XYMER

2235 Words
XYRUS JAVI's POV Seriously? Gusto niya akong isama? Ba't di niya isama ang bestfriend kuno niya. Tch "Xy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw niya nang bigla ko siyang talikuran. Sa isip ko naman ay natatawa ako pero diretso pa din ako sa paglakad ng mabilis. "Bilisan mo nga! Ang bagal bagal mo maglakad!" Pasigaw na reklamo ko sa kaniya nung lumingon ako. Pagod na siya agad? "Bakit ka ba kasi nang iiwan, sabay na tayo maglakad. Xyrus, hintayin mo sabi ako eh!" Sigaw din niya dahil medyo malayo na ang distansya namin. Damn! Ang cute niya talaga. "Ano? Hindi kita marinig?" Pang iinis ko para lalo niyang bilisan ang paglakad. Huminto naman ako para makasabay siya sakin. Nang malapit na kami magkasabay, maglalakad na ulit sana ako pero nagsalita siya. "Xy..." Nilingon ko agad siya. "Anong--- Summer?! Ayos ka lang?" Pag-aalalang tanong ko sabay lapit sa kaniya. Inilapag ko din ang hawak kong bear sa tabi niya. She looked pale at pinag papawisan pa siya ng husto. s**t! Natataranta ako kaya pinaupo ko muna siya sandali sa maliit na upuan. "God! Summer, bakit namumutla ka?!" Natatarantang tanong ko. I don't know what to do! "Paki..kuha ng t-tu..big ko sa bag." Utos niya, agad ko naman binuksan ang bag niya at mabilis na kinuha doon ang bottled water. "Here." Nakatitig lang ako sa kaniya habang iniinom niya ang tubig na inabot ko sa kaniya. "Okay ka lang ba? Dalhin na kita sa hospital." Tanong ko ulit matapos niyang uminom. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago nagsalita. "No. Okay na ako. Ikaw ah! Papatayin mo ba ako? Nakita mo ng nagkasakit pa lang ako eh. Sipain kita diyan." Natatawang sabi niya pero hindi ako natawa sa halip ay napayuko ako sa hiya. "S-Sorry." Sambit ko. Nawala kasi sa isip ko na galing pala siya sa sakit. f**k me. "Nauutal ka na naman. Tara na nga, ihahatid mo pa ako diba?" Pag-iiba niya ng usapan. Tiningnan ko ulit siya. "Are you really okay?" "Ano ka ba naman. Malamang." "Sigurado kang okay ka na talaga?" Paninigurado ko dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sakin, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Tumawa muna ito. "Kulit mo din eh no? Oo nga po, okay na ako. Tara na!" Because of that, panatag na akong tumayo at muling naglakad. Ngayon, sabay na kaming naglalakad patungo sa kotse ko. Pagdating sa sasakyan, inilapag ko muna ang bear na hawak ko tapos ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Napansin kong nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti na lang siya. Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Nakakapanibago. Gusto kong magkwento siya para hindi awkward kaso nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nahiya sa kaniya. Kaya ang ginawa ko na lang ay pasimpleng tumitingin ako sa kaniya ng palihim. Hindi ko matandaan kung anong eksaktong araw ako nahulog sa babaeng kasama ko ngayon. Alam ko sa sarili ko na bata pa lang kami gusto ko na siya, pero hindi ko aakalain na tatamaan ako ng husto sa kaniya ngayong malalaki na kami. "Kelan ka huling uminom ng gamot mo?" Biglang tanong niya dahilan para tingnan ko siya. "Ha?" "Sama ka sakin bukas, may parade pala tayo eh." Tapos tumawa siya. Ang cute niya talaga takte! Hindi ko siya na-gets pero ngumiti ako. Yung napakatamis na ngiti. Oo na, ako na ang baliw. Baliw kay Summer. Maya-maya'y nagsalita siya ulit. "Nakakatakot ka pala." Wika niya na nakatingin sa daan. "Bakit naman?" "Kanina ka pa kasi nangiti diyan eh. Wala naman akong nakikitang dahilan para ngumiti ka ng ganyan. Unless..." Tumigil siya tapos siya naman ngumiti. "Unless what?" Tanong ko habang nagdadrive pa din. "Unless kinikilig ka." Pagbibiro niya. Nagbibiro nga ba siya? Mukhang sinapul ako dun ah. "H-Hoy! Ang kapal mo naman talaga. Sinong nagsabing kinikilig ako sa'yo ah? Mahiya ka nga sa hininga mo. Psh!" Parang nagulat naman siya sa sinabi ko tapos ay humagalpak ng tawa. May nasabi ba akong nakakatawa? "Bakit ka tumatawa ha?" Inis na tanong ko. "Wala naman kasi akong sinabing sakin ka kinikilig. Napaghahalata ka tuloy. Hahaha!" Tawa niya pa. "A-Ano?" Tanong ko. Badtrip! Bakit kusang nauutal ako kapag pakiramdam ko hinuhuli niya ako. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya, maya-maya lang ay nagsalita. "Wala. Sige na, magdrive kana." Malumanay na sabi niya. Bakit biglang nagbago ang mood niya Napapailing nalang akong nagfocus sa pagmamaneho. Kelan ko kaya masasabi sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko? Inis. SUMMER's POV "Pasok ka sa loob." Nakangiting sabi ko kay Xyrus nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto dahil mabilis na akong bumaba sa kotse niya. "Uy! Hindi ka ba bababa?" Parang tanga kasing nakatulala lang. Naweweirduhan na talaga ako sa kaniya. "Ha? Ah. O-Oo. Susunod ako." Sagot naman niya tapos ay agad na bumaba sa kotse at kinuha ang bear. Nauna na akong pumasok sa gate. "Pa, andito na po ako!" "Kamusta ang araw ng anak ko?--- Oh, may kasama ka?" Baling niya sa kasama ko. "Opo. Xyrus dalian mo naman diyan." Natatawang sigaw ko. "Hi po Tito, good afternoon po." Magalang na bati niya sa papa ko habang karga-karga ang bear. "Ano yang dala mo?" Curious na tanong ni pa. Bear po Pa. Hmf. "Regalo niya po sakin. Ang ganda ko po kasi. Haha" Pagyayabang ko. Lumapad naman ang ngiti ng Papa ko. "Tara sa loob Xyrus, ang laki naman niyan. Buti at hinatid mo ang anak ko. Hindi mo naman ba siya pinapagod?" "Pa naman. Tara Xy." Paghila ko sa kaniya. "Maupo ka muna diyan sa sala. Magbibihis lang ako." Sabi ko na nakangiti. "S-Sige." Lumingon ako nang may naalala. Nakita ko naman na nakaupo na siya. "Ow. Nga pala, pakilagay nalang muna diyan sa tabi si Xymer." Bilin ko. "Xymer?" Kunot noo niyang tanong. "Haha. Yang bear kako. Xymer ipinangalan ko. Sige na, wait mo 'ko diyan." Tapos ay kinindatan ko siya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ano bang ginagawa ko? Bakit parang ang sarap asarin ni Xyrus? Ibang iba siya dun sa unang pagkikita namin. Ano nga kayang nangyari sa kaniya at biglang bumait sakin? Although naninigaw pa siya pero hindi na katulad ng dati. Hmm Mabilis akong nagbihis ng pambahay. Oversize t-shirt, shorts and mejas. Ganito talaga kasi ang suot ko kapag nasa bahay lang ako. Dito kasi ako komportable. Nang makabalik ako sa sala, nakita ko namang umiinom ng beer si Xyrus habang kausap ang papa ko. Umiinom siya? Ano naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang 'to? Parang nagkakasundo ang dalawa dahil panay ang tawa ng mga ito. "Ehem!" Pagpapapansin ko. Sabay silang lumingon sa direksiyon ko nang marinig ako. "Oh sige Xyrus, magluluto muna ako sa kusina." Pagpaalam ni Papa sa kaniya. Ngumiti naman si Xyrus nung makita ako. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Tiningnan ko muna siya at ang hawak niya. "Bakit ka umiinom?" "Napainom lang. Masarap pala 'to. Hahaha!" Sabay ligok sa iniinom niya. Nakailan na kaya 'to? Parang gusto ko din tuloy matikman. Hehe "Anong pinag usapan niyo ng Papa ko?" Pag-iiba ko ng usapan. "Ah. Wala. Hahaha." Sabay inom na naman. Uhaw ba siya at panay ang inom niya? "Wala daw? Eh bakit parang ang saya mo naman?" "Ang gwapo ko daw kasi. Haha!" Bigla naman siyang sumeryoso nang makitang nakakunot ang noo ko. "Di, may mga naikwento lang siya. Mag miryenda kana muna oh." Sabay abot niya sakin ng pagkaing nasa tapat niya. "Wala pa akong gana. Hindi ka pa ba uuwi?" Nalungkot naman bigla ang mukha niya. May nasabi ba ako? "Pinapauwi mo na ba ako?" Aba. Papungay pungay pa ng mata. Lasing na ba siya niyan? Tss. "Oo. Baka kasi gabihin ka." "Sayang naman." Bakas sa mukha niya ang panghihinayang. "Eh? Alin?" "Ha? Ah. Haha. Sayang nung pagkain. Hahaha" Wala sa sariling sagot niya. Bakit naman masasayang? "Edi dalhin mo na oh, marami pa sa kusina niyan." "'Wag na, sige alis na ako." Sabay tayo niya. "Hatid na kita sa labas." Pagprisinta ko. Tinignan niya muna ako bago siya nagsalita. "Okay. Paalam lang ako kay Tito." Tumango ako, at nung makabalik siya ay hinatid ko na siya sa may gate. "Sige na---" "May kanin pala kayo?" Kanin? Nagugutom ba siya? "Ha??" Out of curiousity'ng tanong ko. Tiningnan niya ang legs ko tapos ay ngumiti ng nakakaloko. "Kasi binti mo pa lang, ulam na." Nagpupungay ang mga matang sabi niya. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. "Xyrus ang manyak mo!" Umuwi ka na nga!" Inis na sigaw ko. Natawa siya pero bigla rin siyang sumeryoso tapos ay lumapit sakin ng konti. "Kahit cute ka sa paningin ko, ayokong nagsusuot ka ng maiikling short. Pwede kang magsuot ng ganiyan kapag ako lang ang kasama mo. Gets?" Napanganga ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? "Gusto pa sana kitang makasama ng matagal kaso..." Tumingin siya sa baba. "Pinapauwi mo na ako." Tumingin naman siya sakin at saka ngumiti. "Sige, daanan nalang kita dito bukas. Goodnight My Girl." Hinalikan niya ako sa pisngi tapos ay pinaandar niya na ang kotse niya. What was that? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Mabilis na nawala sa paningin ko si Xyrus kaya sinarado ko na din ang gate tapos ay pumasok na ako sa loob. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagluluto ang Papa ko. Naabutan ko naman siyang busy'ng busy sa ginagawa. "Papa. Bakit po uminom yun si Xyrus? Saka, saan galing ang beer na ininom niya?" Sunod sunod na tanong ko. Tumingin muna siya sakin bago tumawa ng mahina. "Pinainom ko lang ng konti, saka yung beer? Binili ko sa labas." "Eh bakit mo po siya pinainom?" "Bakit? Haha. Ang sungit talaga ng anak ko. Hahaha" sabi niya habang naghihiwa ng bawang. Haixt! "Papa naman eh. Wag mo na po uulitin yun ah? Lagot ka sakin kapag pinainom mo pa ulit yun. Hmp!" "Haha. Opo anak ko." Sagot niya na tumatawa. Napanguso na lang ako. Ito talagang Papa ko hindi ko alam kung ano binabalak minsan. "Tulungan na po kita diyan--" "Huwag na, pumasok ka na lang sa kwarto mo at magpahinga." Ito na naman. "Hindi naman ako pagod eh." Paghihimutok ko. "Bilisan mo. Tawagin nalang kita kapag kakain na tayo." "Psh. Balakajan." Bulong ko sabay talikod at naglakad na papunta sa kwarto ko. "Pinasok ko na pala sa kwarto mo yung bear anak." Pahabol na sigaw nito. Kaya pala hindi ko na nakita sa sala kasi nasa kwarto ko na. Pagdating sa kwarto nakita ko agad si Xymer na nakaupo sa gilid ng kama ko. Malapad akong napangiti habang nilalapitan ito. 'Kyaaaa! Ang cute mo talaga!' Hindi ko maiwasang hindi pang-gigilan ang bear kasi sobrang lambot nito. Kulay blue na teddy bear na human size. Aww. XyMer ang naisip kong ipangalan sa bear na 'to unang kita ko palang dito. Pinagcombine ko lang ang pangalan namin ni Xyrus. Cute isn't it? Haha So ayun, dahil wala akong magawa, pinagkukurot ko si Xymer, sinasakal ko, sinisipa, tinatadyakan, nire-wrestling. Nang makaramdam na ako ng pagod ay humiga ako sa kaniya. 'Hay! Ang lambot mo talaga.' Pagkausap ko kay Xymer. Pero napabangon ako bigla dahil may naramdaman akong parang tumutusok sa likod ko. Hinanap ko kung saan at kung ano ang nanunusok sakin at nakita ko ito sa secret pocket ni Xymer. Lumaki ang mata ko sa nakita. May secret pocket ito? Waaah! Ang cool! Nang ipasok ko sa loob ng secret pocket ang kamay ko, may nakapa agad akong matigas na bagay. Teka, ano 'to? Agad ko itong kinuha at napanganga na lang ako sa nakita ko. Cologne Toothbrush Toothpaste Deodorant Lipstick What the hell? Seryoso ba siya na para sakin ang lahat ng 'to? Grr! XYRUS ANONG AKALA MO SAKIN HA?! LAGOT KA TALAGA SAKIN! Inis na sigaw ko sa isip ko. Kinapa ko pa ang laman ng secret pocket. Ang lalim naman ng pocket na 'to. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal ang bili niya nito. "Ano naman 'to?" Tukoy ko sa nakapa ko dahil kakaiba ito. "Stick O?" Kuha pa. "Stick O pa din?" Kuha ulit. "Stick O na naman?" Wow! Tatlong garapon ng Stick O. Pano niya kaya nalaman na paborito ko 'to samantalang hindi naman ako kumakain ng ganito kapag kasama ko siya. Waaaah! Xyrus naman eh. At dahil hindi pa ako nakuntento, kinapa ko pa ang laman ng bulsa nito at napanganga talaga ako sa mga nakita ko. "Panty at bra? Really? Anong akala ng lalaki na yun, wala akong bra at panty? Xyrus talaga! Humanda ka bukas!" Pagbabanta ko. Matapos kong maghalungkat sa secret pocket ni Xymer, nahiga muna ako sa kama ko. May iba pa pala akong nakuha, may tatlong box din ng chocolates, at tatlong box din ng chewing gum. Bukod doon, may mga medyas pa na iba't iba ang kulay. Meron palang ganitong bear no? Parang si Doraemon lang, hindi nauubusan ng laman. Pero infairness, hindi ko akalain na makakagawa siya ng ganito. "Nak, kakain na tayo, bumaba kana diyan." Sigaw ng Papa ko sa labas. Lumabas na din ako at pumunta sa dining area. "Sa sabado pala, magpapacheck up tayo." Seryosong sabi niya habang kumakain. "Sige po." "Isama mo ang boypren mo---" "No need na po Pa." Diretsong sagot ko. Ayokong malaman niya ang tungkol sa sakit ko dahil ayokong kaawaan niya ako once na malaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD