Deanna Point of View
Nagising ako. Napatingin ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang ganda niya talaga. Lab na lab ko 'to, promise.
Hay! Kailangan ko na umalis, may nine o clock akong class.
I need to go.
Kumuha ako ng maliit na papel sa study table niya tapos ay sumulat ako ng morning message.
Hey beautiful, I hope you wake up this morning feeling like a rose filled with beauty and I hope your day is as sweet as honey, you deserve more my love.
Inipit ko ang papel sa side table niya tsaka tumungo sa bathroom para maligo. Paglabas ko ay tulog pa din ito.
I kissed her forehead bago ako lumabas ng kwarto niya. Nag-grab ako patungo sa ateneo.
"Hi Deans!" Nakasalubong ko palabas si Dani ng eliazo.
"Hi Dans."
"Laki ng ngiti ah, may nangyari ba?"
"Sira, wala." Binatukan ko ito. "Papasok ka na?"
"Hindi, kikitain ko lang si Mavy."
"Taray! Anak ng artista ang target mo." I said and laughed.
"Uy friend lang kami."
"Hindi na uso yan, cge na." Ginulo ko ang buhok niya at pumasok na sa loob ng dorm. "Hi guys!"
"Hi ate Deanna." Jaja said.
"Hi Deans." Ate Kim said.
"Aga mo." Ate Mads said.
Naupo ako. "May morning class ako."
"Ah . ." Lumapit sakin si ate Kat. "May nangyari ba?"
"Bakit ba ganyan mga tanong niyo? Ganyan din tanong sakin ni Dani." Kunot noong sabi ko.
"Wala lang, gusto lang namin malaman."
"Oo nga." Sang-ayon ni ate Mads.
"Pati ba naman ikaw." Sabay tingin kay ate Mads. "Walang nangyari, okay?"
"Weh?" Ngumiting pang-asar si ate Kim.
"Wala nga. Kung ayaw niyo maniwala, edi wag."
"Hahahah! Joke lang, pikon mo." Ate Kat said while laughing.
Inirapan ko sila at umakyat para makuha yung iisang notebook ko, dito ko lahat sinusulat yung mga notes ko.
My phone is vibrating so I checked.
"You know what? I always wake up smiling and feeling happy, and it's all your fault. It's all because you love me, too. Good morning, Bb."
Hindi ko maiwasan kiligin. Sweet ng message niya. Akala ko siya lang mapapakilig ko, ako rin pala mapapakilig niya.
"Deanna?" Napatingin ako kay Ponggay na galing sa CR. "Kararating mo lang?"
"Yeah. First class mo?"
"Same schedule tayo ngayon."
"Ganun?" Lumungkot ang mukha ko. "Kaklase pala kita all subjects."
"Ayaw mo?" Namaywang ito.
"Hindi ah, gusto ko nga eh." Sabay ngiti ng plastic.
"Good. Sabay na tayo pumasok."
Tumango ako. Hinintay ko siya matapos magbihis tsaka kami umalis, kaklase din pala namin si Ron.
"Tagal ni professor." Nakinig muna ako ng music habang wala pa si terror professor.
Paglabas ko ng classroom ay nakasalubong ko si Jaycel, naglalakad mag-isa. "San punta?"
"Kakain ate Deans."
"Why are you alone?" I asked.
"Wala lang."
Inakbayan ko siya. "Tara, sabay tayo kumain."
Kumain kami sa JSEC, buti nalang unti lang ang tao. Matapos kami kumain ay hinatid ko na siya sa classroom niya, ako naman ay tumungo sa library para manghiram ng biology book.
Jema Point of View
Paggising ko ay napansin ko agad ang papel. Morning message galing kay Deanna. Ang sweet niya talaga.
Nag-reply ako sa kanya tapos ay naligo. Matapos ako maligo ay tumungo na ko sa UST.
Bibisitahin ko si Mafe. Tsaka itatanong ko sa coach nila kung okay ba siya, baka may ginagawang kalokohan eh.
"Oh hi Jema."
"Hello po coach."
Tinawag nito si Mafe. "Oh ate, anong ginagawa mo rito?"
"Ang sweet talaga ng ate mo, Mafe. Lagi ka chinecheck." Coach Reyes said.
"Okay ba siya coach? Wala bang ginagawa 'tong kalokohan?" I asked.
"Grabe ka naman. Ang bait ko kaya ate." Mafe said.
Tumawa si coach Reyes. "Naku mabait yan, malapit na nga ata maging dean's lister yan."
"Mabuti naman po kung ganun."
"Cge maiwan ko na kayo." Coach said and pinuntahan ang teammates ni Mafe na kasalukuyan nakaupo sa bench.
"Ate tutal nandito ka naman, ilibre mo ko."
"Tapos na ba training niyo?"
"Oo, mag-shower lang ako."
"Cge bilisan mo, hintayin kita sa kotse."
Lumabas na ko ng gym nila at dun ko na siya hinintay sa kotse. Maya't-maya dumating na ito, kasama si Eya.
"Ate."
"May class ka, Eya?" I asked.
"Wala, ate Jem."
"Sama ka na sakin, treat ko kayo."
"Sabi ko sayo eh." Mafe said.
Sumakay sila sa kotse ko. Kumain kami sa lagi nilang kinakainan rito sa UST, dun daw gusto ni madam Mafe eh.
Today it's our game, finals game 3. Game 1 nanalo yung PayMaya, game 2 nanalo kami sana pati game 3 amin na rin.
Please lord
"Jem, si Deanna." Coleen said.
I looked at the crowd then I saw her, she's here with Celine Domingo.
I smiled. "Hi." I waved at them.
"Focus, maya na yan." Ate Ly said.
Ngumiti ako muli bago bumalik sa pagwa-warm up. Medyo dumadami na ang tao kaya naman ang ingay.
After a few minutes pinaayos na kami, hudyat na magsisimula na ang laro. Nagpakilala ang mga referee tapos ay tinawag na ang PayMaya, sunod kami.
Natapos ang game and nag-wagi kami sa fifth set. Championship! First time ko ulit mag-champion.
Sarap sa feeling.
"Congratulations Creamline!" Announcer said.
"Kain! Kain! Kain!" Sigaw ng mga ka teammates ko habang papasok kami sa dugout.
"Congrats mareng Jema." Celine said pagkakita sakin.
"Salamat. Si Deanna?"
"Deanna agad ah." Sabi ni ate Jia at ngumisi.
Ngumiti lang ako.
"Umalis na mareng Jema, tetext ka na lang daw niya."
Bigla akong na sad. "Ganun? Cge. Uuwi ka na ba?"
"Oo, pinuntahan lang kita para i-congrats."
Tumango ako. Nagpaalam na ito kaya sumunod na ko sa mga ka teammates ko. Akala ko pa naman mayayakap ko siya.
"Oh bat malungkot?" Risa asked me.
"Umuwi na yung jowa niya!" Sigaw ni ate Michele.
"Okay lang, mahal ka nun." Asar ni ate Alex.
I pick up my phone in my bag. I texted Deanna. "Bakit umalis ka agad?"
"Shower na kayo para makakain na tayo, i'm sure gutom na gutom na yung mga alaga ni Jia." Sabi ni coach Karlo.
Tawanan naman kami. "Grabe ka coach Karlo."
"Hahahah!"
Sumabay na ko mag-shower kila ate Jia. Pagsakay namin ng bus ay chineck ko ang phone ko kung may reply siya pero wala.
San ba pumunta yun?
Tsk!
Deanna Point of View
Month of July . . . . .
Two days na ko nandito sa dorm, bored na bored na ko. Baka gusto niyo naman ako ayain. Charot!
Yung Bb ko kasi nasa laguna, wala silang training ng buong July kaya ayun, nagba-bakasyon siya sa kanila.
Miss na miss ko na siya.
"Deans bakasyon ngayon, bakit hindi ka umuwi sa cebu?" Tanong ni Dani.
"Eh ayoko."
"Bakit? Dahil sa ate Nicole mo?"
Napairap ako. "Hindi ko siya ate. Si ate Cy lang ang ate ko."
"Hay na ko. Kapatid mo pa din siya, Deans. Matuto ka magpatawad, hindi mo man lang siya binigyan ng chance magpaliwanag sayo."
"Hindi niya naman ako niloko. Iniwan niya lang ako sa ere."
"Ay taray, may nalalaman ka ng ganyan. Kanino mo ba yan natututunan?" She asked and chuckled.
"Nabasa ko lang."
"Mabuti pa sama ka na lang sakin."
"San ka naman pupunta? Eight o clock na po kaya." I said.
"Bar, sama ka." Hinila niya ko patayo. "Nandun sila Trina tsaka Roselyn."
"Sinong Roselyn?"
"Duh! Yung tiga UP."
"Ayoko, may curfew tayo." Sabi ko.
"Sira! Walang curfew, bakasyon na po kaya. Time na para mag-saya."
"Ayoko."
"Tara na kasi! Mukha kang tanga rito. Halos lahat ng rookies nagsi-uwian na, yung iba may lakad. Tanging ikaw lang wala, sama ka na."
I sighed. "Fine."
"Yown!"
Umakyat ako para magbihis. Habang namimili ako ng susuotin biglang pumasok si Dani.
"Why?"
"Ako na pipili ng susuotin mo."
She pushed me so umupo na lang ako at pinanood siya. Maya't-maya may inabot ito sakin.
Denim short tsaka sando na kulay black. "Bakit yan?"
"May kukunin lang ako sa kwarto, magpalit ka na."
Lumabas na siya so hindi na ko umangal pa at nagbihis na nga. Pagtapos ko magbihis sakto bumalik na siya.
"Here. Doble mo yan para hindi masyado kita yan katawan mo."
Inabot nito sakin ang parang jacket na manipis. Sinuot ko ito at kinuha ang phone and wallet ko.
"Let's go."
Tumungo kami sa isang private bar, malapit lang ito sa ateneo, mga twenty minutes lang ang byahe mula rito sa eliazo.
"Tara, dito."
Pumasok kami sa isang room. "Hey! Hi Dans, hi Deans." Bumeso samin si Trina, may hawak siyang alak.
"Hey." I tapped her shoulder. "Hi Roselyn."
"Hello." She kissed my cheek and ganun din ang ginawa niya kay Dani. "Let's sit."
"Anong gusto niyong inumin?"
"Light liquor lang." I said to Trina.
Tumawag ito sa intercom para umorder. Umorder din siya ng salad, gusto ko kasi ng salad tapos may alak.
Masarap yun.
Hahahah!
"Kamusta ka na, Deans? Ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap." Roselyn said.
I smiled. "I'm okay."
"Nanood ako nung finals ng creamline vs PayMaya, nakita kita."
"Yeah, nanood ako ng game ng girlfriend ko."
"So totoo pala?"
"Na may girlfriend ako? Yeah, Jema Galanza is my girlfriend." Proud kong sabi.
"Oh bagay na bagay kayo."
"Thank you."
Dumating na ang inorder ni Trina kaya kinuha ko ang alak at nagsalin sa baso. Nag-iinuman kami habang nagkwe-kwentuhan.
Maya't-maya naisipan namin lumabas para makipag-sayawan sa mga ibang tao. I'm sure hindi naman ito lalabas sa social media.
Jema Point of View
I called Deanna again and again but she didn't answer. Naiinis na ko! Kanina sinasagot niya pa yung mga chat at text tsaka tawag ko pero ngayon hindi na.
Sasabihin ko pa naman sa kanya na umuwi na ko ng manila. Gusto ko pa naman siya makasama.
*BZZZTTT!!*
I pick up my phone and answered the call. "Hello?"
"Jema punta ka rito sa bar!"
"Bakit?"
"Basta!" Pagtapos ay binaba na ni Ghail ang tawag.
Siraulo! Pinapapunta ako sa bar tapos hindi man lang sinabi kung saan bar. Tatawagan ko sana siya ulit pero may tinext ito, name nung bar.
Malapit 'to sa UPTC ah.
Bakit kaya niya ko pinapapunta dun?
I went to my room and nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng pants tsaka sando tapos ay sinuot ko ang ateneo jacket, naiwan ito ni Deanna sa apartment ko.
Tumungo na ko sa bar. Malapit na ko sa bar, tanaw ko na agad si Ghail. "Bakit ba pina——"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil hinatak niya agad ako papasok sa loob ng bar.
"May kailangan ka malaman."
Huminto kami sa tapat ng bar counter. "Ano?"
"Your girlfriend." Sabay turo sa isang gawi kung saan nakasandal si Deanna sa pader habang may kausap itong babae. "Kanina pa sila magkausap, I think lasing na yung girlfriend mo."
"I know her, she's Roselyn Rosier, tiga UP."
Tsk!
Kaya pala hindi siya sumasagot sa text at tawag ko, busy pala siya sa kakalandi diyan sa Roselyn na yan.
Di hamak na mas sexy pa ko diyan, mas maganda pa ko diyan at mas matalino pa ko diyan.
"Hindi mo ba lalapitan?"
"May nakita ka bang kasama niyan o silang dalawa lang?"
"Meron kaso umalis na eh."
I nodded. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila, hind nila ako napansin dahil busy sila sa pag-uusap.
"Ehem! Pwede ko ba kayo mai-storbo?"
Gulat napatingin sakin si Deanna. "Bb?" I smirked. "Anong ginagawa mo rito?"
"Wala. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Nakikipag harutan?"
Hindi siya nakasagot at napakamot nalang ito sa batok. Lasing na nga siya, namumula na yung mata eh.
"Hi Jema. I'm Roselyn." Sabay lahad ng kamay niya.
Hindi naman ako bastos kaya tinanggap ko ito. "I'm Jema. Cge usap na ulit kayo." Tinalikuran ko sila at binalikan si Ghail. "Ghail salamat sa pagsabi."
"San na jowa mo?"
"Hayaan mo siya, cge iwan muna ko dito."
"Sure ka?" She asked.
"Oo, bumalik ka na kung nasan ka kanina."
Nginitian ko ito. Pagkaalis niya ay umupo ako sa stool chair. Umorder ako ng drinks sa bartender.
"Ma'am." Inabot nito sakin ang isang baso at bote ng alak. Inabutan ko ito ng pera bilang bayad.
Sinalinan ko ng alak yung baso at iinumin na sana ito pero biglang may humawak sa kamay ko.
"Don't."
"At bakit?" I raised my eyebrow. "Ikaw lang pwede uminom?"
"Let's talk in your car."
Bago pa ko makapagsalita ay hinila niya na ko palabas ng bar. Argh! Kainis! Ano siya lang pwede?!