XYRUS JAVI's POV
Excited akong umalis ng bahay para sabay ulit kaming pumasok ni Summer.
Umaayon talaga sa akin ang pagkakataon.
Nang makarating ako sa bahay nila, pinapasok muna ako ni Tito dahil hindi pa naman daw lumalabas si Summer.
"Maupo ka na muna diyan. Tatawagin ko lang."
"Sige po."
Nakakailang balik na si Tito sa kwarto ni Summer pero hindi pa din ito lumalabas.
Baka tulog pa?
Siguro nga, namasyal kasi kami kahapon kaya siguro napagod at napasarap ang tulog. Hehe
"Naliligo pa ang anak ko. Pag pasenyahan mo na yun Xyrus, kilos pagong talaga ang batang iyon." Paliwanag ni Tito nang makabalik siya sa sala.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.
Ang totoo niyan, hindi pa ako kumakain mula nung umalis ako ng bahay. Excited na kasi akong makita ang bumubuo ng araw ko eh.
Ang bakla ng dating ko. Takte
Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit.
"'Wag ka ng sumagot. Halika at sumabay ka na saming mag almusal."
Ngingiti-ngiti naman akong sumunod sa kaniya. Haha
Maya-maya lang ay sumigaw si Tito.
"Nak, tara dito sa dinning area. Mag almusal muna tayo." Siguro nasa salas na siya?
Nice.
Makikita ko na naman siya. Mabubuo na naman agad ang araw ko.
"Sabi niyo po nandito na ang boyfriend ko---" Hindi niya na natapos ang sinasabi niya nang biglang magtama ang mga paningin namin.
Ang sarap sa tenga na marinig na sa kaniya mismo nanggaling yung salitang 'boyfriend ko'. Kinilig tuloy ako ng konti.
Pero bakit kaya agad niyang iniwas ang tingin niya sakin.
Aww.
Nayuko ko na lang ang ulo ko nung magsalita naman si Tito.
"Tara nak, sabay na tayong kumain--- Teka, anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?"
Awtomatiko akong napaangat ng ulo sa tanong na iyon ni Tito.
Bakit nga ba namamaga ang mga mata niya?
Namumula pa ito na parang sariwa pa sa pag iyak?
"Napuwing lang po ako." Sabi niya.
Napuwing huh?
Hindi ganiyan ang taong napupuwing dahil kahit ako ay napuwing na din.
You lied. Why?
Nasa byahe na kaming dalawa going to school pero pareho kaming tahimik at ayaw magsalita.
I don't have an idea of what happened to her.
Masaya pa lang kami kahapon, kaya anong nangyayari sa kaniya?
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para sabihin niya sakin kung ano ba talaga ang nangyari.
I don't know if she's okay or not.
Pasimple lang ako sumusulyap-sulyap sa kaniya habang nagmamaneho at siya naman ay nakatingin lang sa labas.
Pag aksidenteng nagkakatinginan kami ay ngumingiti siya sa akin pero alam kong may mali. Napapansin kong kahit nakangiti siya, parang sa loob nito ay may nagtatagong lungkot. Lintik na!
Nang malapit na kami sa school ay agad kong niliko ang kotse ko sa ibang daan.
Nagulat siya sa ginawa ko pero wala siyang sinabi o hindi man lang siya tumutol.
Hindi pa din kami nag iimikan kahit nung tinigil ko na ang kotse ko sa gilid ng park.
I thought magsasalita siya but I was wrong.
Shit!
This is awkward!
What am I supposed to do?
Think Xyrus!
Ikaw ang lalaki, come on.
Bumuntong hininga muna ako ng sunod-sunod bago nagsalita.
"Summer..."
"Grabe kung makabuntong hininga ah. Ang lalim nun!" Bahagya siyang tumawa habang nagsasalita pero nanatili akong seryoso. "Bakit nga pala hindi tayo sa school dumiretso? Balak mo mag cutting class no?" Dagdag niya pa pero hindi ko siya sinagot.
"Bakit ka umiyak?" Diretsong tanong ko. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.
Lumaki ng bahagya ang mata niya bago nagsalita. "Ha? A-Anong umiyak ang pinagsasabi mo diyan?"
"Summer. Please, sabihin mo sakin kung may problema ka, handa naman akong makinig sa'yo." I mean it. Alam kong may problema siya, ayaw niya lang sabihin.
"Xyrus." Mahinang usal niya.
"Sige na, umiyak ka na."
Napanganga siya sa sinabi ko.
"A-ano?" Imbis na sagutin ang tanong niya, lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"Iiyak mo na, kung sa palagay mo mababawasan niyan ang sakit ng nararamdaman mo. Sige na, iiyak mo lang. Nandito lang ako lagi. Nandito lang ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan."
SUMMER's POV
"Hala Xy. Bakit mo 'ko kasi pinaiyak?" Pagrereklamo ko habang hindi mapakaling tingin ng tingin sa side mirror ng kotse.
Namumugto ang mga mata ko na halatang galing sa iyak. Hindi ko alam kung bakit nung sinabi niya na umiyak ako ay parang naging sunod-sunuran ang mga luha ko na bigla na lang itong nagsibagsakan.
Ngumiti siya habang nakatingin sakin. "Ano ng nararamdaman mo?"
Nararamdaman? Hm.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko.
Magaan sa loob, parang kahit papano ay naalis yung mabigat na nakadagan sa dibdib ko kanina lamang.
Tumingin naman ako sa kaniya, "Medyo gumaan na nga ang pakiramdam ko." Then ngumiti ako.
Kumunot ang noo niya. "Medyo lang?"
Oo, sa ngayon. Dahil kahit anong pag iyak ang gawin ko, kahit maubos pa lahat ng luha ko, hindi nun mababago ang sitwasyon na mamamatay na ako.
Ngumiti lang ako sa kaniya ng tipid. "Saan na ang punta natin niyan?" Sabay tingin ko sa suot kong relos. "Sobrang late na tayo. Hmp!" Pagrereklamo ko. 'Pag nalaman 'to ng Papa ko mapapagalitan ako nun. Hays.
"Gusto mo bang pumunta sa bahay?"
Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya tapos ay nag isip. Sabagay, siya ilang beses nang nakakapunta samin samantalang ako, ni sa labas ng bahay nila hindi ko pa nakikita.
"Sige ba." Sabi ko sabay ngiti.
Atlast, makikita ko na ang palasyo nila.
Habang nasa byahe, nakasandal lang ako sa may bintana ng kotse niya kaya hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Hey."
"Hmm."
"We're here." Napadilat ako bigla dahil sa narinig.
"Nakatulog pala ako." Siguro dahil na din sa sobrang pag iyak. Mabuti na din yun para napahinga ko ang mata ko.
"Yeah. You're like sleeping beauty." Sabay ngiti. Anong meron sa ngiti niyang iyan. "Tara na?"
"Ah, oh sige."
Pagbaba ko palang sa kotse niya. Wow. Halos pasukan na ng langaw ang bibig ko sa kakanganga. Literal na nganga.
"B-Bahay niyo yan?" Turo ko sa mansyong nasa harapan ko ngayon. Hindi niya ako sinagot sa halip ay ngumiti lang siya.
Nauna na siyang pumasok pero ako nakatayo pa din sa labas.
Hindi ko pa rin talaga maiwasang mamangha lalo na at simple lang ang buhay namin ng Papa ko.
"Hoy, tama na yan. Tara na sa loob!" Sigaw ni Xyrus.
Ano ba yan Summer, napaghahalata ka tuloy.
Sumunod naman ako sa kaniya sa loob.
Kung sa labas ng bahay, humanga na ako, what more pa pala dito sa loob. Grabe! Ang gaganda ng disenyo. Siguro, kung ito ang bahay namin, hindi na ako lalabas ng bahay. Grabehan lang talaga.
Ang sosyal pala ng lalaking 'to eh.
"Nasan pala ang parents mo?" Tanong ko nang makapasok na ako sa loob.
"They're both working abroad." Sabi niya habang nakatingin sakin.
Naglakad pa siya kaya sumusunod lang ako.
"Ah. Kapatid? May kapatid ka?"
"Yeah."
Yun lang yun?
Ang tipid naman sumagot nito. Hmp!
"Nasan siya?"
"School." Napatigil ako sa paglakad nang may mapansin akong picture.
"Siya ba ang kapatid mo?" Turo ko sa malaking larawan na nakadikit sa wall nila.
Si Xyrus at isang bata. Ang cute nung bata, kamukhang kamukha niya. I guess, 9 or 10 years old pa lang siya.
"Yup." K. Ang tipid niya.
Napansin kong naglakad siya ulit pero napatigil din.
"Hey. Bakit titig na titig ka sa picture namin? Ang gwapo ko diyan no?"
Kahit naman ngayon, gwapo ka.
Pero kasi, parang nakita ko na yung kapatid niya or more like, nakausap? Hindi ko lang matandaan o maalala kung saan.
"Ah. Haha." Sinundan ko kung saan na siya papunta.
Sa kusina?
"Magluluto ka?" Curious na tanong ko. Hindi niya ako sinagot dahil may kinuha itong kung anong bagay sa ref tapos ay binato sakin. Buti na lang nasalo ko. Hmf
Pagtingin ko sa hawak ko. Woah! "Ice cream?"
"Ayaw mo?"
"Hindi. I mean, oo. Gusto ko!"
Namiss ko kumain ng ice cream. Excited na tuloy ako ubusin to pero...
"Pano ko makakain 'to?"
Tumawa naman siya dahil sa tanong ko tapos ay kumuha ng maliit na kutsara.
"Oh ayan." Nginitian ko naman siya. "Sandali, tawagin ko lang si Manang. Upo ka muna diyan."
May kasama pala siya. Siguro katiwala? Sabagay, alangan naman wala.
"Sige." Sabi ko na lang.
Habang umalis muna si Xyrus para tawagin si Manang daw, ay sarap na sarap naman akong kainin 'tong ice cream na cookies 'n cream na flavor.
"Opo, Manang." Narinig kong sabi niya. Pabalik na siguro siya.
"Dun na muna tayo sa taas. Nagpahatid na lang ako ng makakain natin kay Manang." Sabi niya nang balikan niya ako.
"Laaah, pano 'to?" Turo ko sa hawak kong ice cream.
Tumawa naman siya ng konti bago nagsalita. "Eh di dalhin mo." Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun.
Habang papunta na kami sa hagdan nilang paikot pero napakahaba ay panay pa din ang kain ko ng ice cream.
"Hindi ko alam na, hilig mo rin pala yan." Ngingiti ngiti pa siya habang naglalakad kami.
Syempre, ang sarap kaya ng ice cream. Hehe
Nang makatapat kami sa isang pintuan, tumingin siya sakin tapos ay ngumiti.
"Papasok tayo diyan?" Turo ko sa pintuan. Hindi niya sinagot ko ang tanong ko dahil napihit niya na ang door knob at pumasok na siya.
Ah. Tatayo lang ako dito?
"Pasok ka." Narinig ba niya nasa isip ko? Hmf
Pagpasok ko sa loob.
Woah.
Astig!
Ang cool!
Ang bango!
Ang linis ng kwarto niya, grabe! Parang hindi kwarto ng lalaki.
Teka, kwarto niya ba 'to?
"Haha! Kwarto ko to, ang linis no? Hindi katulad ng kwarto ng iba diyan..." Nagpaparinig ba siya?
Hmp! Oo na! Sa'yo na malinis. Sa'yo na ang hindi makalat ang kwarto. Ikaw na may napakalaking kwarto!
"Palibhasa mayaman.." Bulong ko sabay lapag nung ice cream ko sa maliit na table niya.
"Wala sa pagiging mayaman ang pagiging malinis sa loob ng kwarto." Sabi niya habang nakatingin sa bintana.
Eh? Nabasa niya na naman ba nasa isip ko?
Magsasalita na sana ako pero nakita kong inaayos niya ang...
..gitara?
"Wow! Marunong kang mag gitara?" Lumapit pa talaga ako sa kaniya para makita nang malapitan ang hawak niya.
Isang blue na gitara.
Favorite color ko.
"Medyo?"
Naupo ako sa tapat niya. "Ang cool naman! Dali, kantahan mo'ko!" Request ko.
"Sigurado ka?"
"Oo naman!" Kumikinang pa ang mata ko habang sumagot.
"Baka mainlove ka sakin niyan kapag narinig mo akong kumanta?"
Tss. Yabang to the max!
"Eh di wag. Daming arte!" Inis na sabi ko sabay tayo. Naglibot libot na lang ako sa kwarto niya.
Ang cool talaga dito.
May study table, may maliit na sofa na babagay lang sa tema ng kwarto niya. Sa dingding maraming poster na nakadikit, tapos may mga bola ng basketball na nakabitin sa kisame. Alam niyo yun, yung parang ginawang design, basta ang cool ng dating.
Bigla akong nakaramdam ng pagkaihi. Buti nalang naiihi lang ako, andami ko pa namang nakaing ice cream. "Saan cr mo?" Biglang tanong ko.
"Dun sa dulo oh, yung may blue na pinto." Tumango na lang ako tapos ay naglakad papunta sa tinuro niya.
*tok! tok!*
May narinig naman akong kumatok kaya napatigil ako sa paglakad.
"Iho, miryenda na muna kayo..." Narinig kong sigaw sa labas. Ah. Baka si Manang.
"Pasok niyo na lang po Manang." Sagot naman ni Xyrus.
Dumiretso ako sa sinasabi niyang color blue na pinto. Yung isa kasi color light blue lang ang kulay. Hindi naman halata na blue din ang favorite color niya? Astig! Parehas kami. Haha.
Pumasok na ako sa cr para magbawas ng tubig sa katawan pagkatapos ay naghugas ako and then lumabas na.
"Sige po, salamat Manang.." Narinig kong sabi ni Xyrus maya maya lang ay may narinig ako na na nagtutugtog ng gitara at kumakanta.
Ang ganda ng kanta. Pati yung boses.
Shems!
Si Xyrus ba yung kumakanta?
Mabilis akong nakalapit sa kaniya. Hindi ko maisip na may ganito palang talent 'tong lalaki na 'to.
"Ang galing!" Pumalakpak pa ako habang amaze na amaze sa ginawa niya.
Ang ganda ng boses niya. Ang galing pa mag gitara.
Mukha namang nahiya siya sa sinabi ko. Haha. Marunong din naman pala tong mahiya.
"K-Kanina ka pa diyan?"
Nakangiti ako ng todo habang tumatango-tango.
"My Love title nun diba? Ang ganda! Para kanino yung kanta na yun?"
Nabigla siya sa tanong ko, tapos ay tumingin siya sa malayo, siguro ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
"Okay lang kung ayaw mong---"
"Para sa kababata ko." Diretsong sagot niya.