BACK TO SCHOOL

1840 Words
SUMMER's POV Nagsinungaling ako kay Xyrus. Sinabi ko sa kaniya na okay ako, na simpleng lagnat lang ang dahilan kaya hindi ako nakakapasok. Ngayon tuloy nagi-guilty ako. Kahit aso't-pusa kami sa tuwing magkasama, masaya pa din ako na maayos na kami kaya ayokong pati siya ay mag-alala. Kaya mas mabuti ng wala siyang alam. "Oh anak, yung boypren mo yun 'diba? Nakasalubong ko sa labas." Bungad sakin ni Papa ng dumating siya. Naabutan niya akong nakaupo sa sala at malalim na nag iisip. Ngumiti naman ako. "Opo Pa, kaalis niya lang." Naupo siya sa tabi ko. "Mabuti naman pala at binisita ka niya. Bakit pala ganun ang itsura nun? At saka bakit parang ang saya nung batang iyon? Wala pa ba siyang alam?" Sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin at nakayukong nagsalita. "Hindi ko po sinabi sa kaniya." "Bakit? Hindi ba dapat malaman niya dahil boypren mo siya at girlpren ka niya?" Tumingin ako sa kaniya. "Anak, karapatan niyang malaman ang tungkol diyan sa sakit mo." Nalungkot ako sa isipin na paano kung malaman niya nga tapos iwan niya ako? Paano na ako? Isa pa. "Ayoko pong mag-alala siya." Bumuntong hininga si Papa bago muling nagsalita. "Yung kababata mo ba alam niya?" Tumango ako. "Opo." "Eh parang hindi naman yata tama yun anak? Yung boypren mo walang alam tapos yung kababata mo alam niya---" "Pa, narinig niya lang po sa ospital ang tungkol sa sakit ko kaya niya nalaman." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Narinig? Aba eh, tsismoso naman pala ng kababata mong iyon at nakikinig sa usapan ng may usapan." Ang Papa ko talaga. "Pa naman." "Hay naku Summer. Oh sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." Utos niya pero hindi ako tumayo. Nanatili akong nakaupo sa sofa. "Summer, ayos ka lang?" "Pa." Pag uumpisa ko. "Gusto ko pong pumasok." Napatingin naman siya bigla sakin bago nagsalita. "Anak naman. Diba pinag usapan na natin iyan. At mahigpit na pinagbabawal ng doctor na magpagod ka." "Hindi naman po ako magpapagod eh. Mag aaral lang po ako." "Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" "Sige na po, please?" Pagpilit ko hoping na magbago ang isip. "Hindi. Magpahinga ka na." Sagot niya tapos ay tumayo ito at pumunta na sa kusina. Hays. Kinabukasan. "Nainom ko na po ang gamot ko. Aalis na po ako---" "Sandali! Ihahatid kita." "Ah. Haha. Oo nga po pala. Sige po." Sagot ko na dali-daling sumakay sa kotse niya. Sa wakas. Nakumbinsi ko din ang Papa ko na pansamantalang bumalik ako sa pag-aaral. Yun nga lang, ang dami niya ng ipinagbawal sakin. Nakiusap din ako sa Papa ko na 'wag ipaalam sa school ang kalagayan ko dahil ayokong kumalat ito at kaawaan ako ng iba. "Nandito na tayo anak." "Papa, salamat po." Malapad na ngiting sabi ko. "I promise po na magpapakabait ako this time, iingatan ko din po ang sarili ko para hindi kayo mag-alala sakin." Sabi ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. "Sige Summer, mag enjoy ka lang basta 'wag ka magpapagod. Yung mga bilin ko sa'yo. Okay?" "Aye! Aye! Captain!" Sabi ko na natatawa bago tuluyang bumaba sa kotse. Nag wave pa ako sa kanya at saka pumasok na sa gate. Halos dalawang linggo din akong hindi nakapasok. Na-miss ko agad ang school na 'to. "Summer?" Lumingon ako sa likod ko nang may tumawag sakin. Napangiti ako nang makilala ko siya. "Steven?" "Great! Buti naman naalala mo pa ako. Hahaha. Namayat ka yata? Hm. Nagpapaseksi ka para kay Pare no? Hahaha!" Bigla naman ako namula sa sinabi niya. Nagpapaseksi? Hindi ko na kailangan niyan dahil matagal na akong seksi. Hehe. "Nasan pala si Xyrus?" "Aww. Yung boypren mo? Haha. Wala pa eh. Hindi kasi nun alam na papasok ka na kaya hanggang ngayon wala pa. Nagiging early bird lang naman yun kapag alam na papasok ka. Hahaha!" Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Nahihiya ako sa tuwing may nagbibiro sakin ng ganito. Nakakailang. "Tara dun tayo sa gymnasium dumaan." Dagdag pa niya at sumabay sa paglakad ko. "Bakit dun? Dito na lang, mas malapit dito eh." Tukoy ko sa dinaraanan ko. Mapapalayo pa ako eh. Baka mapagod lang ako. "Hahaha! Wag kang KJ Summer, ipapakita ko lang ang kabadingan na ginawa ni Xyrus nung hindi ka pa pumapasok." Kabadingan? Dahil na-curious ako sa sinabi niya ay sumama na lang ako. Pagdating sa gymnasium literal na napanganga na lang ako sa nakita ko. "Wow!" Hindi ko mapigilang mamangha. Napahanga talaga ako sa nakita ko. Si Xyrus ba talaga may gawa nito? Wala pang ibang gumawa sakin ng ganito sa buong buhay ko. "Nagulat ka ba?" Tanong ni Steven na nasa tabi ko pa pala. May kasama pala ako. Nawala ako ng konti sa sarili ko ah. "Siya ba may gawa niyan?" Turo ko sa stage kung saan may nakasulat na malaking "I'm Sorry, Summer." Sa loob nito ay may mga nakalagay na picture ko, nagkalat na picture na nakadikit sa stage. Iba't ibang anggulo, iba't ibang damit at kung saan-saang lugar. May human size na teddy bear pa na mas malaki pa yata sakin. "Actually, nagpatulong siya sakin. Pero lahat ng idea galing sa kaniya. Haha! Nung isang linggo pa yan diyan kaya---" Napatutop ako sandali sa bibig ko. "Sandali, ibig mong sabihin..." Napatigil ako sa sasabihin ko. 'Oh my God Summer. Ang haba ng hair mo.' Nakakahiya pero nakakatouch! Ginawa niya talaga 'tong nasa harapan ko dahil lang dun sa nangyari sa garden? Aww. Ang sweet niya naman. "Yup! Kalat na sa school ang ginawa niya. Dapat nga sana may harana pa kaso hindi ka naman pala pumasok." Parang nanghihinayang na sabi niya. So meaning, may balak sana siyang haranahin ako? 'OMG ulit Summer, paputol kana ng buhok mo!' Sabi ng isip ko. "Tara dun?" "Ha?" "Dun sa stage, kunin mo na din yung teddy bear. Maraming nagbabalak kunin yan eh. Hahaha!" Sabi ni Steven na tawang tawa na. Hindi ako gumalaw. Nakatitig lang ako doon sa stage. "Ikaw na lang." "Huh? Why me?" Kunot noo niyang tanong. Mapapagod kasi ako. "Eh ang laki kaya nun oh." Turo ko. "Hindi ko yun kakayanin." Pagrereklamo ko. Gustuhin ko man na kunin at yakapin agad ito, iniisip ko pa din ang kalagayan ko. Baka mamaya mawalan na lang ako bigla ng malay dito, ayoko mangyari ulit yun. "Aww. Akala ko ayaw mo. Hahaha. Okay." Sabi niya tapos ay lumapit na kami sa stage. Mas lumaki pa ang bear sa malapitan. Hanep. Magkano kaya 'to? Hmm.. "Magkano kaya ang bili nito ni Xyrus?" Wala sa sariling tanong ko. "Hahaha! Bakit? Bibilhin mo?" "Hindi, curious lang ako. Ang laki kasi eh." Namamanghang sabi ko. "Hm, 500 euro lang naman yan---" "500 euro? Hala siya. Bakit gumastos siya ng ganun kalaki para lang diyan?" Namimilog ang mata ko habang nagsasalita. Teka sandali. "Magkano ba ang 500 euro?" "Hmm. It depends sa palit ng euro dito sa bansa natin, pero sa tingin ko aabutin ng 25 thousand pesos." Paliwanag ni Steven na talagang ikinagulat ko. Ganun kamahal? Simple lang kasi kami ni Papa. Eh biruin mo 50 euro nga sobra na saming dalawa lang, kaya sobrang mahalaga sa amin ang pera. Although hindi naman kami nagigipit, sadyang hindi lang talaga kami magastos. "Hahaha. Wala yun kay Tol, kahit nga itong school natin kaya niyang bilhin kung gugustuhin. Kaya walang nagagawa ang staff ng school kahit na ilang linggo pa nakabalandra ang ginawa niyang kabadingan dito sa gym. Hahaha!" Napanganga pa lalo ako sa sinabi niya. Sabagay, hindi na ako magtataka. Halos lahat naman ng student dito galing sa kilalang angkan. Siguro, ginawa niya na din kay Cassey yung ginawa niya sakin ngayon. Tss. "Tara, hatid na kita sa classroom niyo." Sabi niya habang buhat buhat na ang human size na teddy bear. Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. Nang makarating sa room, nagpaalam na din agad siya na pupunta na siya sa room nila. Agad akong umupo at ngayon ay nakakatitig sa malaking bear sa tabi ko. "Nakita mo na pala." Sabi ng boses-lalaki sa likod ko. Lumingon ako. "Oh Pula! Kamusta ka? Teka, bakit may black eye ka din?" Curious na tanong ko nang makita ko siya. Naupo na din siya sa likod ko. "Wala 'to. Ikaw ang kamusta?" Balik tanong niya. "Okay lang ako." Nakangiti kong sagot. "Mukhang marami akong hahabulin na lessons ah." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. "'Wag mong biglain ang sarili mo." Bigla naman akong napatingin sa kaniya. "'Wag ka mag-alala, ako lang naman ang may alam na bumalik ang sakit mo." Sabi niya ulit sabay kindat sakin. Alam niya? Letse. Hindi tuloy ako nakapagsalita. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo." Sabi pa niya habang ginugulo ang buhok ko. "Pula naman eh, ang buhok ko!" Kunwari'y inis na reklamo ko. "Summer..." Napatigil ako sa narinig ko at lumingon. "Xyrus." Mahinang sabi ko. Bago pa lang matapos ang lesson namin, nakita ko ng naghihintay na si Xyrus sa labas. "Mukhang may sundo ka.." Sabi ni Red. Napansin niya rin pala. "Maganda kasi ako. Haha." Pagyayabang ko. Nakita ko namang tipid siyang tumawa. Pano ko ba bubuhatin 'tong bear na 'to palabas? "Ako na muna magbubuhat niyan, ibibigay ko nalang dun sa boypren mo kapag nasa labas kana." Nakangiting suwestiyon ni Red habang nakatingin sakin. Napansin niya siguro na titig na titig ako kanina sa bear. "Yie. Salamat Pula!" Kay sabay kaming lumabas ng classroom. Agad namang tumayo si Xyrus sa pagkakaupo ng makita niyang nasa labas na ako. Nagpalipat lipat naman ang tingin niya sa amin ni Pula kaya bago pa man siya magsalita, inunahan ko na. "Nga pala, Red this is Xyrus. Xyrus si Red." Pagpapakilala ko sa dalawa. Hinintay kong makikipag kamay sila sa isa't isa pero bigo ako. May namumuo yatang tensyon sa dalawang to nang hindi ko alam. Magsasalita pa sana ako pero naunahan ako ni Xyrus. "Ako na magdadala niyan." Pagprisinta niya habang tinutukoy ang human size na teddy bear na buhat-buhat ni Red. Inabot naman dito ni Red yung bear saka malapad na ngumiti kay Xyrus. "Ingatan mo si Summer Pare. Wag mo siyang pinapagod." Sabi ni Red tapos ay tumingin sakin. "Mauna na ako Sum." Pagpaalam niya. "Sige, salamat. Ingat ka." Nakangti ko namang sagot tapos ay tumingin na ako kay Xyrus na nakakunot ang noo. Anyare naman dito? "Hoy! Ayos ka lang?" Tanong ko. "Kaanu-ano mo ba yun?" "Si Pula? Ah. Bestfriend ko yun." Proud na sagot ko. Syempre, gwapo ang bestfriend ko sinong hindi magiging proud dun? Haha "Bestfried-bestfriend, pwe!" He whispered to himselft pero dinig na dinig ko naman. "May sinasabi ka?" "Wala. Sabi ko bukas may parade ang mga bingi, sama ka." Eh? Manonood ako! "Talaga? Yey! Sama ka din!" Natutuwang sabi ko. Ba't di ko alam? Sabagay, hindi na ako updated sa paligid eh. "Seriously? Mag isa ka!" Pasigaw na sabi niya sabay talikod sakin at naglakad. Hala. May nasabi ba akong masama? "Xy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ko habang hinahabol siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD