Jema Point of View
Kakatapos lang ng game namin ngayon versus banko perlas. I need to pee so dumeretso ako sa CR.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ako. Lumabas na ko ng cubicle at naghugas.
"Jema."
Napaigtad ako nang makita kung sino ang tao. "Fhen?"
"Jema please come back to me."
Akmang hahawakan niya ko pero mabilis akong lumayo sa kanya. "Don't touch me, Fhen." Palabas na sana ako pero hinatak ako nito at sinubukan halikan. "Ano ba?!"
"A-akin ka lang, Jema."
Inipon ko ang aking lakas para maitulak siya at nag-successful naman ako dun, tumakbo na ko palabas.
"Ou——Jema?"
"D-deanna? W-what are you d-doing here?" I asked at lumingon sa aking likod para tingnan kung nasa likod ko si Fhen.
"Bakit nanginginig ka?"
Tumulo ang aking luha. "F-fhen t-try to kiss me."
"What? Where is she?" She angrily asked.
"N-no, no, no. Umalis n-na tayo r-rito."
Hinila ko na siya palayo doon. s**t ka, Fhen!
Nababaliw ka na.
Tumungo kami kung saan nakaparada ang kotse ko, pumasok kami doon. "She hurt you?" Chineck nito ang katawan ko.
"N-no." I wiped my tears. "What are you doing here? May kasama ka ba?"
"I watched your game, i'm with coach O and Luigi."
"Kailangan ko na umuwi."
"Sasama ako sayo, baka puntahan ka nung Fhen na yun sa apartment mo." Nag-type ito sa phone niya. "Dito ka lang, kukunin ko ang gamit mo sa loob tsaka ipapaalam na din kita."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Please don't tell them kung anong nangyari."
Ngumiti ito at tumango, hinalikan niya ang noo ko bago lumabas tuluyan ng kotse.
Pagdating namin sa apartment ko ay inabutan agad ako ni Deanna ng tubig. "Gusto mo kasuhan natin siya?"
"Like what you said ayoko ng gulo."
"Mag-iingat ka sa susunod lalo na kapag alam mo na nasa paligid mo siya."
"Thank you, Deans." I hugged her.
"Mag-iingat ka lagi."
Lumayo ako ng unti para makita ang mukha nito. "I love you, Deans."
I closed my eyes at dahan-dahan nilapit ang aking mukha sa mukha ni Deanna. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman kong nakalapat na ang aking labi sa kanyang labi.
"I love you more." She said nung nilayo ko na ang aking mukha. "Nakakagutom pala yan labi mo."
"Sira!" Tinulak ko ang mukha nito. "Nagugutom na ko."
She stood up. "Wait lang, tatawag lang ako." Tumawag 'to sa isang restaurant at nagpadeliver rito ng food.
"Cge."
Umakyat ako para maligo at magbihis. "Jema, nandito na yung food."
"Susunod ako, Bb."
Nang matapos ako magbihis ay bumaba na ko, nadatnan ko si Deanna na hinahanda na ang kakainin namin.
Deanna Point of View
"Let's eat." Pinaupo ko si Jema sa tabi ko at nagsimula na kami kumain.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang may kumatok sa gate na napakalakas.
"JEMA!!"
"Si Fhen."
I stood up. "Dito ka lang."
"Wag mo siya labasin."
"Hindi pwede, baka lumabas sa article ang nangyayari sa inyo."
"Sasama ako." She said.
Tumango ako. Natigil si Fhen sa pag-palo sa gate nang makita kaming dalawa.
"Jema, please talk to me."
"Fhen, umalis ka na." Jema said.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka bumabalik sakin." She looked at me, her eyes are full of anger. "Ikaw! Inagaw mo sakin si Jema."
"Dito ka lang." I whispered.
Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Jema sa T-shirt ko. Inalis ko ang kamay niya at binuksan ang gate.
"Deanna!"
"Hayop ka!"
Pumasok ito at susuntukin sana ako pero mabilis akong umiwas. Tsk! "Ang weak mo naman."
"f**k you."
"Fhen stop it!"
Mabilis akong sumulyap kay Jema at kumindat sa kanya. "Okay lang." I mouthed.
Sinipa ako ni Fhen pero hindi naman ganun kalakas. "Argh!" Sasapakin ulit sana ako nito pero hinawakan ko ang kamao niya.
"Don't." Isasapak niya sana yung isa pa niyang kamay pero hinawakan ko rin ito. "Don't me, ms. Emnas."
"ARGHH!!"
Pabalang ko siyang binitawan. "Umalis ka na."
"Tandaan mo babalik sakin si Jema, hindi mo alam ang ugali ni Jema. TANDAAN MO YAN!! Akin siya!!"
Sumakay na ito sa kotse niya at pinasibad na paalis. Lumapit ako kay Jema.
"Tara, kain na tayo ulit."
"Galing umilag ah."
"Syempre." I smirked.
Ni-lock ko ang gate at pumasok na muli kami sa loob. Nang matapos kami kumain ay nanood na kami ng balita.
Kahit may klase ako bukas ng maaga ay pinili ko na lang rito matulog, baka kasi bumalik si Fhen at tuluyan niya ng magawa ang binabalak niya kay Jema.
"Umuwi ka na, hindi na yun babalik."
"Ayaw." Humiga ako sa couch. "Maaga nalang ako gigising bukas."
"Naku! Bahala ka nga." Naupo ito sa gilid ko. "Ang kulit mo talaga, Bata."
"Mahal mo naman."
"Tsk! Sino nagsabi? Kukutusan ko."
"Ikaw." I winked at her.
"Edi wow!"
Hinampas nito sakin ang hawak niyang throw pillow. Hinatak ko siya kaya napahiga ito sa ibabaw ko.
"I love you."
Hay! Feeling ko ang tagal na namin ni Jema kahit wala pa kaming isang buwan.
Tama nga sila.
Ang sarap mahalin ng isang Jema Galanza.
Lakad at takbo ang ginagawa ko rito sa oval, wala akong magawa eh. Walang training tapos wala pa kong klase.
Gusto ko ma-hug si Jema kaso nasa training siya ngayon eh.
"Ate Deanna!"
I looked at my back at napangiti agad ako nang makita kung sino ang tumawag sakin.
"Mafe, anong ginagawa mo rito?"
"Grabe, ang laki ng ateneo. Akala ko hindi kita mahahanap."
"Dapat kasi tinawagan mo ko." Ginulo ko ang buhok niya. "Bat nandito ka?"
"May klase ka ate Deanna?"
"Wala, bakit?"
"Nasa parking lot si kuya Cy, labas tayong tatlo. Bonding tayo." She said.
"Tamang-tama, kanina pa ko nabobored eh."
Tinungo namin ang parking lot ng BEG. "Hi Deanna."
"Hey." I tapped his shoulder.
"Tara na kuya Cy." Excited na sabi ni Mafe at nauna nang sumakay sa kotse.
Sumakay na rin ako sa passenger seat at si Cy naman ay sa driver seat. "Saan tayo girls?"
"Hm bowling tayo kuya."
"Sure. Okay ba yun sayo?" Cy looked at me.
"Yeah."
Pumunta kami sa eastwood mall, diretso kami sa eastwood bowling. Naglaro kami ng bowling tsaka billiards.
"Galing mo ate Deans." Mafe said.
I winked at her then tinira ang last ball. "Argh! Talo ako, galing ni Deanna."
Tinawanan ko lang si Cy at naupo muna. I called Jema, siguro naman tapos na yung training nila.
"Hello?"
"Hi Bb."
"Asan ka? Katatapos lang ng training namin." She said.
"Si ate Jem yan?"
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Mafe. "Kasama mo si Mafe?"
"Ah . . Oo, kasama ko siya tsaka si Cy, sinundo nila ako sa ateneo."
"Aba't! Siraulo yun, hindi man lang nagsabi sakin."
"Hayaan muna. Ang sarap nga nila kasama eh." I said.
"Mas masarap pa sakin?"
Hm . . Maasar nga. "Oo, Bb."
"Langya ka! Sa kanila na ikaw."
"Joke lang, Bb."
"Mukha mo. Tse!" Pinatay nito ang tawag.
Napanganga na lang ako dahil sa inasta nito. Anyare dun?
*BZZTTT!!*
Si ate Aly. "Oh ate, bakit?"
"Sira ka! Ininis mo si Jema."
"Bakit ba ang init ng ulo nun ate?" I asked.
"Meron siya. Yari ka, suyuin mo yun."
"Hala. Hindi ko alam, cge ate salamat sa pagsabi." I ended the call.
Binulsa ko na ang phone at nilapitan ko si Mafe. "Mafe, badtrip sakin yung ate mo."
"Bakit?"
"Eh kasi inasar ko, meron pala siya. Ano bang pwede kong gawin para mawala yung pagka-badtrip sakin?"
Saglit naman itong nag-isip. "Hm . . . Sunflower! Tsaka mango na yellow, mahilig yun sa mango na yellow kapag may mens siya."
"Salamat. Ano pa?"
"Chocolates."
I nodded. Maya't-maya nag-aya na si Cy kumain. Nauna kami matapos ni Cy kumain kay Mafe.
"Cy, samahan mo naman ako."
"Saan?"
"Bibili lang ako ng pagkain ni mareng Jema, badtrip sakin eh." I said.
Tumango ito. Nagpaalam kami kay Mafe bago tumungo sa isang supermarket.
Hindi ko alam kung anong gusto ni Jema na chocolate kaya lahat nang makita kong chocolate ay kumuha ako ng tig-iisa.
"Dami niyan ah."
"Para mawala agad yung pagka-badtrip."
"Naku yari ka diyan kay mareng Jema, iba pa naman yan ma-badtrip." Cy said.
Kumuha din ako ng mango tapos ay tumungo na kami sa cashier para magbayad.
Binalikan na namin si Mafe, hinatid ako ni Cy sa apartment ni Jema. "Hindi niyo ko sasamahan?"
"Bahala ka na dyan, Deans."
Pinasibad na paalis ni Cy ang kotse, binelatan pa ko ni Mafe. Tsk! Akala ko naman tutulungan ako.
Dahan-dahan akong kumatok sa gate niya. "Sino yan?!" Bumukas ang gate. "Anong ginagawa mo rito?"
"Hi, Bb."
"Umalis ka na." Isasara nito sana ang gate pero mabilis akong pumasok sa loob. "Hoy! Ano ba!"
"Calm down, Jema."
Nilapag ko sa center table ang dala ko. "Umalis ka."
Hinarap ko siya. "May dala ako sayo." I grabbed her hand. "Wag ka na magalit, Bb." Tinuro ko ang dala ko. "Para sayo yan lahat."
Binitawan ko siya at nilapitan niya ang dala ko. "Wow! Mango tsaka chocolates."
"Bati na tayo?"
She looked at me. "Hiwain mo yung mango then okay na tayo."
Mabilis ko naman ginawa yun at pagtapos ay pinakain ko na sa kanya. Hirap kapag may girlfriend kang topakin, ganito pala si Jema kapag meron.
Kakaiba.
Hindi naman ako ganito.
Jema Point of View
Pansin kong nakatitig sakin si Deanna habang kumakain ako kaya pinasukan ko ng tissue yung bibig niya.
"Makatitig ka sakin, para kang tanga."
"Grabe ka naman, Bb." She said and pouted.
I took the chocolates and gave her. "Subuan mo ko."
"Para sayo, Bb." I stood up. "Oh, bakit?"
"Lumipat ka dun." Sabay turo sa isang plastic chair. Mabilis naman siyang tumayo at umupo dun. "Good.
Dahan-dahan akong naupo sa kanyang lap paharap. "G-ginagawa m-mo?"
"Subuan muna ako."
"B-bakit k-kailangan g-ganito?"
"Daming sinasabi." I kissed her pero smack lang.
Bigla itong namula. Naman oh! Nagugutom na ko, nagawa niya pa kiligin. "May sakit ka ba?"
"Tatamaan ka na sakin, Deanna. Subuan muna ako, i'm hungry."
"Ay sorry." Sinubo na sakin nito ang chocolate na maliit.
Nang matapos ako pakainin ni Deanna ay nanatili lang kami sa ganun posisyon. "Labyu."
She didn't speak so I looked her. "Why?"
"Sabi ko labyu."
"Oh tapos?"
Hinampas ko siya sa braso. "Hindi ka mag-labyu two?!"
"Bakit ang init ba ng ulo mo?" Hinapit nito ang baywang ko dahilan para lalong dumikit ang aking katawan sa kanya.
"Ganito talaga ako."
"Kawawa pala ako kapag meron ka."
"So makikipag-break ka na sakin?" I pouted.
"Hindi noh. Magce-celebrate pa tayo ng 25th wedding anniversary."
"Hanggang 25 lang?"
"Syempre hanggang kamatayan natin." She hugged me. "Sana next life ko, ikaw pa rin."
*BZZZTTT!!*
Kinuha ko ang aking bulsa at sinagot ang tawag. "Hello?"
"Hi Pangs."
"Oh ate, napatawag ka?" I asked.
"Asan ka? Nagkita ba kayo ni Mafe?"
"Hindi, pero magkasama sila kanina ni Cy tsaka ni Deanna." I said.
"Deanna? Yung girlfriend mo?"
"Yeah." I kissed her again and smiled. "Love you." I mouthed.
"Sa June pupunta kami ni papa at mama dyan sa manila."
"Bakit?"
"Bibisitahin kayo ni Mafe. Ayaw mo?" She said.
"Wala akong sinabi. Cge na, marami akong ginagawa."
Hinagis ko ang aking phone sa sofa. "Sino yun, Bb?"
"Si ate Jovi." Tumayo na ko. "Papalit lang ako, wait for me."
Tumungo ako sa kwarto para kumuha ng napkin. Nagpalit din ako pagtapos ay muli kong binalikan si Deanna sa sala.
"Tapos ka na?"
I nodded. "Seven na, hindi ka pa uuwi?"
"Mamaya na, maaga pa."
Nanood na lang kami tutal wala naman ibang magagawa. Nang sumapit ang eight o clock ay nag-desisyon na siyang umalis.
"Ingat ka, i love you."
"I love you too."