Deanna Point of View
Papunta kami ngayon sa airport, patungo kami sa bacolod para sa meet and greet.
"Uy Pongs."
She looked at me. "Why?"
"Ganda ng ngiti mo, parang nung isang araw lang sinabihan mo ko ng manloloko at paasa."
"Sorry." Sabay peace niya. "Nadala lang ako."
"Tsk! Muntik pa kami mag-away ni Jema." I sighed. "By the way, bakit ba kayo nag-aaway ni ate Mads?"
"Hindi na kami magka-away, actually . . . ." Nilapit nito ang kanyang bibig sa aking tainga. "Kami na."
"WHAT?!"
Napatingin samin ang ibang tao. "Anong problema, Wong?"
"Wala po coach." I looked at Ponggay. "Totoo?"
"Oo."
"Sabi ko na nga ba may something sa inyo eh." I said.
Nginitian niya ko. Tumingin ako kay ate Mads na kasalukuyan natutulog sa tabi ni ate Bea.
Nang makarating kami sa bacolod ay tumungo agad kami sa event. Sigawan agad mga tao pagpasok namin sa loob.
Pinaupo sila nung nga guard. I texted Jema. "Bb!"
She immediately replied. "Why, Bb? Bored ka?"
"Opo. Can I call you?"
She didn't reply but she called me. "Bb!"
"Bored na ko, sunduin mo ko rito."
"Baliw! Dapat masaya ka, nandyan fans mo." She said.
"Mas masaya ako kapag kasama ka."
"Ano ba yan, nilalanggam ako." Dani said, katabi ko siya.
"Sino yun?"
"Si Dani. Nga pala kumain ka na?" I asked.
"Yes, Bb. Kayo? Nag-eat na?"
"Hindi pa."
"Ay wawa ka naman. Uwi ka na, ipagluluto kita." She said and laughed.
"Edi wow. Cge na, mamaya na lang ulit."
"Ingat, love you."
"Love you too." I said and ended the call.
Maya't-maya nagpa-autograph na ang mga fans at nagpa-picture.
Matapos ito ay umalis na din kami, tumungo kami sa isang restaurant para kumain bago pumunta sa Iloilo para sa isang meet and greet ulit.
"Deanna pa-sign."
Napatigil ako dahil sa nakita ko sa T-shirt. Picture ito namin ni Jema tapos may nakalagay na 'gawong'.
Pinirmahan ko na ito at binigay sa kanya, nginitian ko pa siya. "Thank you." I mouthed.
Pagdating sa eroplano ay nakatulog lahat dahil sa pagod pero ako ay gising, mas pinili ko na titigan ang first picture namin ni Jema na nasa wallet ko.
She's very beautiful for me.
Siya yung tipong babae na kahit kailan, hindi mo maiisipan na lokohin.
Makarating kami sa manila ay gabi na, dumeretso ako sa apartment ni Jema. "Uy bakit nandito ka?"
"Dito ako matutulog." I hugged her.
Miss na miss ko siya.
"Sira! Dapat umuwi ka muna sa dorm niyo, baka hanapin ka ni coach O."
"Alam niya, nagpaalam ako."
"Hm . . Cge." Pagpayag niya.
Lumayo ako sa kanya. "Parang labag sa kalooban mo. Ayoko na nga, uwi na lang ako."
"Ito naman masyadong maarte. Hindi labag sa kalooban ko, actually masaya nga ako."
"Talaga? Baka bola lang yan?"
"Uy hindi ah, totoo yun."
I nodded.
Pinakain niya muna ako ng dinner bago inaya umakyat sa kwarto niya. Buo na ulit araw ko, nakita ko na siya eh.
Basta masilayan ko lang siya, nabubuo na agad yung araw ko.
Jema Point of View
Paggising ko palang sa umaga ay naligo na ko tsaka nagbihis pang-training.
Magtra-tryout kasi ako sa national team para sa darating na AVC cup.
Nagluto ako ng breakfast tas nag-iwan ng morning message kay Deanna bago tuluyan umalis. Pagdating ko sa arellano ay nakita ko na agad sila ate Ly at ate Jia.
"Hi mareng Jema."
"Simula na?" I asked and nilapag ang gym bag ko.
"Hindi pa." Sagot ni ate Ly.
Binati ko ang iba pang magtra-tryout. Maya't-maya lumapit sakin si ate Dzi. Yung dating agila, former teammate ni ate Ly.
"Uhm . . Hi Jema."
"Hello po."
"Para pala sayo." Inabot nito sakin ang isang paper bag. "Pinapabigay ni Fhen." She said.
"Huh? Ano po?"
"Pinapabigay ni Fhen, hindi ka daw niya kasi malapitan. Pagkain yan."
"Ah . ." Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi, nakakahiya naman kung uutusan ko pa siya na ibalik kay Fhen yan. "S-salamat po."
"Cge."
Umalis na ito sa aking harap. "Jema, kanino yan galing? Kay Dzi?"
"Pinapabigay daw ni Fhen." Nakasimangot kong sabi kay ate Ly.
"Bakit tinanggap mo?" Ate Jia asked.
"Nakakahiya naman kung uutusan ko pa siya para ibalik 'to kay Fhen."
"Kakainin mo ba?" Ate Jia asked.
"No way." Nilagay ko ang paper bag sa lapag. "Hindi ko yan kakainin."
"Kainin mo nalang, Jia." Ate Ly asked.
"Ayoko, baka may gayuma pa yan."
Natawa naman ako. Grabe si ate Jia, gayuma talaga? Uso pa ba yun? Hahahah!
Kakatapos lang ng training, naglalakad na ko patungo sa parking lot. I called Deanna while walking.
"Hello?"
"San ka, Bb?"
"Kakagising mo lang?" I asked.
"Yeah, iniwan mo ko."
"Sorry, nakalimutan ko sabihin sayo na may tryout ako."
"Huh? Saan? National team?" She asked.
"Opo. Sorry."
"Ah okay lang, pauwi ka na ba?"
"Yes. Hintayin mo ko."
"Cge, ingat." She ended the call.
Sumakay na ko sa aking kotse at pinaandar pauwi sa apartment.
Pagdating ko dun naabutan ko si Deanna na umiinom ng milo at nanonood ng showtime.
"Hi." I kissed her.
"Pagod ka, gusto mo masahe kita?"
Tumango ako. "Yes." Dumapa ako sa couch.
Pumunta ito sa gilid ko at unang minasahe ang likod ko pababa sa hita ko, syempre hindi kasama yung 'butt' pero pwede din.
Hahahah!
Joke!
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sarap nito mag-masahe, nagising ako wala na siya.
San na yun?
Umuwi na ba?
I looked at the clock. Gosh! Four o clock na pala ng hapon. Sobrang haba ng tinulog ko.
Deanna Point of View
"Oval bukas."
Napabagsak naman ang balikat namin sa sinabi ni coach O. Yan na naman siya, paguran na naman bukas.
"Babe hawakan mo nga." Ponggay said to Maddie.
"BABE?!"
I crossed my arms. "Bakit nagulat kayo? Hindi ba halata? Sila na."
"KAYO NA?" Gulat na tanong ni ate Kim kay Ponggay at Maddie.
Ngumiti si ate Mads at inakbayan si Pongs. "Yes, Ponggay is my girlfriend."
"Shet! Kakilig." Jaycel said.
"Bagal mo kasi." Bulong ko.
"Sino mabagal, Deans?" Tanong ni Syd.
"Ah wala." Sabi ko at kinuha na ang gym bag ko.
Pumasok ako sa shower room at naligo. Pagtapos maligo ay nagbihis na ko at naglakad patungo sa klase ko.
"Deanna?"
I looked at my back. Nagulat ako nang makita kung sino ang tumawag sakin pero hindi ko pinahalata na nagulat ako.
"Why?" I asked seriously.
"Can we talk?"
"For what? Wala na tayo dapat pag-usapan."
"Please Deans, hayaan mo ko magpaliwanag." She said.
Argh! Ganda ganda ng mood ko tapos sisirain niya.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag. Sinabi ko sayo na kalimutan muna ako, hindi na kita tinuturing na kapatid."
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya, naluluha na rin ito. "Deans, please."
"Fine! Cge magpaliwanag ka."
Mabuti na lang medyo nasa gilid kami at wala masyadong estudyante.
"Deans, nagawa ko lang yun kasi naimpluwensiyahan ako. Hindi ko gusto yun, pinagsisisihan ko yun. Pinagsisisihan kong iniwan kita nung araw na yun, patawarin mo ko." She said while crying.
"Pinagsisisihan? Eh ngayon ka nga lang nagkaron ng lakas loob para kausapin ako eh!"
"Deanna . . ." Humikbi ito. "S-sinubukan ko naman eh, yun n-nga lang nakaalis ka na."
"Tama na! Ayoko na, hayaan muna ako. Masaya na ko kahit wala ka, hindi kita kailangan."
"D-dea——"
Tinalikuran ko na siya bago pa niya ko makitang umiyak. Nakakainis siya! Masaya na ko eh, okay na ko eh.
Bakit kailangan niya pa ko kausapin? Bakit kailangan niya pa ko guluhin?
Matapos ang klase ko ay tumungo ako sa JSEC para kumain. "Deanna!"
"Bakit?" I asked to Ponggay.
"Nakita kita kanina, bakit ginanun mo yung ate mo?"
Seryoso ko siyang tiningnan. "Kung wala kang kailangan, mauna na ko." Nagsimula na ko maglakad.
"Ganyan ka na ba talaga? Sobrang manhid mo, sobra mong nasasaktan ang ate mo."
Napatigil ako sa paglalakad at galit siyang hinarap. "Ako? Ako pa talaga ang manhid? Are you crazy?"
"Oo manhid ka, Deanna. Hindi mo inisip ang mararamdaman ng ate mo, sobrang selfish mo."
Natawa ako. "Ako? Selfish? Alam mo Pongs? Manahimik ka na lang kasi wala kang alam tungkol sa nangyari samin. Wag ka na makialam, hindi naman kita kaano-ano." I said angrily.
She slapped me. "Baliw ka."
Tumakbo na ito palayo sakin. Tsk! Baliw nga ako. Pero tama lang yun, sinaktan niya ko dati, siya naman ang dapat masaktan ngayon.
Kung hindi niya ko kinausap, edi sana hindi ko siya nasabihan ng masakit na salita.
Jema Point of View
Nasa kalagitnaan kami ng training nang dumating si Ponggay.
Gusto niya daw ako makausap so naghintay siya matapos ang training namin.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
Ngumiti siya pero tipid lang. "Sa labas na tayo mag-usap."
"May coffee shop dyan sa labas, dun na lang." Tumungo kami sa coffee shop na katabi ng CMS-Asia. "May problema ba?"
"Jema kasi . . . Nagka-sagutan kami ni Wong at nasampal ko siya."
"What? Why?"
"Jema, napuno lang talaga ako. Sinabihan niya kasi ng masasakit na salita ang ate niya. Oo loko-loko ako pero ko siya kakampihan, sobrang mali ng ginawa niya sa ate niya."
"Nagka-usap sila magkapatid?"
She nodded. "Yes. Nagkaron ng sagutan."
"Tapos?"
"Ayun, maraming masasakit na salita na sinabi si Deanna."
Napapikit na lang ako. Seriously? Nagawa niya talaga yun sa ate niya? "Hay, nakausap mo ba si Nicole?"
"Yeah. Sobra siyang nasaktan, Jema. May kapatid din ako, ikaw alam mo yan. Kaibigan ko si Deanna pero hindi ko ito-tolerate ang pang-babastos niya sa kanyang kapatid."
"I understand you. Salamat sa pagsabi, kakausapin ko na lang siya."
"Okay but please . . Wag mo sasabihin na ako ang nagsabi sayo, lalo lang kami mag-aaway." She said.
"I know. Thank you."
Sinabi sakin ni Ponggay kung anu-ano pinagsasabi ni Deanna sa ate niya. Nasaktan ako kahit hindi ako yung sinabihan.
I'm sure sobrang sakit nito para kay Nicole. Hindi tama ang ginawa ni Deanna, dapat makausap ko siya.
Kahit pagod ako ay tinungo ko ang dorm nila Deanna but wala ito. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot.
Nag-aalala na ko sa kanya, pati tawag ng teammates niya hindi niya sinasagot.
"Jema, mabuti pa umuwi ka na. Kami ng bahala maghanap kay Deanna." Bea said.
"Oo nga, Jema. Halatang pagod na pagod ka na oh." Ria said.
"Hindi ako makakapag-pahinga kapag hindi ko nakausap si Deanna. Isa pa nag-aalala na ko sa kanya, baka may nangyari na sa kanyang masama."
"Umalis kasi agad pagtapos ng afternoon training namin eh, hindi naman namin napigilan kasi hindi namin napansin." Maddie said.
"Ano guys? Na-contact niyo na?" Bea asked to them.
"Patay ang phone." Sagot ni Jaycel.
Binulsa ko ang cellphone ko. "Guys mauna na ko, hahanapin ko na lang siya."
"Samahan ka namin." Ponggay said.
"Wag na, may curfew kayo. Ako ng bahala, kaya ko sarili ko." I smiled at them then sumakay na sa aking kotse.
Magte-ten na kaya unti na lang ang tao sa labas. Inikot ko ang buong Katipunan, wala akong nakita na Deanna.
San na ba siya?
I tried to call her again but nakapatay pa din. Please Deanna, answer my call.