KILIG TO THE BONES

1632 Words
XYRUS JAVI's POV Shit! I can't take this anymore. Kailangan ko ng makausap si Summer kaya bukas na bukas din I will talk to her. Nagdaan ang gabi na wala akong tulog. Kahit anong gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Kaya ang kinalabasan, nangingitim ang mga mata ko nang pumasok. Campus. "Dre. Did you Summer?" Tanong ko kay Steven nang magkita kami. "Hindi pa, kadarating ko lang---" "Sige salamat." "Hoy! San ka pupunta?" Sigaw niya dahil tinalikuran ko agad siya. Pupuntahan ko si Summer sa classroom nila. Sakto naman na nakita ko yung Red na kasama niya dati. "Hoy." Tawag ko sakanya. Nagtataka siyang lumingon. "Look who's here Pare." "Nandiyan na ba si Summer?" Diretsong tanong ko. Binigyan niya naman ako ng bakit-mo-siya-hinahanap-look. "Nandiyan na ba siya?" Tanong ko ulit. "Bakit?" "Boyfriend niya ako kaya may karapatan akong malaman." "Ow? Boyfriend pala. Eh bakit hindi mo alam na ilang araw na siyang hindi pumapasok?" Pang iinis niya sakin. Bahagya pa itong ngumiti ng kaunti. "Ano? Ilang araw na siyang hindi pumapasok?" Pag-uulit ko. "Oo. At ang kumakalat na balita dito ay magda-drop out na daw siya. Wala ka naman sigurong kinalaman kung bakit hindi na siya pumapasok? Hindi ba?" Nakuyom ko ang palad ko sa sinabi niya. "Gago ka ah!" Sigaw ko. "Mas gago ka!" Dahil sa init ng ulo ko, nasuntok ko siya. Nang makabwelo, sinuntok niya din ako. Nagsuntukan kami kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang studyante pero sige pa rin kami sa suntok. "Mr. Valderama and Mr. Natividad go to guidance office now!" Sabay kaming napatigil nang may sumigaw. Matapos kaming sermunan ng Dean ay agad akong lumabas at dali-daling umalis. "Tol! San ka pupunta? Teka--- Anong nangyari sa'yo?" Tanong sakin ni Steven ng makasalubong ko siya. Hindi ko siya tinignan at mas lalong hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makalabas na ako sa school. "Aaaargh!! f**k!" Inis na sigaw ko habang nasa kotse ako. Naiinis ako! Amputakte! LYLE ASHTON's POV Hindi ko akalain na ganito ang mapapasok kong sitwasyon. Alam kong sa una pa lang ay mali na pumayag akong magpanggap bilang kababata ni Summer pero wala akong magawa. Flashback "Come on L, magpapanggap ka lang bilang long lost childhood friend niya, is it too hard for you?" Pagpipilit niya sakin. "Mam, ayoko lang makasira o makasakit ng damdamin ng ibang tao." Seryosong sagot ko. "Haha! So, are you telling me now na ayaw mo sa pinapagawa ko?" Hindi ako sumagot. Sapat na iyon para malaman niya na ayoko sa pinapagawa niya. "Baka naman nakakalimutan mo na kung ano ang naitulong ng family ko sa mother mo?" Nakasmirk na sabi niya. Hindi talaga ako nagkamali. Alam kong iuungkat at isusumbat niya na naman ito sa akin. Nagkasakit ang mommy ko before, kaya kinailangan namin ng malaking pera para sa pagpapagamot, tanging ang family lang ni Cassey ang tumulong samin kapalit ang kondisyong magiging sunod sunuran ako sa gusto niya. "Sinabi ko naman po na ibabalik ko sa'yo ang perang ginastos namin." Pagmamatigas ko. "Oh my dear Lyle, d'you think papayag ako? Haha! I'm sorry but I don't need the money." Nakangiting sabi niya. Lalong hindi ako nakapagsalita. Maimpluwensya ang pamilya niya at alam ko yun. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ako pumayag sa kondisyon niyang iyon. "I'll call you nalang about the info nung kababata niya, don't worry L, magiging madali lang ito sa'yo. Xiao!" Pagkatapos ay iniwan niya na akong naguguluhan. End of Flashback And that's it. Tapos ako ngayon ang naiipit sa sitwasyon. Nakokonsensya ako. Mabait na tao si Summer para lokohin lang, maging ang Papa nito ay napakabuting tao, ano'ng gagawin ko? Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may tumawag. Si Cassey. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag niya. "Hello Mam?" ["Oh L, kamusta kayo ng kababata mo? Hahaha!"] "Mam, ayoko na." Alam kong magagalit siya pero bahala na. ["Huh? What do you mean?"] "Itigil na natin ito, may leukemia si Summer. Ayoko na magpanggap..." Pagkatapos ko 'tong sabihin ay pinatay ko agad ang cellphone ko. Ayokong magkaron pa siya ng kontak sakin. Ayoko na. Hindi maaatim ng konsensya ko na saktan si Summer. Mabait siyang tao. CASSEY's POV "Itigil na natin ito, may leukemia si Summer. Ayoko na magpanggap…" "What?---" *tooot----* That bastard! Bakit niya ako pinatayan ng cellphone. Argh! Wait, what did he just say? 'May sakit si Summer?' Oh my god! Alam kaya ni Xyrus na may sakit ang babaeng yun? Lemme call him nga. *Calling Babe* "The number you have dialed is either on attended or out of coverage area, please try your call later..." Dammit Xyrus! Bakit hindi kita makontak? How about Steven? Does he know kaya? *Calling Steven* ["Oh hey Cassey,"] he said. "Hi Steeve, I just want to ask sana if Xyrus is okay?" ["That punk? Haha. Ewan ko dun, pero sa tingin ko hindi. Masyado yatang dinamdam ang hindi nila pagpapansinan ng childhood crush niya. Napaaway pa kanina---"] "What? Napaaway saan? What happened?" ["Hindi ko rin masyadong alam ang detalye, hindi naman sinasagot ang mga tawag ko eh."] Paliwanag niya. "How about dun kay Summer, do you have any news?" ["Balita? Haha. Bakit para yatang bigla kang naging interesado kay Summer?"] Duh. I rolled my eyes. "Uhm, it's just that, concern ako kay Xyrus, you know naman how much I love him, ayoko lang na saktan siya nung babae na yun. That's all.. So, ano?" ["I see. Ayun, ilang araw na daw palang hindi pumapasok. And ang balita din ay magda-drop out na siya---"] "Really? Does Xyrus know the reason why Summer is going to drop out?" ["Kahapon lang niya nalaman, so am I. And we don't have any idea kung bakit kailangan niyang huminto sa pag aaral..."] "So, it's true pala." ["Anong true? Sandali may alam ka ba?"] "Ah. Nothing. Ge Steeve thanks for your time, bye!" And I ended the call. So, as far as I know, wala silang alam kung bakit magda-drop out ang babaeng yun? Hahaha. Poor b***h! Ako pa ang unang nakaalam. *evil smile* XYRUS JAVI's POV Totoo kaya ang sinabi nung Red na iyon na ako ang dahilan kaya hindi na pumapasok si Summer? Hindi ako papayag. Hindi 'to pwede mangyari. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay nila. Wala akong pakialam kung anong itsura ng mukha ko, ang mahalaga sa ngayon ay makausap ko siya. Pagdating sa gate nila, hindi ko na kinailangang mag doorbell dahil nakabukas naman ito, kaya dumiretso na ako sa pintuan. *tok tok tok* Nakakailang katok pa lang ako nang bigla itong bumukas. Nakatinginan kami ng ilang segundo. 'God! I really miss her so much!' Ngingiti na sana ako kaso bigla niya ulit sinarado ang pinto at napansin kong tumakbo palayo. Naiwan naman akong nagtataka. Anong nangyari dun? Ilang minuto lang, bumalik din siya agad. At pinagbuksan ulit ako ng pinto. "H-Hi." Pagbati niya. "Summer.." Pag uumpisa ko. "I'm sorry." Nakayuko kong sabi. "Ha? Bakit ka nagsosorry? Haha!" Sagot niya. Napatingala naman ako at napatingin sa kanya na nagtataka. Nakangiti siya sakin ngayon. Yung mga ngiting namimiss ko. "H-Hindi ka galit sakin?" Tanong ko. "Bakit naman ako magagalit? Ako nga tong dapat humingi ng sorry kasi iniiwasan kita.." Nakangiti pa ding sagot niya. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko. "Magda-drop out ka daw, totoo ba?" Nagdadasal ako na sana ay hindi iyon totoo. Na sana ay mali lang ang bali-balita. Tumingin siya sa malayo, at huminga ng malalim. "Hindi yun mangyayari. Bakit naman ako magda-drop out? Nilagnat lang ako kaya hindi ako nakapasok ng ilang araw---" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil niyakap ko na siya. Salamat po Lord. Ngayon, magiging mabait na ako sakanya. Hindi ko na siya iinisin o babadtripin. "T-Teka, hindi ako makahinga. Haha!" Pagrereklamo niya. Hindi ko namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakayakap ko sakanya kaya bumitaw ako agad. "Ah. Hehe. Sorry. Bukas, sabay tayong pumasok ah? Dadaanan kita dito.." Malawak ang pagkakangiting sabi ko. "Baka hindi muna ako pumasok ng ilang araw--" "Bakit? Teka, may masakit pa ba sa'yo? Uminom ka na ba ng gamot mo? Baka naman nagpapalipas ka ng pagkain. Umayos ka nga, nakita mo ng ang payat-payat mo na baka nagda-diet ka pa!" Dire-direstong panenermon ko. Nagkunot ang noo niya tapos ay humalakhak sa tawa. "Hahahaha!" "Bakit ka tumatawa?" "Para ka talagang timang eh noh? Daig mo pa ang papa ko makasermon eh." Nakanguso niyang sagot. Aww. Parang gusto kong hilain at iuwi ang nguso niya. Ang cute niya talaga. "Ngingiti kana lang ba diyan?" Sabi niya kaya agad akong sumeryoso ng mukha. Tae. Baka isipin nito kilig na kilig ako kahit totoo naman. Haha "Kelan ka makakapasok niyan?" "Hm. Tatawagan nalang kita." Nakangiti niyang sagot. "Amin na cellphone mo." Sabi niya tapos ay tinype niya na ang number niya sa cellphone ko. Pagkatapos ay binigay niya na ito sakin "Okay, waiting shed ka naman eh." Nakangiti kong sabi. "Waiting shed?" "Oo, kasi handa akong maghintay para lang sa'yo.." Sabay ngiti ng napakalawak. Haha Tumawa siya. "Ikaw Xyrus ah, kelan ka pa natuto sa mga ganyan ha?" Sasabihin ko ba na mula nang dumating siya naging banatero na ako? Haha. Ang bakla e. "Secret." Tipid na sagot ko. "Ano nga palang nangyari diyan sa mukha mo bakit may mga black eye ka?" Pag iiba niya ng usapan. Napalitan naman ang mukha niya ng pag aalala. "Ah, heto. Wala to. Hehe!" Pag iiwas ko sa tanong niya. Ayokong mag-alala siya kahit gusto ko. Ay basta yun na yun. "Sandali lang, gagamutin natin yan." Umalis siya tapos pagbalik ay may dala-dala ng first aid kit. Emeged! Nag aalala talaga siya sakin. Nababakla ako! Inamers talaga! Kinikilig ako Awawa ko ano ba. Hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD