Jema Point of View Two Months Later . . . . Mabilis lumipas ang panahon at November na, tomorrow is my birthday but I have a game against Petro Gazz. Katatapos lang ng training ko and sinundo ako ni Deanna sa gym. "Hi." Ngumiti lang ako. "Tired?" Tumango ako. "Okay, let's go." Pinagbuksan niya ko ng pinto at pumasok naman ako. "Wala kayong training?" "Wala, pahinga kasi bukas may game kami." Tumango ako. May surprise kaya siya? Alam niya kaya na birthday ko bukas? Naalala niya kaya? "Uhm . . Meron bang may birthday bukas?" "Huh?" Napatingin siya sakin bago paandarin ang kotse. "Sino may birthday?" Ouch! Langya 'to! Girlfriend ako pero hindi man lang alam na birthday ko bukas. Sakalin kita diyan eh! "Hm . . Wala. Good luck bukas sa game niyo, manalo sana kayo." "Ikaw din, B.

