CHAPTER 12

2140 Words
Deanna Point of View Month of June . . . . Kasabay ko ang ibang rookies papunta sa BEG, nag-start na ang training namin nung isang araw lang. "Ate Deanna, samahan mo ko mamaya sa library, pwede?" Pakiusap niya habang nakakapit sa braso ko. "Bakit? May problema ba?" "Eh magaling ka sa math eh, turuan mo ko." "Cge, cge." Pagpayag ko. Pagdating namin sa gym ay naabutan na namin silang nag-aayos na ng net at bola. Tumulong naman ako agad, baka mapagalitan ako ni ate Mads eh. Masungit pa naman yun. "Good morning, Girls!" "Morning coach Vince." Nang dumating si coach O tsaka lang nagsimula yung training namin. Nang mag-water break ay uminom agad ako ng baon kong gatorade. "Deans halika." I come up to him. "Why coach?" "Nakausap mo na ba si Bea? May binanggit na ba siya tungkol sa LPY niya?" "Naku coach wala pa po eh." He sighed. "Ganun ba?" "Siguro coach sasabihin niya yung desisyon niya kapag natapos na yung PSL." Tumango ito at pinabalik na kaming lahat sa training. Habang naglalakad ako patungo sa gonzaga cafeteria, biglang may huminto na kotse sa harap ko. Binaba nito ang bintana. "Hi Bb." "Jema?" Binuksan niya ang pinto ng kotse niya kaya sumakay ako. "Bakit nandito ka?" I kissed her. "May klase ka pa?" "Wala na." "Sama ka sakin, punta tayo sa party." She said while smiling. "Saan party?" "Mamayang gabi pa naman, basta masaya dun." "Eh bakit nandito ka na kung mamayang gabi pa?" I asked. "Eh gusto kita makasabay kumain ng lunch." "Meron ka pa ba?" "Sira! Wala na noh. Naglalambing lang eh." She pouted. "Joke lang. Kain na tayo, let's go." I wore the seatbelt. Dinala niya ko sa isang Chinese restaurant. "Bakit dito?" Pumwesto kami sa dulo para hindi agaw pansin. "Ayaw mo ba rito? Diba Chinese ka?" "Wala naman akong sinasabi na ayaw ko." I called the waiter. "Yes ma'am?" "One order of Peking duck and one two rice." "What's your drink ma'am?" "Water." Tinanong din niya ang order ni Jema tapos ay umalis na. "Kamusta naman yung class mo? Nakikinig ka ba?" I looked at her. "Mommy, ikaw ba yan?" "Tsk! Concern lang naman ako sayo." "Cute." I pinched her cheek. Bea Point of View Nang matapos ang training ko sa foton ay umuwi na ko sa bahay para makapag-shower. Nakalimutan ko kasi magdala ng damit eh. "Bea, saan ka pupunta?" Mom asked. Katatapos ko lang maligo at magbihis. "Mom pupuntahan ko si Jho." "Cge, mag-iingat ka." "Yes mom." Humalik muna ako sa pisngi nito bago tuluyan umalis sa bahay. After an hour nakarating na din ako sa condo ni Jho. I pressed the doorbell, bumukas naman agad ito. I immediately embraced her and kissed her nose. "Bakit ngayon ka lang, beh?" "Sorry beh, tagal kasi ng training ko tapos umuwi pa ko sa bahay." "Tara pasok." Pumasok kami at sinara niya ang pinto. "Kumain ka na? Sabayan mo ko." "Cge beh." Pinaghandaan niya ko ng food at sabay kami kumain. "Sarap beh." Ngumiti lang ito. Nang matapos kumain ay buong maghapon kami nag-movie marathon. Watching movie while eating and drinking. Jema Point of View Nang sumapit ang six o clock ay pumunta na kami ni Deanna sa dorm niya para makapag palit siya ng damit. Para rin makapag-paalam siya sa teammates niya. "Okay na." "Okay." I started driving. Pumunta kami sa isang private bar, dito gaganapin yung party. Birthday kasi ng isang kaibigan ko. "Hi guys." Bati ko nang makita sila. "Jema!" Niyakap ako ni Miya, Miya is my high school friend, siya rin yung may birthday. "Hi Jema." Bati nung iba. "Jema, akala ko ba kasama mo si Deanna?" Tots asked. "Ah nasa labas." Nandito din si Celine tsaka Tots, sa FEU kasi 'to nag-aaral si Miya. "Sinong Deanna?" Naupo ako. "Girlfriend ko." "So totoo pala yung balita. Pero diba Fhen ang pangalan ng girlfriend mo?" "Nope, break na kami nun." "Ibang-iba na si mareng Jema noh." Sabi ni Ghaila. She's my friend din. "Ayan na pala si Deanna eh." Celine said. Lahat kami ay napatingin sa entrance kung saan naglalakad ang hot kong jowa. Shet! Papi. "Hi Deans." Sinalubong ni Tots at Celine si Deanna. Hinatak ko si Paupo sa tabi ko. "Deans mga kaibigan ko, si Ghail at Miya tapos si Dori." "Hello." "Mahiyain pala yan girlfriend mo, Jema." Ghaila said. "Uy diba Agila ka?" Miya asked. Tumango si Deanna. "Yes." "Deans picture." Dori said. Umorder na sila ng drinks, syempre inorder ko si Deanna ng juice lang. "Bakit juice, Jema? Hindi ka iinom?" "Para 'to kay bata." "Bata? Kay Deanna?" Celine asked. "Bata pa yan eh." "Makabata ka, eh matanda ka lang naman ng dalawang taon dyan kay Deanna." Sabi ni Dori. "Ah hindi, baby niya pa kasi ako, diba Bb?" Sabay tingin at yakap sakin ni Deanna. "Wow sweet." Miya said. Ngumiti ako. Hindi ako masyado uminom kasi ihahatid ko pa si Deanna, isa pa mahirap magdrive kapag lasing. "Goodnight, Bb." "Goodnight din, tulog na agad, okay?" I said. "Yes. Love you." "Love you too." Bumaba na siya ng kotse kaya pinaandar ko na pauwi sa apartment ko. Nang makarating ako dun ay nagpahinga agad ako. Kinabukasan gumising ako ng maaga because I have a morning training. I texted Deanna bago naligo. "Good morning, Bb! I hope you’re having a great day and thinking of me :)" Napangiti ako at sinend na sa kanya tapos ay tumungo na sa bathroom. Wihh! Pati ako kinikilig sa sariling text ko. Tinawagan ko si Cy para magpasama bumili ng perfume. "Guys mauna na ko." Sabi ko sa teammates ko. "Ingat!" Paglabas ko ng gym ay nakita ko na agad si Cy, nakasandal sa kotse niya. "Tara na, Cy." "Kotse mo?" "Wala akong dala, nag-taxi lang ako rito." "Okay madam." Pinagbuksan niya ko ng pinto. Tumungo kami sa isang sm manila, doon kasi ako madalas bumibili ng perfume. Linggo ngayon pero lintik lang! Six o clock pa lang pero may nambubulabog na agad sakin. "Wait lang!" Binuksan ko ang gate. "Ma, pa, ate Jovs kayo pala." "Kanina pa kami katok nang katok, Jema." Sabi ni papa at pumasok na. Pumasok na rin si mama at ate Jovs. "Sorry, natutulog pa kasi ako eh." "Kumain ka na ba, anak?" "Hindi pa, ma. Hindi pa nga ako naghihilamos eh." Nagpaalam ako na maghihilamos muna at umakyat na nga ako para makapaghilamos. Tinext ko muna si Deanna bago bumaba ulit. "Jema, kamusta ka naman rito?" Tanong ni Papa. "Okay naman, pa." "Si Mafe chinecheck mo ba lagi?" Mama asked. "Yes, ma. Everyday." "Weh? Hindi nga?" Pang-aasar ni ate Jovi. "Hon magluto ka na ng breakfast." Utos ni Papa kay mama. Tumango naman si papa at tinungo ang kitchen area. "Bakit pala kayo napapunta rito, pa?" "Eh ang tagal na kita hindi nakikita, anak. Isa pa gusto ko rin namin makilala ang new girlfriend mo." "Oo nga sis, balita ko Agila daw yung new jowa mo." "Correction tao siya, hindi agila." I raised my eyebrows on her. "Tse! Pilosopo." "Mabait ba siya Jema? Balita ko bata pa yan new girlfriend mo." Papa said. "She's only nineteen years old, pa." "child abuse ka, sis." "Mag-twenty na siya sa july, matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon. Maka-child abuse ka, eh hindi naman menor de edad yun. Lagpas eighteen na nga eh." I said. "Baka naman nahihirapan ka sa kanya, Jema. Bata pa pala yan, iba pa naman ang mga isip ng bata ngayon." "Pa naman. She was very kind to me, pa." "I want to meet her now." Papa said seriously. I looked at the clock. "Baka tulog pa po yun. Tatawagan ko po maya-maya." Tumango ito. Maya't-maya tinawag na kami ni mama para kumain ng breakfast. Mabilis ko tinapos ang breakfast ko, nagpaalam ako sa kanila na tutungo muna sa kwarto. I called Deanna. Thank god, mabilis siyang sumagot. "Hey Deanna!" "Morning, Bb." "You need to prepare." "Why?" She asked. "My parents wants to meet you." "Okay." "Susunduin kita, tatawag ako ulit." I ended the call. Bakit ganun? Bakit parang hindi siya kinakabahan? Cool lang siya. "Ma, pa, ate susunduin ko lang si Deanna." "Magkita na lang tayo sa resto anak, gusto ng papa mo kumain sa restaurant." Mama said. "Cge po. Text niyo na lang ako kung saan resto." "Mag-iingat ka, pupuntahan na din namin si Mafe." Papa said. Ngumiti ako at humalik sa mga pisngi nila bago umalis para sunduin si Deanna. Nasa kalagitnaan ako ng traffic nang itext ko si Deanna. Imbes na mag-reply ito ay tumawag siya. "I'm ready na, nasan ka na ba?" "Nasa katipunan na, malapit na ko. Traffic lang." "Okay, bye." She ended the call. Hindi mo malalaman sa boses niya na kinakabahan siya, parang excited pa nga siya eh. Nang makarating ako sa ateneo ay tinext ko na siya para lumabas na ng dorm. Nakita ko ito na nakasandal sa gilid ng pinto ng eliazo dorm. "Hi." I waved at her. "Hello, Bb." Pumasok siya at hinalikan ako sa pisngi. "Tara na." I started driving. "Hindi ka ba kinakabahan?" "No. I'm excited nga eh." "Okay." Kakaiba siya. Si Fhen nung imi-meet niya yung parents ko, nanginginig pa siya eh. Deanna Wong . . . is weird. Deanna Point of View Tumungo kami ni Jema sa isang restaurant. Putek! Parang gusto ko umatras. Naman oh! Kanina hindi ako kinakabahan eh. Bakit ngayon pa? Kung kailan nandito na kami. "Deans tara na." Hinatak ako ni Jema papasok sa restaurant. "N-nasan s-sila?" "Ate!" Sabay kaming napalingon sa isang gawi. Nakita ko si Mafe na nakangiting nakatingin samin dalawa ni Jema. "Ayun sila." Lumapit kami ni Jema. Gusto ko tumakbo! "Hi ate Deans." Bati ni Mafe. Hindi ko siya pinansin. "Ma, pa, ate si Deanna, girlfriend ko." "Hi hija." Bati nung isang matanda na babae, mama ni Jema. "Ikaw pala si Deanna Wong, batang-bata pa." Sabi naman nung papa ni Jema. "H-hello po sr and ma'am." "Upo tayo." Jema said. Umupo kami sa tabi ni Mafe. "Hi Deanna, i'm Jovi. Ate ni Jema." Nakipag-kamayan ako rito. "Hello." I said shyly. "How old are you, Deanna?" Seryosong tanong ng papa ni Jema. "I'm turning twenty on July 18 sr." I said politely. "Don't call me sr, masyadong pormal. Call me tito na lang." "Call me tita." Nakangiting sabi nung mama ni Jema. "Y-yes po t-tito and tita." Shit! Nauutal ako. "Excited pala ah." Bulong ni Jema. "Umorder na muna tayo." Sabi ni tito. Si Jema na ang umorder sakin ng food, alam niya naman kung anong gusto ko eh. "Anong trabaho ng parents mo, Deanna?" "Isang nurse ang mother ko and my dad is a businessman." "Are you Chinese?" "Half po." "Pa naman, hindi ba halata sa mukha ni Deanna at sa apelyido?" Natatawang tanong ng ate ni Jema. "Naninigurado lang." Tumingin muli sakin si Tito. "Mukha kang galing sa mayaman na pamilya. Kami ay simple lamang, hindi kami mayaman at mahirap. Sigurado ka ba na matatanggap ng magulang mo si Jema?" Natahimik ako sa sinabi nito pero sumagot naman ako. "Opo. Sisiguraduhin ko." "Mabuti, ayoko sa lahat nasasaktan ang mga anak ko." "Alam ko po. Lahat naman ng magulang yun yung ayaw mangyari sa mga anak nila. Ang masaktan." "Good." Dumating na ang food. Habang kumakain kami ay maraming tinatanong sakin ang mama at papa niya. Nang matapos kami kumain ay tumungo kami sa apartment ni Jema, gusto daw ako maka-bonding ng family niya eh. "So anong balak mo Deanna kapag nakapagtapos ka na ng college?" Tanong ni tita. "Ako na po ang magha-handle ng business ng dad ko, ako po kasi ang naka-assign para mag-handle nun." "Bakit? Wala ka bang kapatid?" Tanong ni ate Jovi. "Lima po kami magkakapatid, dalawang lalaki at tatlo po kaming babae. Yung isa ko po kapatid ay nurse then yung isa naman ay nag-aaral ng B.S Occupational Therapy." "Bunso yung dalawang lalaki?" Tanong ni Tito. "Opo. Yung isa elementary tapos yung isa po ay nasa senior high school." "Ano bang name ng company niyo?" "Sa Wongxie Corporation po." "Ano?!" Napaigtad ako dahil biglang napasigaw ang magulang ni Jema. "Pa naman, tinatakot niyo si Deanna." Sabi ni Jema na nasa tabi ko. "Pasensya na, nagulat lang talaga ako." "Bakit pa? Alam mo ba ang company na yun?" Mafe asked. "Ang nagmamay-ari ng company na yun ay pang-lima sa pinaka-mayaman sa china." "What?!" Gulat na tanong ni Jema. "Ibig sabihin sobrang yaman nila ate Deanna?" Sabay tingin sakin ni Mafe. "Heheheh! Kahit naman po ganun kayaman ang pamilya ko, simple pa rin naman kami." "So pa'no yan? Sa china ka titira kapag tapos mo mag-college? Paano ang anak ko?" Tito asked. "Hindi po. May company rin naman kami rito sa Philippines, main company po yung nasa china." "Ah . . Mabuti." Sabay tango ni tito. Ganun ba kami kayaman at ganun ang mga reaction nila? Nakakagulat ah. Akala ko galit sakin yung papa ni Jema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD