Jema Point of View Last training na namin ngayon so pwede na kami umuwi sa Kanya-kanya namin pamilya. Kaso mag-outing kaming dalawa ni Deanna kaya next week na ko makakauwi, isa pa next week pa ang huling training ni Mafe. "Bye guys." Paalam ko at pinasibad na paalis ang aking kotse. Pumunta ako sa eliazo dorm. Paghinto ng kotse ko sa harap ay tinawagan ko si Deanna. "Wala ako sa dorm, B. Kasama ko si ate Nicole." "Ah ganun? Cge." "Teka, pumunta ka na lang dito sa UPTC. Susunduin kita sa parking lot, bilisan mo." She ended the call. Pinaandar ko na ang papunta sa UPTC ang kotse ko, pagparada ko ay biglang sumulpot sa gilid ko si Deanna. "Nakakagulat ka." I pinched her nose. "Ate mo lang kasama mo?" Nagsimula na kami maglakad papasok. "Nope, kasama namin girlfriend niya." "Niya?"

