasaya pa kapag kasama ko po kayo." Hindi siya nagsalita pero alam ko na nakangiti siya dahil sa sinabi ko. Mabilis kaming natapos kumain at tinulungan ko naman siya sa pagliligpit ng pinagkainan namin pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Napangiti ako nang bumungad sakin si Xymer sa kwarto ko. Sa tabi siya ng kama ko nakalagay, gustuhin ko mang ilagay siya sa kama, hindi pwede kasi sobrang laki niya. Bigla naman sumagi sa isip ko si Xyrus. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kaniya. Ni mag sorry pala hindi ko pa din nagawa. Nakakatuwa. Nahiga ako sa kama ko habang nakatagilid at nakaharap kay Xymer. "Hi Xymer, kamusta ang araw mo?" Pag uumpisa ko. "Alam mo ba na ang saya ng araw ko ngayon? Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Haha! Sabihin mo nga pala dun sa nagbigay sa'yo na salamat kasi pinasaya niya ako. Salamat kasi naramdaman ko ulit maging masaya, yung totoong masaya. Salamat din kasi kahit sandali nakalimutan ko ang kalagayan ko." Napayuko ako dahil nagbabadya ang mga luha sa mata kong kanina pa gustong bumagsak. "Bakit ako naiiyak? Haha!" Parang tanga kong pagkausap sa sarili ko. "Basta Xymer, sabihin mo sa kaniya yan ah. Hindi ako nagkakaron ng pagkakataong masabi sakanya yan lahat eh. Alam mo naman yun, baka lumaki ang ulo." Nakangiting dagdag ko. Inayos ko ang pagkakahiga ko at lumapit sa kaniya. "Goodnight Xymer." Sabi ko sabay halik sa noo niya. Pagkatapos ay mahimbing na akong natulog. Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nakalagay sa study table ko. Muntik na akong matumba dahil sa biglaan kong pagtayo. Papatayin ko sana ang alarm clock pero nahihilo ako, sobra. Naupo muna ako ng ilang minuto. "Not now please." Usal ko. Dahan-dahan akong tumayo at humarap kay Xymer para batiin ito. "Good morning Xymer." Sabi ko sabay halik sa noo niya. Pagkatapos ay napagpasyahan ko ng pumasok sa cr para maligo. Habang naliligo, nanlumo ako sa nakita ko sa katawan ko. Dalawang pasa sa binti at isa sa braso. Napaupo ako bigla. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Halo-halong emosyon na naman ang naramdaman ko. "Bakit kailangan mo pang bumalik?!" Galit na sabi ko habang pilit na inaalis ko ang mga pasa sa katawan ko. Habang umaagos ang tubig sa katawan ko dahil sa shower, umaagos din ang luha sa mga mata ko. Hinayaan ko lang na umiyak ako ng umiyak. Ang sakit sa dibdib. Parang may bombang gustong sumabog sa loob nito. Pilit ko nang iniwasan ang nakaraan pero ngayon kusa na namang bumabalik ito. I was seven years old nung madiagnosed ng doctor na may sakit ako. Leukemia. Isang cancer sa dugo kung saan may abnormal na production ng white blood cells at tinatalo ang normal white blood cells, red blood cells at maging ang platelets. Wala na ang Mommy ko kaya tanging ang Papa ko nalang talaga at ang Tita Ninang ko ang kasama ko mula nung magkaisip ako. Si Tita Ninang din ang sumasama at nag aalaga sakin nung time na panay ang balik ko sa hospital, dahil busy sa trabaho ang Papa ko. Pero ngayon, nasa States na siya kaya kami na lang ng Papa ko ang magkasama. Twelve years old ako nung maintindihan ko ang kalagayan ko. Mahirap pero kinalaunan unti-unti ko ding natanggap na hindi na ako magtatagal sa mundong ito kaya madalas akong mag drop out nun sa school. Pero nung sumapit ang 15 years ko sa mundong ito, nagkaroon ng himala. Sinabi sa akin ng Papa ko na unti-unti nang namamatay ang impeksyon sa dugo ko, na malapit na akong gumaling basta lagi lang daw akong magpapagamot. Ang saya ko nun. Sobrang saya. Bumalik ulit ako sa pag aaral ngayong taon dahil sa paniniwala na okay na ako. Although, sinabi ng doctor na posibleng bumalik pa ang sakit ko, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang pagbalik. Kung kelan okay na ako. Kung kelan masaya na ako. Kung kelan may mga kaibigan na ako. Bakit ako pa? Bakit sakin pa? Bakit hindi nalang sa iba? Ang dami kong tanong. Tanong na hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan. Ilang oras na akong nakababad sa tubig pero parang ayaw ng katawan kong umalis. Pakiramdam ko nanghihina ako. "Nak! Bilisan mo na diyan, kanina pa nandito ang boypren mo." Sigaw ng Papa ko sa labas. Si Xyrus. Tama. May pasok kami. Hindi ako pwedeng sumuko na lang at ipakita sa kanila na nanghihina ako. Hindi. Kaya ko 'to. Mabilis akong nagbanlaw at nagbihis ng school uniform. Mabuti na lang at long sleeve ang pantaas ko kaya hindi kita ang pasa sa braso ko. Pero sa legs, maiksi ang palda namin kaya ano'ng gagawin ko? Alam ko na. Nilagyan ko na lang ito ng conceiler para matakpan at hindi mahalata ang pasa. Pagkatapos ay humarap muna ako sa malaki kong salamin para tignan ang aking itsura. Namamaga ang mga mata ko at pulang-pula pa ito. Tanga na lang ang hindi makakahalata na hindi ako umiyak. 'Badtrip ka Summer! Umayos ka! Kung ayaw mo silang mag alala.' Suway ng isip ko. Naglagay ako ng konting pulbos sa mukha ko at nag lipstick para matakpan ang pamumutla ng labi ko. Ngumiti ako ng tipid habang nakaharap sa salamin. Naiiyak pa din ako pero kailangan ko 'tong gawin para hindi sila makahalata. Nang makalabas na ako sa kwarto ko, pumunta ako sa salas pero wala sila? "Nak, tara dito sa dining area. Mag almusal muna tayo.." Sigaw ni Pa. Akala ko ba nandito na si Xyrus? "Sabi niyo po nandito na ang boyfriend ko---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko na si Xyrus na malapad ang mga ngiti na nakatingin sakin. Nagtama ang paningin namin pero agad akong umiwas ng tingin. "Tara Anak, sabay na tayong kumain--- Teka, anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ng Papa ko. Ayan na. "Napuwing lang po ako." I lied. Bahagya kong tinignan si Xyrus pero nakakunot na ang noo nito. Nang matapos kaming kumain ay agad na din kaming nagpaalam na papasok na. Habang nasa byahe tahimik lang ako. Siya naman ay pasulyap sulyap lang sakin pero hindi naman nagsasalita. Ano kayang nasa isip nito? Bakit simula kanina ay tahimik na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD