Jema Point of View
May lakad ako ngayon kasama si Joric bakla, mamimili kami ng damit para sa pupuntahan niyang party.
"Bakit kasi ako sinama mo?"
"Eh wala akong kasama, busy lahat ng friends ko."
Si Deanna ay nasa isang restaurant, nagce-celebrate siya ng birthday niya kasama ang mga Deannasaurs at iba pang friends niya.
"Jema, bagay?" He asked.
"Mas bet ko yung red, mas bagay sayo."
"Ayy oo nga noh." Pumasok muli ito sa fitting room para isukat ang red suit.
Naupo ako sa couch at tinext si Deanna habang wala pa siya. "Bb! Musta ka naman dyan? Saya ka ba?"
Matapos kami mamili ni Joric ay kumain kami, naghiwalay na din kami pagtapos kumain.
Dumeretso ako sa gym ni Cy. "Mareng Jema."
"Hi Cy." I waved at him.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Wala lang, wala akong magawa eh."
"Nasan ba si lodicakes?" He asked.
"Nag-celebrate ng birthday with her fans."
"Eh bakit dito ka pumunta?"
"Bawal ba mr?" I raised my eyebrow.
"Nagtatanong lang eh."
Kinuha ko yung leggings at t-shirt ko sa kotse tapos ay nagpalit ako, nag-boxing kami ni Cy.
After an hour natapos din kami, sinabayan ko na kasi ng workout. I checked my phone.
"BB! Good news! Lalaruin na ni ate Bea yung last playing year niya!"
I smiled and called her. "Hey! Good news nga."
"Oo, Bb. Teka nasan ka pala? Kasama mo pa ba si Joric?"
"Hindi na po, nandito ako sa gym ni Cy." I said.
"Ah . . Pauwi na ko, Bb. Sunduin mo ko."
"Bakit? Nasan mga ka teammates mo? Nandyan sila, diba?"
"Umuwi na, iniwan ako."
I laughed. "Cge hintayin mo ko, I'll be there in ten minutes." Binaba ko na ang tawag at dali-daling nagpalit ng damit.
"Cy mauna na ko."
"Ingat madam."
Pinasibad ko na paalis ang kotse, mabuti na lang traffic kaya mabilis ako nakarating sa resto.
"Bb." Yumakap agad ito sakin. "Iniwan nila ako."
"Hi." Binati ko ang mga Deannasaurs.
"Hello Jema." Bati nila pabalik.
"Mauna na kami." Deanna said.
Pumasok na kami ni Deanna sa loob ng kotse. "Bakit ka ba nila iniwan?"
"May kanya-kanya silang date."
"Kawawa ka naman." Pinaandar ko na ang kotse. "Date tayo."
"Ay bet ko yan, Bb."
"San mo gusto? Anong gusto mo gawin?"
"Hm . . . Movie date tayo, Bb. Punta tayo sa mall." She said.
"Cge, cge."
Pumunta kami sa trinoma, diretso cinema agad kami. "Hm . . Ano kaya?"
"Horror." Tiningnan niya ko nang masama. "Bakit?"
"Nang-aasar ka ba?"
I put my hand over her shoulder. "Joke lang. Love story na lang kung gusto mo."
Nanood kami ng 'My Perfect You' yung kila Pia at Gerald.
"Panget naman ni Gerald."
Hinampas ko siya. "Grabe ka, ang pogi niya kaya."
"Tsk! Mas pogi pa ko dyan."
Buti na lang sa pinaka-taas kami nakaupo, tapos wala pa kaming mga katabi. "Oo na." I kissed her cheek. "I love you."
"I lov——" Naputol ang sasabihin niya dahil biglang nag-vibrate ang phone niya. "Sino ba 'to? Istorbo."
Chineck niya ang phone niya, habang nakatingin siya don ay unting-unti kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Nagtext sakin si Fhen, pinagbabantaan ako."
"Gusto mo i-report natin?" I asked.
Umiling siya. "Hindi, hayaan mo siya."
"Nga pala, bakit alam niya yung number mo?"
"Ewan ko, baka hiningi niya sa mga former lady eagles na ka teammate niya." She said.
I nodded. Matapos ang movie ay nag-desisyon muna kami kumain at maglaro sa arcade bago tuluyan ko siya ihatid sa dorm nila.
Deanna Point of View
Hinatid na ko ni Jema sa dorm, umalis din siya agad. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko sila na naghaharutan, yung iba naman ay nanonood.
"Hi guys." I waved at them.
"Ate Deans!" Aya hugged me.
"Clingy ni Aya sayo." Ate Mads said.
Ngumiti lang ako. Sanay na ko rito kay Aya, minsan talaga may time na sobrang clingy niya sakin.
Walang malisya.
Wag madumi ang pag-iisip.
"Clingy mo na naman. May problem?"
Ngumiti ito. "Patulong ako sa math." She pouted.
"Sabi ko na nga ba eh." I laughed. "Tara na sa taas. Ano bang topic yan?"
"Calculus and Analysis."
"Hirap."
Nagpalit muna ako ng shirt bago tumabi sa kanya ng upo. Kinuha ko ang books ko tsaka hinanap doon ang topic na calculus at analysis.
I woke up early para makapag-jogging sa oval. Ginising ko din yung iba para makasama ko sa pag-jog.
Pero si ate Ponggay lang yung sumama.
Kung sino pa yung tamad, siya pa yung sumama. ?
"Deans, pwede mag tanong?"
"Nagtatanong ka nga eh."
"Pilosopo." She sighed. "Deans, paano mo nalaman na mahal mo si Jema?"
"Bakit mo natanong?" Ininom ko ang gatorade na binaon ko. "May mahal ka ba?"
"Hindi ko nga alam kung mahal ko siya kaya nga tinatanong ko sayo kung paano malalaman."
"Sino ba? Si ate Mads?"
"Huh? Hindi ah!" She said pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.
Hindi talaga nakakapag-sinungaling ang mata.
"Joke." I tapped her shoulder. "Hindi ko rin alam basta ang alam ko, mahal ko si Jema. Sundin mo lang kung anong sinasabi ng puso o utak mo."
"Eh magkaiba yung pinaparamdam nila sakin eh."
"Edi humanap ka ng paraan kung paano mo malalaman. Tara na." Hinatak ko na siya muli para tumakbo.
Katatapos lang ng class ko at papunta sana sa JSEC para kumain kaso bigla naman dumating si Ron at Luigi.
"Deans may good news kami." Ron said.
"Ano yun?"
"May ticket kami!" Luigi said.
"Wow. Para ba yan sa premiere night mamaya?"
"Yes." Luigi said.
"At tatlo yan, sama ka samin."
"Gora, sunduin niyo ko mamaya sa dorm." I said.
Iniwan ko silang dalawa at tumungo na sa JSEC.
Kakatapos lang namin manood ng premiere night. Palabas na sana kami kaso biglang may tumawag sakin.
"Deanna Wong?" Napatingin ako rito. "Mygosh! Ikaw si Deanna, right?"
"Yeah."
"Pa-picture, idol kita."
Julia Baretto?
Idol ako?
Wow!
She hugged me habang kinukunan kami ng picture nung P.A niya ata, nagpakuha din kami ng picture with Joshua.
"Idol na idol ka ng girlfriend ko, sa totoo lang girl crush ka niya." Nakangiting sabi ni Joshua.
Hindi ko naman naiwasan mamula. "Ah . . Salamat. Cge mauna na kami."
Nilapitan ko na yung dalawa na nasa gilid lang. "Grabe, girl crush siya ni Julia. Iba ka Wong."
"Oo nga." Ron said.
Inirapan ko sila. "Manahimik kayo, si Jema ang gusto ko."
"In love na in love." Luigi said.
Napangiti ako sa sinabi niya, totoo kasi. Kahit sino pa magka-gusto sakin, si Jema pa rin ang lamang.
Kahit mayaman, sexy o maganda, si Jema pa din ang da best, si Jema pa rin ang nakatatak sa puso ko. Si Jema pa rin ang may hawak sa puso ko.
Jema Point of View
Month of August . . . .
Gumising ako ng umaga para lang maaga makaalis sa apartment, may morning training kasi kami sa BEG.
Training with lady eagles and tune up na din.
Bago ako umalis sa apartment ay tinext ko agad si Mafe at Deanna. Six o clock ako nakarating sa ateneo.
"Hi mareng Jema."
"Hi Risa." I tapped her shoulder.
Sabay kami pumasok ng BEG at naabutan namin sila ate Ly na nagkwe-kwentuhan. Lumapit ako sa kanila.
"Dito na pala kayo." Ate Jia said.
Ngumiti ako. "San sila? Wala pa?" Tukoy ko sa ibang ka teammates ko.
"Ah yung lady eagles? Parating na."
"Hindi po, yung ibang ka teammates natin." I said.
"Ah . . Akala namin ni Ly yung bebe mo." Sabay tawa ni ate Jia.
Napatingin kami sa dalawang lalaki na pumasok sa entrance ng BEG. Binati nito si ate Ly tsaka ate Jia.
"Oh anong ginagawa niyo rito, Dan and Adrian?" Ate Jia asked.
"Si Deanna? Wala pa ba?" Tanong nung lalaki, I think siya yung Dan.
Bakit hinahanap niya yung girlfriend ko? ?
"Wala pa pero ito si Jema, girlfriend niya." Ate Jia said at napatingin naman sakin yung dalawa.
"Ate Jia." Pinanlakihan ko ito ng mata.
"Uhm . . Hi, ikaw pala si Jema. I'm Dan Wong, brother ni Deanna."
What?
Brother?
"I'm Adrian Wong."
"Ah Jema sila yung mga kuya-kuyahan ni Deanna. Hindi sila totally magkapatid, pareho lang sila ng surname." Paliwanag ni ate Ly.
Napatango naman ako. "Ah . ."
"Nga pala Jema, pwede ba paki-bigay nalang ito kay Deanna?" Inabot nito sakin ang isang bag na hindi kalakihan. "Paki-sabi pinabibigay ni mom."
"Aalis na kami." Adrian said.
"Ah cge." I nodded.
Pag-alis nila yun naman ang pagdating nila Deanna, kasabay nito si Maddie. "Bb!" She hugged me.
"Deans, may nagpapabigay sayo." Inabot ko ito sa kanya.
"Kanino galing?"
"Sa kuya-kuyahan mo daw, pinapabigay daw sayo galing sa mommy nila." I said.
"Ah si kuya Dan tsaka kuya Adrian." Nilapag nito sa gilid ang gym bag niya. "Nag-breakfast ka na ba?"
"Yes. Ikaw?"
"Pinakain ko ng marami yan, Jema." Sabi ni Maddie.
"Salamat." I said to her.
Hinintay namin dumating ang mga coaches, late sila dumating so late din ang start ng training.
Kada water break ay inaabutan agad ako ni Deanna ng gatorade. Sweet talaga ng bebe ko. ?
Kaya daming nagkaka-gusto dyan eh, pati si Julia Baretto may gusto na sa kanya. Hahahah!
Matapos ang training ay nagsi-upuan agad kami. Ka-pagod, p*****n training namin. Malapit na kasi magsimula yung pvl open conference.
Nasa kabilang side si Deanna nakaupo, katabi si Ria, Syd tsaka Bea.
"Sinaktan mo ko!"
Lahat kami ay napatingin sa kinaroroonan ni Ponggay at Maddie na hindi kalayuan sa pwesto namin.
"Hindi kita sinak——"
Hindi natapos ni Maddie ang kanyang sasabihin dahil mabilis umepal si Ponggay. "Niloko mo ko! Ang sweet sweet mo pa sakin tapos malalaman ko kayo na pala ni Zolo. Wow! Iba ka, pareho kayo ni Deanna, MANLOLOKO! MGA PAASA KAYO!"
Nagulat kami sa sinabi nito pati si Deanna ay nakita ko ang reaction. Tumakbo si Ponggay palabas ng BEG.
Deanna Point of View
Umiinom ako ng gatorade, nahinto nang biglang sumigaw si Ponggay. Naagaw niya lahat ang atensyon namin.
"Niloko mo ko! Ang sweet sweet mo pa sakin tapos malalaman ko kayo na pala ni Zolo. Wow! Iba ka, pareho kayo ni Deanna, MANLOLOKO! MGA PAASA KAYO!"
Nagulat ako sa sinabi Ponggay, naubo ako dahil dito. Tumayo ako. "Bakit nadamay ako?" Sabay turo sa aking sarili.
Hindi sumagot si ate Mads bagkus ay sinundan niya si Ponggay. Tumakbo kasi ito palabas.
"Hahahah! Manloloko ka pala, Deanna." Ate Bea said while laughing.
"What? Hindi noh!"
"Sabi ni Ponggay." Ria said.
Isa pa 'to.
"Manahimik ka, Jake Zyrus. Mabait ako." Depensa ko ang aking sarili.
Napatingin ako kay Jema, tinaasan niya lang ako ng kilay.
Hala!
Lagot ako.
"Opps! Mukhang may mag-aaway mamaya." Parinig ni ate Jia.
Napasampal na lang ako sa aking noo. Ano bang pinagsasabi ni Ponggay? Lakas ng tama niya.
"Kay gandang babae pero manloloko." Dani said.
Kinutusan ko ito. "Hindi totoo yun."
"Bakit na sabi ni ate Ponggay yun?" Jaycel asked me.
"Hindi ko alam, malakas tama nun eh. Hayaan niyo na."
"Defensive mo masyado, Deans. Manloloko ka na nga, paasa ka pa daw." Asar ni ate Bea.
"Stop na ate Bea, hindi nakakatuwa. Isusumbong kita kay ate Jho."
Nawala naman ang ngiti nito. "Joke lang. Hindi na, wag ka na mag-sumbong."
Nilapitan ko si Jema. "Bb?"
"Ano?"
"Hindi totoo yun."
"Ang alin? Yung manloloko ka?" She smirked
"Hindi nga totoo yun."
"So paasa ka lang? Hindi ka manloloko?"
"B naman, pati ba naman yung pag-aawayan natin?" Nag-sad face ako. "Hindi ko alam kung bakit na sabi yun ni Pongs basta ako alam ko sa sarili ko na hindi ako manloloko at paasa."
"Pero bakit na sabi yun ni Ponggay?"
"B hindi ko nga alam, baka nagkamali lang siya. Galit lang siguro siya kaya nakabanggit siya ng ibang pangalan."
"Hmm . . Naku Deanna, yari ka talaga sakin kapag ako may nabalitaan sayo na hindi ko gusto." Banta niya.
Ngumiti ako ng pilit. "Bati na tayo?" Umiling siya. "Bati na tayo, please."
"Hm . . Cge na nga, hindi kita matitiis eh." She hugged me.
"Ayiee! Bati na sila."
Nasa gilid pala namin yung mga teammates niya, hindi ko man lang napansin.
"Lakas talaga ng charm ni bata." Ate Jia said.
I winked at her. "Ganun talaga kapag cute."
"Anong cute dyan? Hindi ka cute, mukha kang aso." Jema said.
"Grabe ka naman, Bb." I pouted.
"Joke."
Nakapag-shower at nakaalis na ang iba pero sila ate Mads at Ponggay ay hindi pa rin bumabalik.
Iniwan nila rito yung mga gamit nila. "Bb hindi ka pa ba papasok?"
"Aalis ka na? Ingat ka, hintayin ko pa yung dalawa."
"Cge. Love you." She said.
"I love you too."
Nang makaalis ito ay kinuha ko ang bola at nag practice na lang ng pag-set habang hinihintay yung dalawa.
San ba kasi nagpunta yung mga yun?
Hay!
Male-late pa tuloy ako.