CHAPTER 15

1931 Words
Deanna Point of View Hinila ko siya palabas ng bar at sa pilitan pinasok sa kotse niya, pumapalag eh. Ayoko naman bitawan kasi baka ma-hard spike ako sa mukha. "Ano ba?!" "Quite, Bb." "Anong quite? Gusto mo sapakin kita?" Inambaan niya ko ng suntok. Tumawa ako at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Bakit hindi mo sinabi na bumalik ka na pala rito sa manila?" "Bakit ko sasabihin? Para hindi kita nahuli na nakikipag landian?!" Kumunot ang noo ko. "Nakikipag landian? Ako? Of course not! Roselyn is my bestfriend." "Bestfriend mo mukha mo!" Sabay tulak niya sa mukha ko. "Aray!" I grabbed her hand. "Masakit ah." "Wala akong pakialam." "Bakit ka ba nagagalit? Ay! Hindi ka pala nagagalit, nagseselos ka lang." Sabay ngisi ko. Dahil sa sinabi ko ay nauntog ako sa bintana ng kotse, tinulak ba naman yung noo ko. "G*go! Hindi ako nagseselos." "Don't say bad words." "Wala kang pake! Malaki na ko." Argh! Ang ingay niya. I kissed her and hinapit ko ang baywang niya para hindi makapalag. "Sweet." "Siraulo!" Akmang hahampasin niya ko pero hinawakan ko na agad ang kamay niya. "Tama na. Nahalikan mo na nga ako tapos sasaktan mo pa ko." "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko ka——" I kissed her again. Ang kulit at ingay eh. Nang maramdaman kong kakapusin na ko ng hininga ay lumayo na ko. I looked at her. "I'm sorry, okay?" "Sorry lang? Matapos mo rapin yung labi ko!" "Hahahah! Gusto mo rin naman." "Uy h-hin——" "Nasan na yung susi mo? Uwi na tayo." I said. "Anong uwi tayo? Ako lang." "Sayo ako matutulog, na-miss kita." Hindi siya nagsalita at binigay na niya ang susi ng kanyang kotse. Nang makarating kami sa apartment niya ay inayos ko agad ang kotse niya bago pumasok sa loob. "Diyan ka sa sofa matutulog." "Bakit dito? Dun na lang sa kwarto mo." "Ayoko." "Edi dun na lang ako sa guest room mo. Dalawa naman kwarto sa itaas eh." I said. "No! Ayoko. Diyan ka." "Eh hindi ako kasya diyan." "Wala akong pakialam." She said. Nag-back hug ako sa kanya. "Sorry na." Hinalikan ko ang batok niya. "A-ano b-bang g-ginagawa m-mo?" Pinaharap ko siya sakin and I cupped her face. "Sorry na, please." Nagpa-cute ako. "Hindi naman ako nakikipag landian sa kanya, friends lang kami nun." "Friends? Diyan din tayo nagsimula." "Uy hindi kaya tayo naging friends." I said. "Kasi inuna mo agad yung nararamdaman mo." "Parang ikaw walang naramdaman agad ah?" "Wala talaga." She raised her eyebrow. "Oo na, pinapatawad na kita. Pero ito tandaan mo, Deanna." Dinuro ako nito. "Pag ako niloko mo, wala ka ng babalikan." "Hindi ko gagawin yun. Tanga ko na lang kapag ginawa ko yun." I hugged her and kissed her hair. "Gawin mo, wag mo sahihin. Cge na dun ka na sa kwarto matutulog." Yes! Umakyat na ko para makapaghilamos na, paglabas ko ng CR ay nakahiga na si mareng Jema niyo. Sexy! Jema Point of View Nagising ako nang mag-ring ang cellphone ni Deanna. Hay! Naman oh! "Deanna yung phone mo." Tinalikuran lang ako nito kaya naman I pick up her phone and sinagot ang tawag. "Hello?" "Sino 'to?" "Si Jema po 'to, sino po ba 'to?" "Oh girlfriend pala 'to ng anak ko, kasama mo pala ang anak ko." Putcha! Daddy pala 'to ni Deanna. "Ah . . O-opo." "Sabihin mo sa kanya hija pumunta siya sa UPTC before lunch, sumama ka. Nandito na kami sa airport, papunta ng manila." "O-okay po." Pagtapos ay namatay na ang tawag. Bullshit! Nakakahiya, dapat pala hindi ko na sinagot. "DEANNA!" Pinitik ko ang tainga niya para magising, nagising naman agad ito. "Bakit ba?" "Daddy mo nakausap ko." "Ano?!" Nanlaki ang mata niya. "A-anong sabi?!" "Pwede wag ka maingay? Kung pwede lang? Ang sakit sa tainga eh." I raised my eyebrow. "Magkita daw kayo sa UPTC before lunch at . . . isama mo daw ako." Hinampas ko ito sa balikat. "Bakit alam niya na girlfriend mo ko?" "What? He knows?!" "Oo, sabi pa nga niya girlfriend pala 'to ng anak ko. Sinabi mo ba sa kanila huh?" "Hindi ah, ni hindi nga nila alam na ganito ako." "Eh bakit alam ng daddy mo? Baka magalit siya satin." Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at pumasok sa loob ng bathroom. Hay! Hindi pa pala out si Deanna sa magulang niya. Mukhang malaking problema 'to. "Deans, tingin ko ikaw na lang ang pumunta, hihintayin na lang kita rito sa parking lot." "Ayoko nga." "Eh bak——" "Easy ka lang, matatanggap tayo ni dad and mom." Hinila niya na ko papasok sa UPTC, dumeretso kami sa arcade kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang. "Asan na sila?" Nagpalinga-linga ako. Ay tanga! Bakit ko ba sila hinahanap? Eh hindi ko pa naman sila nakikita, ngayon palang. "Ayun sila. Mom! Dad!" Tumingin ako. Ayan na! Tatakbo na ko! Charot! "Anak." Niyakap nila si Deanna. "D-dad." Nakita kong tinapik ng papa ni Deanna ang braso niya. "Alam ko, don't worry walang tumututol." "Hija, ikaw ba si Jema?" Tanong ng mama sakin ni Deanna. "O-opo." Deanna's put her hand on my shoulder. "Mom, dad this is Jema, my beautiful girlfriend." Pa-simple kong siniko si Deanna. "H-hello po sa i-inyo." "Hi Jema. Call me tito or tito Dean." "And call me tita Judin or tita." "C-cge po t-tito tita." "Oh tara na sa resto, nandun ang mga kapatid mo Deanna." Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Deanna bago tumango. Tumungo kami sa isang Japanese restaurant rito sa UPTC. "Ate!" Niyakap ng isang lalaki si Deanna. Mas matangkad ito kay Deanna, kasing laki nito si Bea. "Hey brother, na-miss kita." Deanna said. Pinakilala ako ni Deanna sa mga kapatid niya, binati nila akong lahat pwera lang dun sa isang ate niya. I think siya yung tinutukoy ni Deanna. "Deanna nga pala sa ateneo na mag-aaral ang ate Nicole mo, kaya kami nandito para ihatid siya." "Okay dad." Tuwing may binabanggit ang dad or mom niya tungkol sa ate Nicole niya ay puro okay lang ang sagot niya. Hay na ko! Sobra galit ni Deanna sa ate niya. Gabi na, kakauwi lang namin ni Deanna dito sa apartment. Dito muna siya mag-stay kasi wala naman daw siyang morning training, puro afternoon training sila kasi bakasyon nga nila. "Deans." "Hm?" She looked at me. "Why?" "Bakit hindi mo kinakausap yung ate mo?" Umiwas ito ng tingin. "Ayoko siya pag-usapan, Jema." I sat down beside her. "Pero bakit? Deanna ate m——" "Jema please." May diin niyang sabi. "Ayoko siya pag-usapan, ayokong-ayoko." Pagtapos ay umakyat na ito. Tsk! Walk out girl. Bigla kong naalala kung anong napag-usapan namin kanina sa restroom. •Flashback• Nagpaalam ako kay Deanna na mag restroom dahil I need to pee na. Pumayag naman siya so tumungo na nga ako sa restroom mag-isa. Pagtapos ko umihi ay naghugas ako, biglang may lumabas na tao sa katabing cubicle na pinasukan ko. Siya. "Hi." "Hello." "Ikaw pala nagpapatibok sa puso ng kapatid ko." Ngumiti lang ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh. "Pwede ba humingi ng favor?" "Sure, basta kaya ko." "Gusto ko na magka-ayos kami ng kapatid ko, baka naman pwede mo siya kumbinsihin na magka-usap kami." "I will try." "Thank you, cge mauna ka na lumabas baka isipin niya kinausap kita." I nodded and lumabas na, pag-upo ko ay siya naman ang paglabas niya ng restroom. •End of Flashback• Gusto ko sila magkabati magkapatid kaya gagawa ako ng paraan, hindi pwede habang buhay na may galit si Deanna sa ate Nicole niya. "Deanna?" She looked at me. "Why are you serious? Are you mad?" She didn't speak so I sighed. "I'm sorry, okay?" "Let's sleep, do not mention her again." "Okay." Humiga ako sa tabi niya. "Galit ka pa rin?" She hugged me. "Nope but please don't mention her, I'm mad at her." "But Deans she's your ate." "Shh . . Ayoko na, matulog na tayo. Ayokong pati siya pag-aawayan pa natin." "Fine." I closed my eyes and hugged her. Maaga ako gumising para makapag-jogging, ginising ko din si Deanna para samahan ako. "Four o clock pa lang, bakit ang aga mo nanggigising?" "Mag-jogging nga tayo!" I said. "Tsk! May training ako mamaya kaya hindi ko na kailangan mag-jogging." "Eh wala akong kasama." "Eh kaya mo na yan." Tinakip niya ang unan sa mukha niya. Napabuntong hininga na lang ako tsaka lumabas ng kwarto para umalis na, sa UP na lang ako magjo-jogging. "Jema?" I looked at my back. "Oh Sean, nandito ka rin pala." "Bakit dito ka nagjo-jogging?" "Wala lang, ikaw?" I asked. "Wala lang din. Sabay na tayo." "Sure." Matapos kami mag-jogging ay kumain kami sa isang stall food na nagbebenta ng lugaw. Pagdating ko sa apartment ay tulog pa din si Deanna kaya nagluto na ko ng breakfast. Nagtimpla na din ako ng gatas tsaka kape, gatas para sa kanya. Nang matapos ay umakyat ako para gisingin na siya. "Bb?" "Hm . ." "Gising na, eat na tayo." She slowly opened her eyes. Ngumiti ito tapos ay tumayo. "Kain na tayo." Tumango lang siya at pumasok sa loob ng CR. Hinintay ko siya matapos para sabay kami bumaba. "Morning, Bb." She kissed my cheek. "Bango na ko, diba?" "Yeah, kaya pala ayaw mo magsalita kanina." "Nakakahiya eh, bad breath ako." "Hindi naman, tara na." Hinila ko na siya pababa para makakain. Sabay kami kumain ng breakfast tapos ay nanood kami. Mamaya pa kasing two o clock yung training nila. Deanna Point of View Tahimik kaming nanonood——Ay siya lang pala, pinaglalaruan ko lang yung daliri niya. "Bb labas tayo." "Huh? Bakit?" "Ang boring." I said. "Eh hindi ka kasi nanonood kaya naboboring ka." "Labas tayo, please." Nagpa-cute ako para pumayag siya. Bumuntong hininga muna siya bago tumango kaya napa 'yehey' ako. "Maligo ka na, susunod ako." "Sabay tayo?" "Sira! Syempre hindi. I mean susunod ako sa taas, hindi ko sinabi na susunod ako sa CR." "Ay ganun? Cge." "Manyak." Rinig kong bulong niya. Hihih! Kala ko makakasabay ko siya, hindi pa pala. Di bale kapag mag-asawa na kami lagi na kaming sabay maliligo. Argh! Manyak ko. Hahahahah! July 14 . . . Aalis ang Bb ko ngayon kaya uuwi na ko ng dorm. Pupunta ang creamline ng palawan para dun mag-celebrate ng pagka-champion nila. "Mag-iingat ka, Bb." "I love you, see you next week." One week kasi sila dun. Kalungkot. "Love you too." I kissed her forehead bago bumaba ng kanyang kotse. "Wag mo ko pagpapalit ah?" "Yes ms. Wong." Ngumiti ito at pinaandar na ang kotse niya, hinintay ko mawala sa paningin ko ang kanyang kotse bago pumasok sa loob ng dorm. "Sad ba, Deans?" "Yes ate Mads." She tapped my shoulder. "Okay lang yan, one week lang yan." I smiled. "Salamat sa pagpapagaan ng loob pero ate Mads, pwede mag request?" "Sure, ano yun?" "Lutuan mo naman ako, nagugutom na ko eh." She laughed. "Sure, yun lang pala." Tumungo kami sa kitchen ng dorm, pinanood ko siya habang nagluluto. "Deans, nandito ka na pala." "Yeah." Wala akong masabi. "Hi Maddie." Nilingon siya ni ate Mads. Lumapit si ate Mads sa kanya at hinalikan sa pisngi si Ponggay. "Sweet niyo naman." "Alam ko nararamdaman mo, Deans." Sabay ngiti ni ate Mads at bumalik na sa pagluluto. "Lungkot ka?" Umupo sa tabi ko si Ponggay. "Oo, one week ko siyang hindi makikita." "Okay lang yan, labas tayo bukas ng team para masaya." "Libre mo?" I asked. "Syempre hindi." "Kuripot ka talaga." Matapos magluto si ate Mads ay tinawag ko na ang iba para kumain. Sabay-sabay kaming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD