Nakasimangot si Addy nang makita niya kami ni Kuya Kiel na magkasamang pumasok sa loob ng restaurant. Nagsasalubong ang mga kilay niya nang makalapit na kami sa kanya. "Good morning!" masiglang bati ka sa kanya. Hindi siya sumagot. Sa halip ay ibang salita ang lumabas mula sa bibig niya. "Yan ba ang dahilan kung bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko mula pa kagabi?" "Nag-usap lang kami ni Kuya Kiel. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan." naiinis na sagot ko saka na ako lumapit sa upuan na nasa tabi niya pero hinila ni Kuya Kiel ang kamay ko saka niya ako pinaupo sa kabila. Pumagitna siya sa amin ni Addy kaya mas lalong lumukot ang mukha nitong isa. "Paupo na siya pinigilan mo pa? Bakit ba alam mo pa sa kanya kung saan siya uupo?" naiinis na sita ni Addy sa kapatid niya. "Relax

