Deanna Point of View
Nagising ako dahil sa ingay ng mga teammates ko. Bumangon ako at tiningnan sila.
"Bakit nandito ba kayo?" Tanong ko kila ate Kim, ate Mads, Sam tsaka kay Ria.
"Haler! Aalis tayo, diba? Maligo ka na, hihintayin ka namin sa baba." Ate Mads said.
Isa-isa silang lumabas ng kwarto. Tsk! Nasan ba si Ponggay?
I stood up and went to the bathroom. Mabilis lang ako naligo kasi baka iwanan ako ng mga yun.
Matapos ko magbihis tsaka mag-ayos ay bumaba na ko, dala ang wallet at phone ko.
"Tara na."
"Tagal mo, Deans." Cacee said.
Lumabas na kami ng dorm. "Ate Mads, kanino ako sasabay?"
"Sakin."
Tumungo kami sa moa. "Anong unang gagawin natin guys?" Ponggay asked.
"Bowling muna tayo." Ate Kim said.
Tumungo naman kami dun, magkakalaban kami ni ate Kim tsaka Syd, kaming tatlo. "Deans first ka."
Pinagulong ko na ang bola. "Ey!"
"Nice one."
Matapos kami mag bowling ay nag-skating kami. Kumain din kami bago bumalik sa dorm kasi may afternoon training.
Tomorrow is my birthday but my i'm so sad. Nineteen pa uwi ni Bb! Gusto ko na siya makita bukas, kung pwede ngayon na nga eh.
"Deanna!"
Lumingon ako. "Gi!" I hugged him. "Na-miss kita."
"Miss you too. Wait, birthday mo na pala bukas. Happy birthday, Bb."
"Sira!" Sabay batok dito. "Nang-asar ka pa talaga, miss na miss ko na nga eh."
"Edi pauwiin muna."
"Ayoko sirain yung kasiyahan niya dun." I said in a sad voice.
"Siya masaya tapos ikaw malungkot, unfair naman."
"Importante sakin yung happiness niya."
"Wow! Big word." He said and laughed.
"Bakit pala tinawag mo ko?"
"Bibigay ko na kasi yung gift ko para sayo, wala kasi ako bukas eh." Inabot nito sakin ang hawak niyang paper bag. "Advance Happy Birthday, Deans."
"Thank you."
"Wala yun. Kumain ka na? Kain tayo, ramen."
"Sure."
Kumain kami ng ramen sa UPTC, bumalik din agad kami sa ateneo dahil may klase pa ko.
"Bye, Deans."
"Thank you ulit, Gi."
Tumango ito at naglakad na palayo sakin. Ano kaya 'to? Mamaya ko na lang titingnan.
Pagdating ko sa sala ay tiningnan ko agad ang regalo sakin ni Luigi.
Oh s**t!
Ang ganda. ?
"Wow! Deans kanino yan?" Pongs asked.
"Bigay sakin ni Luigi." Sinuot ko ang relo. "Maganda ba?"
"Oo, mahal kaya niyan."
"Oo nga. Nasa hundred thousand yan eh." Syd said.
"Sa america mura 'to, baka sa america niya 'to binili."
"Uy ano yan?" Tanong ni ate Kim na galing sa kusina. "Wow, ang ganda. Mahal 'to, sayo yan, Deans?"
I nodded. "Regalo sakin ni Gi."
"Galante talaga yun." Ponggay said.
Hinubad ko ang relo saka nilagay muli sa box, isusuot ko 'to bukas. I pick up my phone and texted Luigi.
"Ang mahal ng gift mo pero salamat ulit, Gi. Love you, nagustuhan ko yung gift mo."
Umakyat ako sa kwarto at tinago sa drawer yung regalo niya. Humiga ako sa kama at tinawagan si Jema sa messenger.
Jema Point of View
Nakaupo ako sa bed habang kausap si Deanna. Miss ko na siya, ilang araw na kami hindi nagkikita tapos birthday niya pa bukas.
"Bb sorry wala ako bukas ah, birthday mo pa naman."
Magka-video call kami.
"Okay lang, I understand."
"Thank you, Bb. Sino nga pala kasama mo bukas mag-celebrate?"
"Teammates." She said.
"Diba may morning training ka bukas? Pahinga ka na para blooming ka bukas, iwas puyat para healthy."
"Okay, love you."
"love you too." I said and ended the video call.
Tinabi ko na ang phone ko sa bed at nakisali kila ate Jia na kasakuluyan naglalaro ng cards.
Matapos kami maglaro at mag-midnight snack chinat ko si Cy. "Cy, ikaw ng bahala magbigay sa kanya ah?"
He quickly replied. "Yes boss."
"Alam muna ah? Wag mo sasabihin sa kanya."
"Yes madam, sama ko si Mafe." He replied.
"Bahala ka basta yung sinabi ko."
"Opo."
"Thank you, good night." I replied.
Tinabi ko na ang phone at humiga, nagsimula na ko baybayin ang ibang mundo. Charot!
Paggising ko ay wala na sila ate Jia at Risa. Aga nila magising ah, excited maligo sa dagat.
I went to the bathroom. Matapos ako maligo ay bumaba na ko, naabutan ko silang kumakain.
"Good morning po." Bati ko sa mga coaches.
"Morning mareng Jema!" Sigaw ni Kyla.
"Ingay mo." I sat down beside her.
Kumain kami ng breakfast bago kami nagsimula maglaro. Maya't-maya nag-desisyon kaming maligo sa dagat.
Bago ako maligo ay binati ko muna si Deanna. "Thank you for all the good moments that you brought into my life. Happy birthday, Bb and I wish you all the best. Love you!"
"Sweet naman." Sabi ni ate Jia na nasa gilid ko.
Ngumiti ako at binitawan na ang cellphone para makaligo na sa dagat. Sinuot ko ang bagong two piece na binili ko, binili ko 'to nung nag-mall kami ni Deanna.
"Guys picturan niyo ko."
"Cge post ka." Sabi ni ate Jia.
"Mareng Jema hawakan mo 'to para mas hot ka, para mas ma-inlove sayo si Deanna." Ate Mel said and laughed.
Hinawakan ko ang binigay nito at tinuruan ako kung paanong post ang gagawin ko.

"Oh pak! Sexy."
"Tingin." I said to ate Jia.
"Hottie girl." Laura said.
"Mas hot ka." I laughed.
Matapos kami maligo sa dagat ay kinuha ko ang phone ko, pina-send ko yung picture tapos ay pinost ko sa i********:.
Agad naman may nag-comment.
Jusmiyo! Mine-mention talaga nila si Deanna. Hahahah! Tulo laway mo ngayon, Bb.
Charot!
Deanna Point of View
Gumising ako bandang ten o clock, naligo ako at bumaba. "HAPPY BIRTHDAY!"
Bati sakin ng mga teammates ko, may hawak pa na cake si ate Mads. Kumanta sila ng Happy Birthday song then dahan-dahan akong lumapit.
"Thanks guys."
"Happy birthday, Deans." Ate Mads said while smiling.
"Wish, Deans. Tas blow the candle." Ria said.
I smiled. Pumikit ako at nag-wish then hinipan ko na ang candle. "Salamat."
"Kainan na!" Ponggay shouted.
Tumungo kami sa dining area ng dorm, may hinanda pala sila. Kaya pala tahimik kanina.
I opened my phone and bumungad sakin ang message ni Jema. Sweet niya talaga . . . Kaya lab na lab ko 'to.
"Deans may bisita ka!" Cacee said.
Nilapag ko ang plato na hawak ko tsaka tinungo ang lobby ng dorm. Nakita ko si Cy Tsak Mafe.
"Ate Deans!" Mafe hugged me.
"Uy, anong ginagawa niyo rito?" I asked.
Cy tapped my shoulder. "Happy Birthday, Lodi."
"Wow, lodi na tawag mo sakin."
"Ay cge lodicakes na lang." He laughed. "Nga pala may nagpapabigay." Inabot niya sakin ang isang paper bag na may kalakihan.
"Kanino 'to galing?" Kinuha ko ang paper bag.
"Kay ate galing yan." Mafe said.
"Ah kaya ba nandito kayo?"
"Yes ate Deans." Mafe said at nilabas ang phone niya. "Ate Deans picture tayo."
Tumango naman ako, nag-picture kaming tatlo nila Cy tapos sinend ni Mafe kay Jema.
"Iniinggit mo na naman si Madam." Cy said to Mafe.
"Hayaan mo siya."
"Oh siya lodicakes mauuna na kami."
"Happy birthday ate, alis na kami." Mafe said.
Bumeso sakin silang dalawa. Hinatid ko sila sa labas, pagkaalis nila ay umupo ako sa couch ng lobby.
I texted Jema. "Hey!"
Binuksan ko ang gift ni Jema, dalawang box ito. Yung medyo malaki na box ang unang binuksan ko.

"Wow."
Ganda naman nito, medyo mahal 'to ah.
"Dea——Uy sino nagbigay niyan?" Dani asked.
"Ah si Jema. Hinatid ni Cy rito tsaka ni Mafe."
"Ah . . Ganda, nga pala kain na tayo dun. Hinahanap ka nila."
"Wait lang, bubuksan ko lang 'to." Sabay kuha pa sa isang box na medyo maliit.
I opened it and bumungad sakin ang necklace na silver na may initial na J. Bat J?

"Sweet naman ni Jema."
"Suot mo nga sakin."
Pumwesto ito sa likod ko at kinabit ang necklace sa leeg ko. "Bagay sayo, Deans."
Magsasalita sana ako pero biglang may tumawag. Si Jema ang tumatawag kaya dali-daling sinagot ko.
"Hello?"
"Nakita mo na ba?"
"Yes." I said.
"Gift ko yan."
"Thank you pero bakit J yung necklace?"
"Wala lang para lagi mo ko naaalala tsaka suot may ganyan din ako, D naman. Couple tayo." She said.
"Sweet. Nga pala kamusta ka na dyan? Maayos ka lang ba dyan?"
"Oo naman, sobrang saya." She said.
"Mabuti naman kung ganun. Cge na enjoy ka lang diyan, kakain muna ako."
"Okay, Bb." She said and ended the call.
Nilagay ko ulit sa paper bag ang headphone at tumungo na kami ni Dani sa dining area kung saan sila kumakain.
Nakakamiss yung Jhobea.
Sana bumalik pa si ate Bei. ?
Jema Point of View
Napangiti ako nang malaman kong nagustuhan ni Deanna ang gift kong necklace.
"Uy guys greet natin si Deanna ngayon, birthday niya." Biglang sabi ni ate Ly.
"Game, pwesto." Ate Michele said.
Pumwesto kaming lahat pati mga coaching staff at si coach Tai. "Happy Birthday Bata!"
Sabay-sabay namin sabi habang naka-video ang camera.
"Bata talaga?" Tanong ko at chineck ang video.
"Oo bata, hindi tumatanda eh." Ate Jia said and laughed.
"Oo nga pansin ko rin." Ate Mel said.
"Baby face. Iba kasi pag may dugong chinese." Ate Rizza said.
Last na namin dito sa beach dahil tomorrow ay uuwi na kami ng manila pero baka mga hapon pa.
Nag scuba diving kami tsaka jetski, triny din namin mag-surf. Putek! Ang hirap, nakakapikon.
Pagdating namin sa manila ay umuwi agad ako sa apartment at tapos ay tinungo ko na agad ang dorm nila Deanna. I called her at sinabi na nandito ako sa labas ng dorm.
Namatay lang ang tawag, maya't-maya dumating na ito. Nakangiting niyakap niya ko.
"Bb na-miss kita."
"Aw! Na-miss din kita." I cupped her face and kissed her. "Love you. Kumain ka na?"
"Hindi pa nga eh, hindi pa nagluluto si ate Mads."
"Tara kain tayo." I said.
"Cge palit lan——"
"Wag na." Hinila ko na siya papasok sa kotse. "Maayos naman yan suot mo." Naka-cycling lang kasi siya tsaka naka-ateneo shirt.
Dinala ko siya sa favorite restaurant namin, walang iba kundi sa Ramen Nagi restaurant.
"Talagang alam mo."
Bababa na sana siya pero I held her hand. "Wait." I took my jacket on my back. "Itakip mo, pagtitinginan kana naman ng mga lalaki."
"Conservative. Hindi ka na sanay, eh lagi naman tayo naka-ganito."
"Ah basta! Cge na itakip muna."
Sinunod nito ang sinabi ko kaya lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng resto.
Mabuti na lang unti ang tao.